- 2 months ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
24 Oras Weekend is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Ivan Mayrina and Pia Arcangel. It airs on GMA-7, Saturdays and Sundays at 5:30 PM (PHL Time). For more videos from 24 Oras Weekend, visit http://www.gmanews.tv/24orasweekend.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:00May nabisto na ng mga iligal na nagre-refill ng LPG na pinapalitan pa ang brand at kulay ng tanke.
00:06Nakatutok si Bernadette Reyes.
00:12Natuntun ng mga operatiba ng NCRPO Regional Special Operations Unit
00:16ang isinumbong sa kanilang iligal ng LPG filling station sa Santa Queteria sa Caloocan.
00:22Sa visa ng search warrant, sinuyo dito ng mga operatiba.
00:26Tumambad ang iba't ibang brand ng LPG tank na pinalitan ng label at kulay bago nire-refill.
00:32Iligal ito base sa promisyon ng LPG Industry Regulation Act.
00:37Hindi bababa sa 50-70 tanke ang kinumpiska at gagamitin ebidensya.
00:44Base sa inisyal na imbestigasyon ng NCRPO Regional Special Operations Unit,
00:48eto yung production area kung saan nire-repaint yung mga LPG tanks.
00:53Mula sa dating kulay azul, pinapalitan nito ng kulay orange o kahel.
00:58Wala sa lugar ang may-ari ng LPG filling station.
01:02Pero sabi ng mga nagtatrabaho roon, hindi nila alam na iligal ang operasyon.
01:07Bagoan lang ako na ito po.
01:09Akala okay lang. Okay lang eh.
01:12Hindi namin alam na bawal pala yan.
01:14Two weeks pa lang ako.
01:16Alam mo ba may iligal?
01:18Hindi ko alam na.
01:19Hindi ko po ano na yan. Akala ko okay lang po yan.
01:22Singisikap ng GMA News na makuha ang panig ng Department of Energy ukol dito.
01:27Sa ngayon, walang paggalaw sa presyo ng LPG sa kabila ng mataas na presyo ng langis sa world market.
01:34Pero nakaamba sa susunod na linggo ang panibagong price hike sa diesel
01:39matapos ang tatlong magkakasunod na rollback habang masusundan ang dagdag presyo sa gasolina.
01:45Ayon sa isang oil industry source, ngayong araw,
01:48posibleng tumaas ng 2 pesos and 80 centavos hanggang 4 pesos ang kada litro ng gasolina.
01:55Hanggang 2 pesos and 50 centavos naman ang kada litro ng diesel.
01:59We have news na tataas ulit this coming week.
02:02Kaya hanggat mura, 80 plus full tank na natin.
02:06Akala namin tuloy-tuloy na eh.
02:08Pero tapos tataas na naman ulit.
02:11Baka sa susunod, tataas na naman ulit.
02:14Brinadette Reyes, nakatutok 24 oras.
02:18Posibleng na umanong ma-impeach sa susunod na dalawang linggo si Vice President Sara Duterte
02:23ayon sa isang miyembro ng House Justice Committee.
02:25At hindi gaya ng naunang impeachment complaint laban sa vice,
02:29imbes na pito, posibleng apat na lang daw ang articles of impeachment.
02:33Nakatutok si Jonathan Andal.
02:39Naniniwala si Bicol Saro Partidist Representative Terry Redon,
02:43membro ng House Justice Committee na posibleng ma-impeach na si Vice President Sara Duterte
02:48sa loob ng susunod na dalawang linggo.
02:51Sabi ni Redon, hindi anya mahirap makakuha ng kailangang one-third o 106 na boto
02:56mula sa mahigit tatlong daang kongresista.
02:58Ang expectation po natin dyan, within the next two weeks,
03:02we will have to submit it to the Senate and we have impeached the Vice President.
03:07Yung source of confidence natin would be the evidence presented during the proceedings itself.
03:11Kung noong nakaraang taon, pito ang articles of impeachment laban kay Duterte,
03:15ngayon sa Bineridon, apat na lang ang tinitignan nila.
