00:00Naka-red alert na ang Eastern Summer bilang paghanda sa posibleng pagtama ng Bagyong Wilma.
00:06Yan ang ulat ni Penelope Pumida ng Radyo Pilipinas Borongan City.
00:13Simula kagabi, wala nang tigil ang naranasang pagulan dito sa Borongan City Eastern Summer,
00:19dulot ng Bagyong Wilma.
00:21Kaya naman ang Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office
00:24patuloy na naka-alerto alinsunod sa utos ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr.
00:30Natiyakin ang kaligtasan ng lahat tuwing may kalamidad.
00:33Kabilang sa mga tinututukan ng PDRRMO, ang mga nakatira sa mga landslide at flood-prone area.
00:39Bukod sa class suspension ngayong araw, pansamantala ring sinuspende ng Coast Guard Station Eastern Summer
00:45ang lahat ng biyahe ng mga sasakyang pandagat sa lalawigan at dahil activated na ang Emergency Operations Center.
00:52Nakastanby ng Emergency Response Teams, relief goods at mga kagamitan
00:57para sa pag-responde sa mga emergency at pagtugon sa mga pangangailangan ng mga residente nito.
01:03Nag-conduct din po tayo ng PDRRMO, yung pre-disaster assessment sa bawat cluster agencies.
01:13Bali, out of 34, 38 members, may present po tayo ng 24 members.
01:22Sa ngayon, itinaas na sa red alert mula sa blue alert status ang buong Eastern Summer.
01:28Pagtitiyak ng provincial government, handa ang mga kinaukulang ahensya ng pamalaan
01:32sa posibling epekto ng bagyong Wilma.
01:35Mula sa Borongan City, para sa Integrated State Media,
01:38Penelope Pumida ng Radyo Pilipinas, Radyo Publiko.
Comments