00:00Sa napipintong impeachment trial ni Vice President Sara Duterte sa Senado
00:04na pag-uusapan ang posibilidad ng pagdalo ni Sen. Bato de la Rosa
00:08sa pamamagitan ng videoconference.
00:11Posible raw ito ayon sa ilang law experts pero pwedeng ma-question sa Korte Suprema.
00:16Sabi naman ng iba pang eksperto, kailangan pa rin manumpan ng personal ni de la Rosa
00:21para maupo bilang Sen. Judge.
00:23May unang balita si Chino Gaston.
00:30Sa kanyang pagsipot para i-botong Sen. President si Sen. Alan Peter Cayetano
00:34at kalaunay pag-alis sa Senado at hindi na pagpapakita sa publiko
00:39sa gitna ng hinaharap na arrest warrant mula sa International Criminal Court o ICC,
00:45may mga nagtatanong kung posible kayang makalahok pa rin at makaboto si Sen. Bato de la Rosa
00:51sa impeachment trial ng galyadong si Vice President Sara Duterte.
00:55Posible, sabi ng isang law expert, kung papayagan ng liderato ng Senado
01:00ang pagdalo ng Senador sa pamamagitan ng video teleconferencing
01:04bagamam pwede anya itong kwestiyonin sa Korte Suprema.
01:08Technically po, pwedeng mag-adapt ng rule ang Senado
01:12na mag-allow ng participation through videoconferencing.
01:18Sa ngayon kasi, ang nasa Rule 14 ng Senate Rules lang ay maaring mag-convene o mag-sesyon
01:24ang Senado sa pamamagitan ng videoconferencing kung mag-desisyon ang karamihan ng mga Senador
01:29na may kalamidad o national emergency na pumipigil sa personal na pagdalo
01:35ng mga Senador sa Senate Session Hall.
01:37Nitong Mayo a 11 lang, sa unang pagpapakita ni de la Rosa sa Senado
01:41mula ng magdago noong Nobyembre, iminumungkahi ng kaalyado niyang si Senador Rodante Marcoleta
01:48na baguhin ang Rule 14.
01:50Ang gusto ni Marcoleta, payagan si de la Rosa, makalahok sa mga aktibidad ng Senado.
01:56This concerns the very institution where he belongs.
02:00It is not only a disrespect to an incumbent and sitting senator of the Republic,
02:07but this is an act ridiculing this institution.
02:16Sabi ng isang opisyal ng Senate Rules Committee, bukod sa Senate Rules mismo,
02:21kailangan ding amyandahan ang rules ng impeachment court
02:23para payagan ng pagdalo sa impeachment trial sa pamamagitan ng videoconference.
02:29Ngayon pa lang, tutol na rito si Batangas Rep. Jervil Luistro na uupuring impeachment prosecutor.
02:35My personal opinion is the senator judges should be personally present.
02:43This is paramount because this is a constitutional mandate
02:47to have a correct appreciation of all the evidence to be presented.
02:52At kahit mabago ang rules ng Senado, sabi ng iba pang law expert,
02:56kakailanganin din ni de la Rosa manumpa ng personal sa Senado bago umupo bilang senator judge.
03:03And hindi ito oath kasi na nanumpa ka para mag-notaryo eh.
03:07Oath to perform an important function, a constitutional duty.
03:12Dapat mag-participate siya kung sakaling payagan,
03:16be present even through videoconferencing.
03:18Para makapag-participate siya, hindi yung nag-oath,
03:22tapos bahala na, tapos magpapakitan lang siya sa butuhan.
03:25So, kailangan mag-participate siya because he took an oath,
03:28he will be taking an oath as a judge.
03:30So, kailangan may active participation and he should disclose his whereabouts.
03:35Kasalukuyang pinapayagan sa ilalim ng mga pamantayan ng Korte Suprema
03:40ang remote notarizations ng mga affidavit at dokumento
03:43maging ang pagdalo online sa mga kasong kriminal at sibil.
03:47Pero kung papayagan ang pagdalo sa impeachment trial
03:50gamit ang video teleconference,
03:52malalaman lamang kung may kukwestiyon nito sa Korte Suprema.
03:56Ito ang unang balita.
03:59Chino Gaston, GMM News.
Comments