03:18So, yung main naman po ay unexplained wealth, bribery, yung confidential funds misuse
03:31at ito po nga threats against the President.
03:35So I think dyan po talaga iinog yung mga talakayan at articles of impeachment po natin.
03:43Sinusubukan din namin hinga ng pahayag si House Justice Committee Chairperson Jerville Luistro Kaugnay nito.
03:48Kapag na-impeach si Duterte at ipinasa na ang articles of impeachment,
03:51agad daw magkukonvene bilang impeachment court ang Senado.
03:54Pero sabi ni Senate President Pro Tempore Ping Lakson sa isang pahayag,
03:58baka sa Hunyo pa simulan ang trial.
04:00Aabutin pa kasi ng tatlong linggo mga proseso bago ang trial
04:04gaya ng pagpapadala ng summons at reply, preliminary conference para sa stipulations
04:09at posibleng marking of evidence.
04:11Yan din ang sinabi ni Senate President Tito Soto.
04:18Huwag lang daw magkaroon ng mga delaying tactic.
04:21Ayaw naman magkomento ng mga abogado ng bisis sa sinasabing timeline sa impeachment.
04:25Nasa discretion na raw ito ng Kamara at Senado habang sila patuloy na imamonitor ang mga susunod na mangyayari.
04:31Sabi ni Redon, may pitong kongresista ng pinangalanan si Luistro
04:35na posibleng bumuo sa bagong prosecution team na uusig kay Duterte sa Senado.
04:40Pero paglilinaw ni Redon, hindi pa yan pinal dahil kailangan munang pagbotohan ng impeachment sa plenaryo
04:45bago sila makapili ng mga kongresistang tatayong prosecutor.
04:49Bukod sa mga kongresista, kukuha rin sila ng mga private prosecutor.
04:53Jonathan Andal, Nakatutok, 24 Oras.
04:56Isang senior citizen ang nasawi sa pagkasunog ng kanyang bahay sa Zamboanga City.
05:01Bedridden at mag-isa na lang sa bahay ang 91 anyos na biktima.
05:05Partially damaged ang bahay sa sunog pasado alas 8 kagabi.
05:08Nasa 12,000 pesos ang halaga ng pinsala at inaalam pa ang pinagmula ng apoy.
05:16Apat ang nasagip ng mahulog sa ilog sa France ay isang bus pati ang kotseng na bangganito.
05:22Ayos sa motoridad, trainee na patapos na sa pagsasanay ang nagmamaneho ng bus.
05:27Ayos sa isang saksi, imbis na kumanan, ang bus ay nagdire-diretso ito sa Seine River.
05:32Isang kotse sa tabing ilog na walang sakaya na bangganito at nahulog din.
05:37Sinagip ang trainee bus driver at ang nakabantay sa kanyang lead driver at nalawa pang pasahero.
05:43Negatibo naman ang driver sa drug at alcohol test.
05:46Dayangat na mula sa ilog ang mga nahulog na sasakyan.
05:49Inaibisigahan na ang disgrasya.
05:53Pinawalang visa ng Korte Suprema ang dismissal order ni dating Pangulong Rodrigo Duterte
05:58laban kay dating Overall Deputy Ombudsman Melchor Carandang noong 2018.
06:03Ayon sa SC, walang administrative o disciplinary authority ang Pangulo laban sa Deputy Ombudsman.
06:09Kinatingan din ang Supreme Court ang desisyon ng Court of Appeals na ibasura ang dismissal order
06:14para sa anilay lack of jurisdiction.
06:17Isang independent constitutional body ang Office of the Ombudsman.
06:21At sa pag-void ng Korte Suprema sa dismissal order,
06:25ibinalik nito ang karapatan ni Carandang sa lahat ng retirement benefits.
06:31Dilismiss ng dating Pangulo si Carandang dahil sa mga reklamang graft ng corruption at betrayal of public trust.
06:36Nag-ugat ang reklamo sa maling paglalabas umano ni Carandang
06:39ng impormasyong may bilyon-bilyong piso sa banko si Duterte at ang kanyang pamilya.
