00:04Bistado ang 22 monghe sa Sri Lanka matapos mahulihan ng marihuana.
00:09Ayon sa isang taga-customs ng Sri Lanka,
00:12pauwi noon ang mga monghe mula sa kanilang bakasyon sa Thailand.
00:15Nabisto sa airport ang kanilang mga maleta na may tingli-limang kilo ng kush.
00:19Ayon sa official ng customs, ito ang pinakamalaki nilang nahuling kush sa nasabing airport.
00:25Karamihan daw sa mga monghe, mga estudyante ng iba't ibang templo sa bansa.
00:30Isang negosyante raw ang sumagot sa kanilang bakasyon sa Thailand.
00:33Walang pahayag ang mga monghe.
00:36Kaugnay naman ng napakiinit na panahon,
00:38kausapin po natin live si Obet Badrina, weather specialist mula po sa pag-asa.
00:43Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
00:46Magandang umaga po, magandang umaga sa lahat ng mga taga-panood natin.
00:50May indikasyon ho ba na papalapit na ang simula ng tag-ulan?
00:54Una po, may mga namomonitor na tayo yun na mga thunderstorm events po sa iba't ibang bahagi ng ating bansa.
01:01Pero yung isa sa pinakamalaki indikasyon kasi ng panahon ng tag-ulan
01:04ay yung hangin nagmumula sa Timog Kanunan or Southwest Monsoon.
01:08So sa ngayon po, hindi pa natin na-observe ito or nakikita sa ating mga estasyon.
01:13Kaya hindi pa rin talaga natin masasabing na pasimula na itong panahon ng tag-ulan.
01:17Pero expect na natin na mas magiging common na yung mga thunderstorms at mga rain showers sa hapon hanggang sa
01:23gabi.
01:23Okay. At yung sinasabing maaaring magkaroon pa ng dalawang bagyo.
01:27Sa pag-asaapit po nitong Mayo, ay hindi ho indikasyon na yan na parang malapit na yung panahon po ng
01:34tag-ulan.
01:35Base po sa ating climatology or average po, ang Mayo po kasi, at least isang bagyo po.
01:41In the past po yung nabubo, maraming isa o dalawa po.
01:44Pero hindi pa natin masasabi na ito na nga ay indikasyon ng panahon ng tag-ulan.
01:48O minsan po, pag nagkakaroon tayo ng bagyo, kapag Mayo at medyo malakas ito, minsan ito pwede titrigger.
01:55So after nung bagyo, saka po magtitrigger yung panahon ng tag-ulan.
01:58Hanggang kailan tatagal ang init ng panahon? Sa ilang pong nga lugar?
02:02Mamilaasahan natin na pwedeng mas lalo pang tumaas yung ating temperatura,
02:07lalo na pag nagsimula po yung mga isolated o pulo-pulong mga pag-ulan kasi maaaring makadagdag po yung singaw
02:13nito sa init.
02:14So posible po until 2 to 3 weeks pa po, up to 2 to 3 weeks,
02:18dahil usually nagsimula po yung ating panahon ng tag-ulan pagdating ng mga pagtapos na po yung buwan ng Mayo.
02:25At kung sakaling nga naman daw na tayo ay magkaroon ng isa o dalawang bagyo ngayong buwan,
02:31magiging gaano kalakas naman po yan dahil sinasabi nga nila may banta pa tayo ng El Niño.
02:37Opo. Although una po, base din po sa ating mga record,
02:41hindi pa naman po ganun ang karaming super typhoon yung napubuo na pagpanahon po ng Mayo.
02:45So in terms of medyo maliit po yung possibility pa na magkaroon ng super typhoon as per our records.
02:53In terms naman po ng El Niño, in-expect po kasi natin magsisimula po ito around June, July, August.
02:59So around, base po sa ating monitoring, around 79% na po yung possibility na magkaroon po tayo ng El
03:06Niño
03:06pagdating po ng June, July, August.
03:08Siguro mas magandang ipa-explain po natin further, no?
03:12Pagsapit po ng El Niño, maraming nalilito kasi El Niño, ang mas nakikita dapat natin, drought, di ba?
03:18Pero may mga sinasabi na pag El Niño rin, maaaring mamuo yung pinakamalalakas na bagyo naman.
