00:00Marami na namang naghihintay sa labas ng tanggapan ng Bureau of Animal Industries sa Quezon City
00:05para bumili ng 20 pesos kada kilong bigas.
00:08Ayon tayo lang nasa unahan ng pila, alas 11 kagabi pa sila naroon.
00:13Hinati na ang pila sa tatlo.
00:15Una, para sa mga nagparehistro online.
00:17Pangalawa, para sa mga walk-in na may hawak ng stub.
00:21At pangatlo, para sa mga kukuha pala ng stub para makabili ng bigas sa mga susunod na araw.
00:26Sanlibong nagparehistro online ang mabibentahan ng bigas ngayong araw.
00:31250 naman sa mga nag-walk-in.
00:34Ayon sa Department of Agriculture, puno na ang online appointment slots para sa May 4 hanggang 8.
00:40Muli raw bubuksan ang benteng bigas appointment system ngayong araw para sa mga gustong bumili
00:45sa Bureau of Animal Industry Kadiwa Store sa May 11 hanggang 15.
Comments