06:44Sinusubukan po namin kunin ang reaksyon ni Carandang at ng kampo ng mga Duterte.
06:55Mahigit isang buwang stranded sa dagat sa Germany ang isang balyena
06:58para ma-rescue ito na isip ng mga eksperto na isakay ang balyena sa isang barge.
07:03Possibly kaya ito, Kuya Kim, ano na?
07:11Nitong Marso, na-stranded sa Baltic Sea sa Northern Europe ang balyena ng ito.
07:15Ang balyena na isang juvenile male humpback whale,
07:19pinangala ng Timmy, hango sa Timmendorfer Beach kung saan siya unang namataan.
07:23Ayon sa mga eksperto, si Timmy maaring nalikaw o di kaya'y may sakit.
07:28Dahilan para mahirapan siya makabalik sa karagatan.
07:30Ang mga otoridad, ilang linggo nang naghahanap ng pinakamainam na paraan para ma-rescue si Timmy.
07:36Ang isa sa mga naisip nilang paraan ang mag-dredge para mapalangoy ang balyena patungo sa isang barge.
07:41Na siya namang magdadala kay Timmy pabalik sa tahanan nito sa North Sea.
07:45Pero ang naturang rescue attempt, inalmahan ng ilang eksperto.
07:48Dahil kasi sa lakas ng sound reflection sa loob ng barge,
07:51maari daw itong mas magdulot ng stress pati na high risk of injury kay Timmy.
07:54Magiging matagumpay kaya ang mag-rescue kay Timmy?
07:59Ang mga humpback whale kaya ni Timmy kabilang sa mga mama na may pinakamahabang annual migrations.
08:05Pag nagsimula ng winter mula Antarctica, magmamigrate sila pa Norte.
08:13Lumalangoy sila patungo tropical waters kabilang ang Pilipinas kung saan sila nanganganak at nagbimik.
08:18At pagkatapos ng taglamig, ay babalik na sila sa Antarctica.
08:22Samantala nitong April 28, sinagawa nang rescue.
08:25Hanggang sa ligtas na nakalangoy si Timmy at nakasakay sa barge.
08:29Kung magiging maayos ang lahat, makakabalik daw si Timmy sa North Sea matapos ng dalawang araw.
08:34Ligtas kaya siya makakauwi?
08:36Yan ang ating aabangan sa mga susunod na araw.
08:39Ito po si Kuya Kim at sagot ko kayo, 24 hours.
08:44Ang dating libre pagdaan sa huling segment o segment 3B ng Cavitec C5 Link,
08:50may bayad na simula sa Martes May 5.
08:52Para sa mga motorista, mula at tagig patungo Sukat Road,
08:5659 pesos ang toll sa Class 1 vehicles gaya ng mga kotse,
09:00117 pesos para sa Class 2 gaya ng mga bus,
09:03at 176 pesos para sa Class 3 gaya ng mga truck.
09:06Para sa mga magagaling sa tagig papunta sa Rojas Boulevardo o Sapote,
09:1097 pesos ang Class 1, 194 pesos ang Class 2, at 291 pesos naman ang Class 3.
09:18Wula nang buksan noong March 30,
09:20libre ang pagdaan sa segment 3B ng Cavitec C5 Link
09:23na naguugnay sa Cavitec at C5 Road sa tagig.
09:29UP ang bahagi ng isang sasakyan na may sakay ng mga Korean National
09:32matapos bumanggasa sa isang trailer truck sa Malate, Maynila.
09:36Nakatutok si Jomer Apresto.
09:41Halos mayupi ang kanang bahagi ng kotsing ito
09:44matapos umanong mabanggal ang isang trailer truck sa barangay 690,
09:48Malate, Maynila, mag-alas 3 na madaling araw kanina.
09:51Sugatan ang dalawang pasayro nito na pawang mga Korean National.
09:54Ayon sa polisya, galing sa Paranaque City ang mga biktima
09:57at sumakay sa isang TNVS para sana pumunta sa Malate.
10:01Pero habang nasa San Marcelino Corner, Nakpil,
10:03nabangga sila ng trailer truck.
