00:24Mav Gonzales
00:30May limang miyembro ngayon ang tinaguriang Duterte Block sa Senado.
00:33Sina Sen. Bato de la Rosa, Bongo, Rodante Marcoleta, Robin Padilla at Aimee Marcos.
00:40Bahagi sila ng minorya kasama sina Sen. Alan Peter Cayetano, Cheese Escudero, Joel Villanueva at Jingoy Estrada.
00:47Sabi ni dating Sen. President Coco Pimentel, posibleng mauwi sa kudita kung gusto harangin ang ilang senador ang impeachment ni
00:55Vice President Sara Duterte.
00:56Sabi kasi ni Sen. President Tito Soto, oras na matransmit sa Senado ang Articles of Impeachment, kaagad niyang i-convene
01:03ang impeachment court.
01:04Ang opinion niya, kailangan mag-trial. So, hindi siya papayag na hindi mag-trial.
01:09What is the only way? What is the only way na ma-enforce ng majority kung ayaw nila mag-trial?
01:16Ang laki ng minority ngayon, 15 versus 9.
01:21Tandaan mo na you only need 13 votes to elect the Senate President or to elect a new Senate President.
01:31Tingin ni Pimentel, maninindigan si Soto kahit pamapalitan siya sa pwesto.
01:36Sabi kasi ni Soto, pwedeng i-convene ang impeachment court basta't may labing tatlong senador na present.
01:42Kung palitan siya, so be it. Ang importante yung lugar niya sa history, sa kasaysayan na mapakita niya sa mga
01:53apun niya siguro na tama yung paninindigan niya kahit na ang kapalit, losing the position.
02:00Tingin ni Soto, walang mahabang debate. Kung magkaroon ng trial, sakaling umakyat sa Senado ang Articles of Impeachment laban kay
02:08Duterte.
02:08Kung matuloy, gusto ni Soto ng pre-trial para maayos at mabilis ang proseso at wala nang surpresa.
02:15Tingin niya sa huling linggo ng Hunyo ang pinakamatagal na pagsisimula ng impeachment trial, basta't walang magdedelay.
02:22Para ma-convict at matanggal sa pwesto ang bise, kailangan ng two-thirds na boto mula sa lahat ng membro
02:28ng Senado natatayong Sen. Judge.
02:30Dahil may 24 na senador ngayong 20th Congress, kailangan ng 16 na boto para sa conviction.
02:37Kinukunan din namin ang pahayag si Cayetano pero wala pa siyang tugon.
02:40Si De La Rosa, natatayo rin Sen. Judge, wala pa rin pasabi kung papasok na siya.
02:45Ito ang unang balita. Mav Gonzalez, GMA News.
Comments