03:24Ano ho ba ang eksplenasyon dyan?
03:26Opo. Una po, ipaliwan ka lang natin.
03:28Kaya pag sinabi kasi natin yung El Niño, mas mainit yung karagatan dito sa Pacific Ocean.
03:33Particular na dito sa may Central Pacific Ocean.
03:36At dahil po doon, maaaring mabuo kasi yung bagyo doon sa lugar kung saan mainit yung karagatan.
03:41At pwedeng mas matagal pong manatili sa karagatan yung mga bagyo.
03:46Kaya ang nagiging trend po kapag meron tayong El Niño, mas kakaunti yung mga bagyo.
03:51Possible na mas kakaunti yung bagyo pero mas malalakas dahil nabubuo sila doon sa lugar kung saan nga mas mainit
03:57yung karagatan.
03:58Kaya pagdating po dito sa may bahagi ng Pilipinas, mas malalakas na yung mga pagulan.
04:03Pero idadagdag ko rin po, isa sa mga nagiging impact ng El Niño, lalo na kapag naitapat po ito sa
04:08panahon din ng tagulan,
04:09possibly po na mas malakas o mas mataas kaysa sa normal yung mga pagulan na mararanasan.
04:14Lalong-lalo na dito sa may kanunang bahagi ng ating bansa, kapilang dyan ang Metro Manila.
04:19Basit po sa mga records natin, mas na bagat kapag El Niño,
04:23dahil nga yung pag-ihip po nung hanging habagat ay mas lumalakas
04:27dahil mas mainit yung karagatan dito sa may silangang bahagi ng bansa.
04:30Okay, tama ho ba na June, July, August at hindi ho hanggang sa unang bahagi po,
04:37o first quarter ng 2027, mananatili po itong El Niño?
04:41Apo, magsisimula po itong ating posibilidad po na mas uminit yung karagatan bandang June, July, August po.
04:49At tama po kayo, maaaring magtagal po ito up to the first quarter po next year.
04:53Kaya sinasabi po natin, mas mararamdaman natin yung mas mababa kaysa sa normal ng mga pag-ulan up to by
04:59next year po.
05:01Does it necessarily follow, Sir Obet, na yung pong mga nakakaranas ngayon ng matitinding init ng panahon,
05:08halimbawa sa Dagupan, Pangasinan, 41 degrees Celsius ngayon,
05:12at sa Cotabato, at ilan pa pong mga nakataas po itong talagang maiinit na panahon,
05:18doon din mamumuo yung pinakamalalakas na bagyo?
05:22Apo. Yung mga lugar po kung saan po, kasi po pag sinabi natin nabubuo yung mga bagyo,
05:27nabubuo po siya doon po sa karagatan, ano?
05:30So, possibly po, hindi natin masasabi na may connection po kung saan yung mainit,
05:34doon nabubuo po yung bagyo. Una po, sa karagatan siya nabubuo,
05:37particular na dito sa may area ng Pacific Ocean.
05:40So, ito pong naramdaman natin na init ay usual naman po lalo na sa panahon ng tag-init.
05:45Okay. At yung mga paalala na lang siguro, Sir Obet, lalo na doon sa mga areas pa rin
05:52na makakaranas po ng sobrang init na panahon, ano-ano ba yung mga lugar na yan?
05:57Opo. Ma'am, ngayong araw po, nakikita po natin pinakamataas yung magiging heat index o damang init,
06:03particular na sa Dagupan, maring ubapot ng around 43 degrees Celsius.
06:08At ilang pang lugar sa ating bansa ay maharitin makakaranas na sa danger category,
06:12gaya ng area ng La Union, sa Visayas naman, yung Dumangas, saka sa Iloilo,
06:16maging sa bahagi ng Palawan, sa Koron, at ilang bahagi po sa Central Luzon.
06:21Sa Metro Manila, maring kumabot po na hanggang 40 degrees Celsius yung ating mararamdamang init
06:26o damang init. So, patuloy na paalala ng pag-asa, nararanasan po kasi yung pinakamatinding init,
06:31bandang tanghali hanggang sa hapon. Kaya ugaliin po, uminom po ng maraming tubig
06:35at iwasang lumabas at makaranas ng direktang init ng araw, bandang tanghali hanggang hapon,
06:41kung saan nga nire-record natin yung pinakamataas na heat index.