10:05Ayon sa pahinante nito, galing sila ng Pierre at pauwi na sana ng Batangas.
10:09Huli na raw nang mapansin nila ang kotse.
10:12Mabilis yung takbo ng kotse, ganun?
10:14Mabilis-bilis din po.
10:15May mga sugatan ba doon sa kotse? Nakita mo?
10:19Meron po, may mga sugatan dalaw.
10:21Agad na isinugod sa ospital ang mga dayuhan.
10:23Ligtas naman ang driver ng TNVS na sinakyan ng mga biktima.
10:27Sa ngayon ay ikinulong sa MDT yun, driver ng TNVS at trailer truck,
10:31habang gumugulong ang investigasyon.
10:34Jomer Apresto nakatutok 24 oras.
10:37Nakalbuna mulubunduking lugar sa Baras Rizal
10:40dahil sa quarrying operation na nabistong iligal pala.
10:44Nakatutok si John Consulta, exclusive.
10:48Sa surveillance video ng NBI Rizal,
10:52bistad ang umuloy iligal na quarry sa Baras Rizal.
10:55Kasama mga tauhan ng Mines and Geosciences Bureau ng DNR Region 4A,
10:59sinilakay ng NBI Rizal ang bulubunduking lugar
11:02kung saan tumambad ang mga tumbang puno at kalbong bahagi ng bundok.
11:06Dumulog sa atin ang LGU at nagsusumbong na merong isang operasyon ng quarry
11:12na walang kaupulang permit.
11:16Nagpadala tayo ng tao, pina-surveillance natin,
11:20nagpalipad ng drone para malaman kung meron nga talagang operasyon ng quarry.
11:25Sa litratong binigay ng NBI,
11:28makikita ang malaking pagkasira ng lugar dahil sa quarry.
11:32Kita-kita po natin yung depresya na talagang nakalbuna,
11:34nagputol ng puno at may mga pag-uhokay na po na ginagawa.
11:38Napakalaki pong problema niyan pag nagtag-ulan na at nag-buck yunan
11:42sapagat ito po ay natural protection natin sa kalamidad,
11:45yung pagbaha po at yung pag-lash time.
11:47Dahil naputol na po, nawalan na yung puno at nagbago na yung terrain po.
11:51Ayon sa NBI, base sa certification ng iba't ibang ahensya,
11:55walang lisensya o permit ang kumpanya para mag-quarry.
11:59Huli sa aktong ilang mga tauan ng quarry,
12:03kabilang ang dalawang operator ng backhoe.
12:05Kumpiskado ang may 6 na milyong pisong halagan ng quarry materials at equipment.
12:10Kakasuwan din ang theft of minerals sa ilalim ng Philippine Mining Act
12:13ang mga may-ari ng kumpanya na nasa likod ng illegal quarry.
12:17John Consulta, nakatutok 24 oras.
12:22Maghahay na mosyon ng abogado ng dating broadcaster na si Jason Sa
12:25para mailift ang warrant of arrest o kaya iginit ang pagpapiyansa
12:29para makalaya ang kliyente.
12:32Ang isa abogado ni Sonsa na si Atty. Mark Tolentino
12:34nagkamali ang korte sa inilabas na arrest warrant.
12:37Batay sa warrant na inissue ng Pasay City RTC, Branch 118,
12:41para ito sa kasong unlawful use of means of publication
12:44at unlawful utterance o Article 154
12:48as amended by Republic Act 10591
12:51at not bailable o wala umanong piyansa.
12:54Para ang kay Tolentino, ang RA 10591
12:57ay Comprehensive Firearms and Ammunition Regulation Act.
13:01Ang dapat anya na nakasite o inilagay na batas sa warrant
13:05ay ang RA 10951 na naga-amienda sa revised penal code.
13:09Batay sa pagsusuri ng GMA News Research,
13:12bailable ang kasong unlawful use of means of publication
13:15and unlawful utterances.
13:17Taliwas po ito sa nakasaad sa warrant of arrest
13:20na not bailable ang kaso ni Sonza.
