00:00Maagang pumila ang mga bumili po ng 20 pesos na bigas sa Bureau of Animal Industry and Agriculture Department kaninang
00:07umaga.
00:08Nahati sa tatlong pila ng mga miyembro ng vulnerable sectors,
00:12isa para sa mga nag-register online, isa para sa may mga physical na stub,
00:17at isa para sa mga kukuha pa lang ng stub.
00:20Hanggang 10 kilong bigas lamang ang maaaring mabili ng mga mamimili na pawang bahagi po ng vulnerable sectors
00:27gaya ng senior citizens, solo parents, miyembro ng 4Ps, at persons with disability.
00:34Ayon sa ilang beneficiaryo, kontento naman sila sa kalidad ng bigas.
00:38Sinasamantala rin ang ilan sa kanila ang bentahan ng murang sardinas, gulay at prutas.
Comments