06:44Marami pong salamat sa inyong update na yan sa amin dito po sa Balitanghali, sir. Thank you.
06:50Salamat po.
06:51Yan po naman si Mr. Obet Madrina, ang weather specialist ng pag-asa.
06:56Ito ang GMA Regional TV News.
07:04Patay ang isang rider matapos sumalpok sa isang poste ng ilaw sa Sison, Pangasinan.
07:10Ayon po sa polisya, nawala ng kontrol sa minamanayong motorsiklo ang 18-anyos na biktima
07:15at bumanga sa kongkretong poste sa gilid ng kalsada.
07:19Bukod sa walang suot na helmet, wala rin daw lisensya at nakainom pa, umano ang rider.
07:26Sinusubukang makuhana ng pahayag ang kaanak ng biktima.
07:31Huli kam ang pangho-hold up sa isang tindahan ng balot sa Digos Davao del Sur.
07:37Biglang dumating ang isang nakahelmet at tinutukan ng baril ang bantay sa tindahan
07:42sa barangay Zone 2 nitong lunes ng madaling araw.
07:46Napilitang ibigay ng tinderang 4,000 piso ng kita ng tindahan.
07:50Agad ding tumakas ang suspect.
07:52Ayon sa polisya, patuloy pa nilang inaalam ang pagkakakilanlan ng suspect.
08:02Mabibilis na balita po tayo.
08:06Sugata ng isang rider matapos bumanga sa isang pumpkret machine na hila na isang truck sa Quezon City.
08:12Ayon sa driver ng truck, nag-u-turn sa Quezon Avenue ang motorsiklo bago bumanga
08:16sa likurang bahagi ng pumpkret machine pasado alauna ng madaling araw kanina.
08:21Tumila po ng rider.
08:22Dinala siya sa ospital.
08:24Iniimbestigahan pa ang insidente.
08:29Isang barko ang tumaob sa dagat na sakop ng barangay Corredor sa Dapa, Surgao del Norte kahapon.
08:35Ayon sa Philippine Coast Guard, nangyari yan dahil sa hindi magandang kondisyon ng dagat.
08:40Nahati sa dalawang barko matapos tumaob.
08:43Promisponde ang PCG at nailigtas ang mahigit 30 crew na sakay nito.
08:47Walang naitalang sugatan sa insidente.
08:50Patuloy ang embestigasyon kabilang ang pag-alam kung gaano pa karami ang natitirang langis sa nasabing barko.
09:03Ligtas na nakadaan sa Strait of Hormuz ang apat na barkong may sakay na mahigit 70 tripulanting Pinoy.
09:09Ayon sa Departing of Migrant Workers, April 29 nakalabas sa Strait of Hormuz ang mga barko.
09:14Sumatotal, 1,200 ang mga tripulanting Pinoy na nakalampas sa Strait of Hormuz.
09:21Patuloy ang monitoring ng DMW sa Persian Gulf at Gulf of Oman para matiyak ang kaligtasan ng mga Filipino seafater.
09:34Mga kapuso, mag-ready na ng watchlist para sa inyong weekend viewing habit.
09:40Simula bukas, mapapanood na rin sa GMA every Saturday,
09:44ang GTV Food Magazine show na Farm to Table, hosted by Chef J.R. Royol.
09:49Para sa buwena manong GMA episode, makikipagpulitan sa kanilang adventure si Harleen Budol at Kevin Dasong.
09:57Abangan din ang iba pang guests nila this month.
10:004.50pm yan tuwing Sabado sa GMA.
10:03At mapapanood pa rin ng 7pm tuwing Linggo sa GTV.
10:09Simula rin bukas, mapapanood na ang new kapuso travel show na Planet XP,
10:15hosted by kapuso ultimate hardtrop, Miguel Tan Felix.
10:19Ready na si Miguel i-explore ang iba't-ibang travel destinations at culture at ganda nito.
10:256.30pm yan tuwing Sabado sa GMA.
10:32May mga job fair po ang ilang ahensya ng gobyerno ngayon pong araw ng paggawa.