13:24Dapat ang court ang mag-explain nito
13:26bakit nangyayari ito
13:27na nagkamali ang court
13:29tapos binarmahan ng judge
13:31because of that
13:33na da-deprive yung liberty
13:35ng aking kliente.
13:36Sa information na finayel ng DOJ
13:39papunta sa court,
13:41ang nakalagay doon,
13:43bail not required.
13:44Hindi nila check yung mga non-billable.
13:48Mali na yun.
13:48Pangalawa, yung patas na sinahit sa warrant of arrest,
13:52mali din.
13:52Kasi yung ano yung relationship sa illegal possession of firearms
13:55sa unlawful publication?
13:58Sinusubukan po po namin kunin
14:00ang panig ng court, eh?
14:03Kaugnay po nito.
14:05Nagtutulungan ngayon
14:06ang ilang ahensya ng gobyerno
14:08para mabigyan ng trabaho
14:09ang mga Pilipino na umuwi
14:10dahil sa gulo sa Middle East.
14:12Nakatutok si JP Soriano.
14:19Caregiver sa Israel si Jessaline.
14:20Pero matapos niyang umuwi
14:22dahil sa gulo sa Middle East,
14:24naghahanap ulit siya ng trabaho abroad.
14:26Kulang daw kasi para bumuhay ng pamilya
14:28ang sweldo ng trabaho
14:29ang ina-applyan niya rito sa Pilipinas.
14:32Eh, wala.
14:32Hindi talaga kaya ng minimum lang, eh.
14:34O, pagkain.
14:36Siyempre, mga bayaring,
14:37kuryente, tubig, mga ano.
14:39Siyempre, may mga anak ka pang pakakainin.
14:41Yan ang mahal na bili.
14:42Kanina, mahigit 160 na overseas Filipino workers
14:46mula sa Kuwait ang bumalik sa bansa.
14:49Mahigit 8,000 OFW na sa kabuan
14:51ang nagbalik Pilipinas mula sa Middle East.
14:54Tinutulungan naman sila
14:55ng Overseas Workers' Welfare Administration
14:58na makahanap ng trabaho sa Pilipinas.
15:00Pero base sa survey ng OWA.
15:02Sa tanong natin na
15:04willing pa ba kayong magtrabaho abroad?
15:06Hindi specific ang tanong ko sa Middle East.
15:08Ang sagot, over 70% umuwi.
15:11So ibik sa D&D still find that
15:13working abroad is a better opportunity for them.
15:16Ayon sa Department of Migrant Workers,
15:19sinusuri nila ang skill sets ng OFW
15:21mula Middle East
15:22para tugma sa job order sa iba't ibang bansa.
15:25It continuously is a challenge for us
15:29to be able to provide better opportunities
15:31here in the Philippines.
15:32But in practical terms,
15:34ang sinasabi ng mga kababayan natin
15:36na siguro kung mas maganda yung
15:37siwasyon abroad at mas mapayapa,
15:40eh, they are open, no?
15:42Kasabay nito,
15:43bumuo ng kasunduan ng OWA
15:45at Commission on Higher Education
15:47o CHED kaugnay sa scholarship program
15:49para sa mga anak ng mga OFW
15:51sa Kuleyo.
15:52Pinalawig ito
15:53para bigyan din ang scholarship
15:55ang mismo mga OFW.
15:57Patuloy rin ang monitoring ng DMW at OWA
16:00sa mahigit 3,000 Pilipinong tripulanting
16:02sakay na mga barkong
16:03nasa loob pa rin
16:04ng Persian Gulf
16:06at hindi pa nakakalabas
16:07ng straight-form moves.
16:09Ayon kay Migrant Workers Secretary
16:10Hans Kakda,
16:11mahigit 1,300
16:13Red the Pinoy Seafarers
16:14na ang nakalabas na roon.
16:15Minamanman na natin doon
16:17yung sitwasyon
16:17ng pagtawid ng mga tripulanti natin.
16:20Meron tayong minantabayan
16:21at least 14 naman
16:23na makakakawid na
16:24o kulit makakakawid sila.
