00:00Puspusan naman ang pag-iikot ng mga kandidato ng alyansa para sa bagong Pilipinas,
00:04lalo't 10 araw na lamang ay botohan na para sa hatol ng Bayan 2025.
00:10At ngayong araw nga, ang probinsya naman ng Quezon ang kanilang susuyurin.
00:15Si Daniel Manalastas ng PTV sa Balitang Pambansa Live.
00:20Daniel?
00:22Yes, Princess, mga taga-Quezon naman ang susuyuin ng alyansa para sa bagong Pilipinas ngayong araw.
00:29Kung saan, ang lalawigan ng Quezon ang isa sa pinuturing na mataas ang populasyon.
00:36Mamaya, inaasahang mismong si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:41ang maunguna sa pag-endorso sa mga kandidato sa pag-senator ng nasa ilalim ng alyansa slate.
00:48Sabi ng campaign manager ng alyansa na si Congressman Tobit Yanko,
00:52narito sila para hingin ang tiwala ng mga taga-Quezon,
00:55makinig sa kanilang mga hinahing at magpresenta ng mga pinunong anyay tutugon sa maraming problema ng bansa.
01:02Maliban sa lalawigan ng Quezon, tuloy-tuloy din ang pag-iikot ng mga pampato ng alyansa
01:07tulad ni Sen. Bong Revilla na nagtungo sa Cavite kagabi,
01:11saan mainit na tinanggap ang senador.
01:14Sa Takaloba naman, isinulong ni dating Sen. Manny Pacquiao na panakasin ang mga kooperatiba.
01:20Sa Cavite naman, hinikayat ni Sen. Francis Tolentino ang taong bayan na pumili ng mga leader na tunay
01:27na nagmamahal sa bayan at hindi naglilingkod sa interes ng dayuhan.
01:33Sa punto nito, Princess, inaantabayal naman natin ang isasagawang press conference
01:36ng ilang pambato ng alyansa para sa Bagong Pilipinas
01:40at mamayang hapon, magsasagawa sila ng campaign rally.
01:44Princess!
01:45Maraming salamat, Daniel Manalastas ng PTV.