10:37At may ulit on the spot si J.P. Soriano.
10:39Ready!
10:44Connie, mga kapuso, happy Labor Day po sa lahat ng manggagawa.
10:48At ngayon nga po mahigit 3,400 na trabaho sa iba't-ibang bansa.
10:52Para po sa abroad ito ha, ang inaalok po sa isang mega jobs fair dito sa isang mall sa Ortigas.
10:57At ang target po dito talaga matulungan, Connie, ay yung mga kababayan natin na displaced at nawalan ng trabaho
11:04dahil sa nangyaring crisis sa Middle East.
11:06Abot po sa labing dalawang accredited recruitment agencies ang nag-aalok po ng trabaho.
11:13Para po sa 3,400 jobs na ito na karamihan po sa mga industry ay o karamihan po sa mga
11:19bansa.
11:20Ay sa US, iba't-ibang bansa sa Europe, gaya ng Croatia at Japan.
11:24Mga skilled workers, Connie, ang kailangan dito.
11:27Mga nasa engineering, meron din po mga kailangan mga hotel workers sa hospitality sector,
11:34pati na rin po mga healthcare workers at iba't-ibang sektor.
11:38Siyempre, ang mga narito po, Connie, ay ang mga kababayan natin nakapagpa-pre-register online.
11:43Aabot po sa 2,000 niyang nakapagpa-pre-register.
11:46Pero isa po sa mga gagawin po ng DMW ay accommodate ang mga humahabol pa.
11:51Lalo pati ito ay para sa ating mga Pilipinong magagawa ngayong Labor Day.
11:55Ibig sabihin, pwede po ang walk-in pero priority nga po ang ating mga kababayan nakapagpa-pre-register.
12:00At syempre, paalala po ng DMW, Connie, sa mga mag-a-apply,
12:04e talagang naging tiyakin na sa mga accredited recruitment agencies lang sila mag-a-apply.
12:09Tiyakin ko talaga merong aptibong job orders at mag-ingat po sa mga maloloko o illegal recruiters.
12:15Atin mo na ang litest. Balik mo na sa'yo, Connie.
12:18Marami salamat, JP Soriano.
12:21Bilang tulong sa paghanap ng trabaho ng mga Pilipino,
12:23may bagong app ang gobyerno na magkokonekta sa mga job seeker at employer.
12:28Yan ang e-trabaho na iprinisinta kanina umaga ng DICT kay Pangulong Bongbong Marcos
12:33sa pagdiriwang ng Labor Day ngayong umaga sa General Santos City.
12:37Mas mabilis at mas efficient daw itong paraan para sa paghanap ng trabaho.
12:41Sa talumpati ng Pangulo, kinilala niya ang hirap na nadaranas ng mga manggagawa.
12:45Hindi daw titigil ang pamahalaan para dumami ang trabaho at oportunidad sa kanila.
12:50Kabilang dyan ang mga job fair na sinisimula na ngayong araw sa may git siyam na pong lugar sa buong
12:55bansa.
13:05Surprise! Ang naging main course at ang halian ng ilang istudyante sa Iloilo City.
13:10Hashtag share your blessings sa isa nilang kaibigan.
13:13Ito ang nabili ng kanilang ambagan.
13:21Hindi makapaniwala ang istudyante si Darvin de la Cruz.
13:24Para sa kanya pala ang cellphone na inilapag sa mesa ng mga kaibigan niya.
13:29Nagsasakripisyo pala si Darvin at nakipagpalit ng mobile phone sa kanyang kapatid.
13:34Yun lang sira ito kaya apektado na ang kanyang schoolworks at pagdalo sa online class.
13:40Napansin niya ng kaibigang si Treya Aklaro.
13:43Kaya ang napadnulo na ni Treya sa isang competition at ang ambag ng iba pa nilang kaibigan,
13:48ipinambili ng brand new telephone.
13:51Wala naman daw silang hinihintay na kapalit dahil sapat na ang nabuo nilang friendship.
13:571.8 million views ng video at certified...
14:00Trending!
14:02Ay naku, babalik naman sa kanila. Magandang asa.
14:04Sana oh may ganyang mga friends.
14:06Parang napupuwing yata ako.
14:13Outro
Comments