16:26JP Sorian,
16:27nakatutop 24 oras.
16:30Gumuho ang Caliwet Detour Bridge
16:32sa Santo Domingo, Ilocos, Sur, kanina.
16:34Sabi ng DPWH bumiga ito
16:36nandumaan na isang 20-ton
16:3710-wheeler trap
16:39kahit na 5 tons lang
16:40ang load limit ng tulay.
16:41Kargado ng bato
16:43ang naturang truck.
16:45Nagsisibing Detour Bridge
16:46ang tulay
16:47habang ginagawa
16:48ang permanent bridge
16:49na inaasahang
16:50matatapos ngayong buwan.
16:53Kapapasok lang po
16:54na balita
16:55kasalukuyan na
16:56nagkakaroon
16:57ng pyroclastic density current
16:59sa Miisi Gully
17:00sa south-southwestern slopes
17:02ng Mayon volcano.
17:04Ayos sa Peebox,
17:05ang plume o usok
17:06ay papunta sa west-southwest.
17:08Nasa apatang kilometro
17:09ang agos
17:10ng pyroclastic density
17:11current o ozon.
17:13Tutok lang po
17:14sa GMI News
17:15social media pages
17:16para sa iba pang detalye
17:17kag-unay niya.
17:26Consistency is the key
17:27para sa mga kapuso stars
17:28para ma-achieve
17:29ang kanilang
17:30summer-ready bods,
17:31ang kanilang
17:32fitness routine
17:32to stay in shape.
17:33Alamin sa aking chika.
17:37The summer sun is out.
17:39At para sa kapuso honks,
17:41it's time to flex
17:42their hard-earned bod.
17:45Hitting the gym
17:46ang routine ni Cocoy De Santos
17:48para mapanatili
17:49ang kanyang pagiging fit.
17:51Working out to the gym bod,
17:53ang motivation ni Royce Cabrera
17:55para steady lang
17:56ang pagiging in shape.
17:58I'm gonna compete
17:59in Hong Kong
18:01this coming May 9.
18:03I'll be racing with David.
18:04I'm really excited
18:05na ma-beat namin
18:07yung record.
18:08Intentional workout
18:09ang hanap ni Vince Maristela
18:11kasama ang kanyang gym body
18:13na si pambansang ginoo
18:14David Licauco.
18:17Si Ruro Madrid
18:18tuloy-tuloy
18:19ang training
18:20kahit nakabakasyon.
18:21Dalapan niya
18:22ang shadow boxing routine
18:24sa Spain
18:24para ready na
18:26sa action scenes
18:27ng Hari ng Tundo.
18:29Shedding off
18:30his young boy image
18:31si Paul Salas
18:32at ang kanyang paraan
18:34to keep fit,
18:35basketball.
18:36Getting ready na
18:37sa mga action series
18:38sa upcoming Kapuso series
18:40na kamao
18:40si Anton Vinson
18:42na regular
18:43ang kanyang pagbaboxing.
18:45Same goes
18:46with his co-star
18:47Bruce Roland.
18:48Hindi raw mawawala
18:49sa kanya
18:50ang disiplina
18:50pagdating sa gym.
18:52Simpleng routine ko
18:53from before
18:54Monday,
18:55Wednesday,
18:55Friday gym.
18:56Hindi lang sa spare time
18:58dahil gumagawa talaga
18:59ng oras
19:00to pump some iron
19:01si Derek Monasterio
19:03at kitang-kita
19:04naman
19:05ang resulta.
19:12Thank you Nelson.
19:14Maka po sumula po
19:15sa pag-detreks
19:16sa isang aktibong vulkan
19:18hanggang sa
19:19pagpunta sa talo
19:20na nasa ilalim
19:21ng lupa.
19:21Isama na po
19:23ang mga yan
19:23sa inyong bucket list
19:24kung magbabakasyon
19:25sa Cagayan.
19:27Pasyag po tayo
19:27sa pagtutok
19:29ni Mark Salazar.
19:33Feel the heavenly vibe
19:35habang nagte-trek
19:36sa gitna
19:37ng makapal na hamog.
19:38Bonus pa
19:39ang panoramic view
19:41sa inyong pag-akyat
19:42at nagasdas
19:44na mga talon.
19:46Ang Mount Cagua
19:47sa Gonzaga, Cagayan
19:49tiyak na pasok
19:50sa mga mahilig
19:51sa nature
19:51at trekking adventure.
19:53Tanawang usok
19:55mula sa summit nito.
19:56Ang Mount Cagua
19:57kasi ay isang
19:58active stratovolcano
19:59na kilala rin
20:01bilang Mountain of Fire
20:02at Bantay Tiapuy
20:03sa Ilocano.
20:06Mula sa tuktok
20:08ng bundok
20:08baba muna tayo
20:09sa ilalim
20:10ng lupa.
20:11Sa bayan ng Lasam
20:12kakaibang nature trip
20:14ang hatid
20:14ng nagtapwakan falls
20:16na tinatawag ding
20:17The Falls of the Underworld.
20:19Nung dekada 80
20:21nadiskubre
20:22ng isang katutubong
20:23ayta ang talon
20:24ayon sa mga taga-barangay
20:25si Calao
20:26kung nasaan ang talon.
20:28Mula sa ibabaw
20:29ng lupa
20:30bababa sa yungib
20:31na 15 metro
20:32ang lalim
20:33gamit ang lubid.
20:34Sabay sa pagbaba
20:36ang malamig na daloy
20:37ng tubig
20:37patungo sa loob
20:38ng kuweba.
20:39Doon naghihintay
20:40ang kakaibang view
20:42ng subterranean falls.
20:44Nasa labas naman
20:45ang isang talon
20:46at plunge pool
20:47para sa hindi trip
20:48pumasok sa ilalim
20:49pero nais pa rin
20:50magtampisaw.
20:52O saan tayo
20:53sa susunod na pasyal
20:54o food trip?
20:55I-share nyo na
20:56sa 24 Horas
20:57Weekend Page
20:58ang inyong travel
21:00at food adventures.
21:01Mark Salazar
21:03Nakatutok
21:0424 Horas
21:11Siyempo po sa Labor Day
21:12ang literal na
21:13pag-labor
21:14ng isang buntis
21:15sa isang Roro
21:15vessel.
21:17Nasa biyahe pa
21:18Matnog Sorsogon
21:19ang 32 anyo
21:20sa babae
21:21ng makaramdam
21:21ng pre-labor symptoms.
21:23Agad itong ipinagbigay
21:24alam ng operator
21:25ng Roro
21:25sa tanggapan
21:26ng BFP Matnog
21:27na siya namang
21:28nakipag-ugnayan
21:29sa isang ospital
21:30sa bayan.
21:31Pagdaong sa piersa
21:32Matnog
21:33agad sinuri
21:33ng mga responder
21:34si Mami
21:35na sa barko
21:35na nanganak
21:36at ang kanyang
21:37baby girl.
21:38Ligtas naman
21:39ang magina
21:40na dinala
21:41sa ospital.
21:47Aliyo naman
21:48ang mga netizens
21:49sa kakaibang
21:50diskarte
21:50ng isang fur mom
21:51para itrain
21:52ang kanyang
21:53alagang kuting.
21:54Pero hindi tricks
21:55at pagiging obedient
21:56ang kanyang itinuturo
21:58kundi
21:58kung paano kumain.
22:01Todo yuko
22:01habang nakadapa
22:02ang use cooper
22:03na si Neth
22:04para i-demo
22:06kung paano kumain
22:07ng cat food
22:08sa kuting
22:09na si Arya
22:10at with matching
22:11higop
22:12at muya
22:12sa pag-arte.
22:14Ang kuting naman
22:16tila takantaka
22:16sa ginagawa
22:17ng kanyang amo.
22:18Pero parang
22:19hindi ro-effective
22:20ang tutorial
22:20dahil sa huli
22:21hindi pa rin kinain
22:23ni Arya
22:23ang pagkaing
22:24inihanda sa kanya.
Comments