- 21 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
-Kilo-kilong carrots at repolyo, itinapon sa gilid ng kalsada dahil umano sa oversupply; Mga kawad ng Navotas Navigational Floodgate na mahalaga tuwing masama ang panahon at high tide, ninakaw; Ilang cobra at sawa, nahuli sa ilang bahay; 3, sugatan sa banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Brgy. Binuntucan; Orange at Yellow Rainfall Warnings, itinaas sa Metro Manila at ilang karatig-lugar hanggang 2pm; NGCP: Transmission charge ngayong Agosto, tumaas sa P1.7560/kWh; Ilang kalsada sa Maynila, binaha kasunod ng pagbuhos ng malakas na ulan; Reklamo ng isang netizen: 10 minuto ang inabot bago sumagot ang 911 sa medical emergency; Mahigit P2,000 halaga ng mga barya, tinangay mula sa dalawang vendo machine; isa sa mga suspek, arestado; Pagtalakay sa panukalang P7.2T 2027 National Budget, sinimulan na ng Kamara; Apl.De.Ap, pumirma ng partnership sa GMA Music; nakatakdang mag-release ng 3-track extended play; -INTERVIEW: GRACE CASTAÑEDA, WEATHER SPECIALIST, PAGASA; Prosecutor Atty. Ligutan, hindi pa pinayagang tumugon sa manifestation ng depensa tungkol sa kanyang social media post; Malakas na ulan at gutter-deep na baha, nagpabigat ng trapiko; Will Ashely, pinakilig ang fans sa live ticket selling para sa kanyang solo album launch; Landslide, mudslide, at rockfall, nararanasan sa ilang lugar sa Cordillera dahil sa masamang panahon
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app. Download now on Google Play and App Store. Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AgI_UbY4C1GhwFZ5CQL3N5c
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanew
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe
Category
🗞
NewsTranscript
00:05.
00:34Pinakawa ng kawad ang Navotas Navigational Floodgate na mahalaga tuwing masama po ang panahon at may high tide doon.
00:42Ang nahulikam na pagnanakaw sa balitang hatid ni Darlene Kai.
01:00Ninanakaw niya na pala ang mga kawad ng floodgate.
01:04Wala noon ang gwardyang si Dominic Pagaduan dahil bumili ng tanghalian.
01:08Maya maya, biglang nagsumbong sa kanya ang mga bata sa lugar.
01:12Yung area namin medyo talaga medyo risky.
01:18Pag abot ko doon sa area namin, sinabis nila sa akin na nagnanakaw si Chris.
01:27Pumunta ko agad ma'am sa building na yun, lumapit ako agad sa building na yun.
01:32Nakita ko na yung, may nakita ko doon na naraga rin na.
01:37Bumalik paan niya ang kasamahan umano ng suspect na nakunan niya pa ng video.
01:42Sorry, sorry, sorry.
01:44Hindi, ikaw yung inutosan niya eh.
01:47Ikaw yata inutosan niya eh.
01:50Eh, kinukuha mo na eh.
01:52Yon pala, balak pa raw kunin ang natirang wire.
01:55Naman kaagad na, ako kaagad lahat.
01:59So yun ang binalik-balikan eh, siyempre andun na ako.
02:03Sampung metro ng gawad ang ninakaw.
02:06Tukoy na ng navotas polis ang pagkakakilanlan ng mga suspect.
02:10Yung tanso kasi eh, yun yung mahal eh.
02:14Sinusunog nila itong ano, yung mga balat na ito.
02:18So yung copper wire doon, yun yung binibenta nila na mahal.
02:23We have our tracking team na nagano dito sa dalawang suspect.
02:28And also we're preparing na rin yung case dun sa dalawa.
02:33Ikinagalit ni MMDA General Manager Nicolas Story III ng insidente.
02:37Anya, ang ilang pirasong kikitain sa nakaw na kable,
02:40ay maaaring ikapahamak ng maraming tao at ari-arian.
02:44Nananawagan siya sa publiko na maging mas mapagmatsyag.
02:48Hinigpita na ang siguridad sa lugar.
02:50Dahil sa ninakaw ng mga kawad ayon sa LGU,
02:53naapektuhan ang flushing at stoplight ng nav gate
02:56pero hindi naapektuhan ang kakayahan nitong pigilan ng tubig mula sa Navotas River.
03:00Mahalaga pa naman ang Navotas Navigational Gate lalo na tuwing high tide o masamang panahon.
03:05Yun yung nakakabit dun sa flushing.
03:10Yun yung ginagamit para linisin yung tubig para linisin yung domain dun sa floodgate.
03:19Working po yung gate.
03:20In fact, baba naman po natin yun kaya hindi rin pumasok yung high tide.
03:24Darlene Cai, nagbabalita para sa GME News.
03:32Ilang ahas ang nahuli ng mautoridad sa General Santos City.
03:36Sa barangay sa Lisidro, isang summer cobra ang nahuli sa isang bahay.
03:40Matapos ang kalahating oras, isa pang cobra ang namataan rin sa parehong barangay.
03:46Kinagahanap pa yan matapos magtago o sabutas.
03:49Ayon sa mautoridad, isang sawarin ang nahuli ng Bureau of Fire Protection noong nakaraang linggo.
03:55Sa Kawit-Kavite naman, isang cobra rin ang nahuli ng mga residente sa barangay Polvorista.
04:01Inaalam pa kung yan din ang cobra na nakita malapit sa isang skwelahan noong isang linggo.
04:07Tinurn over na sa City Environment and Natural Resources ang mga nasabing ahas.
04:11Ayon sa Department of Environment and Natural Resources,
04:14nagsisilabasa ng mga ahas dahil sa epekto ng mainit na panahon
04:17o kaya ay naapektuhan ng pagulan ng kanilang lungga.
04:21Paalala ng mga eksperto, sakaling makakita ng ahas, huwag itong hahawakan at sasaktan.
04:27Ipagbigay alam aga dito sa mga otoridad para ma-rescue.
04:32Pulicam ang banggaan ng tricycle at motorsiklo sa Ponte Vedra Capiz.
04:37Diret-diretso ang takbo ng tricycle na yan sa isang kalsada sa barangay.
04:41Binuntukan ng tumawid ang motor mula sa kabilang lane.
04:45Nagtamo ng minor injuries ang rider at dalawang pasahero ng tricycle.
04:49Nasa kustodian na po ng polisya ang tricycle driver.
04:52Sinusubukan pa silang makuhanan ng pahayag.
05:00Mainit na balita, iniakyat na sa Orange Rainfall Warning ang ilang bahagi ng Metro Manila ayon sa pag-asa.
05:07Kabilang po dyan ang Quezon City, Caloocan, Malabon, Valenzuela, Marikina at Navotas.
05:12Apektado rin po ang Zambales, Bataan at ilang panig ng Bulacan, Rizal at Pampanga.
05:18Mataas ang banta ng pagbaha sa mga nasabing lugar sa gitna ng matitindi o intense rains.
05:24Itinaas naman ang Yellow Rainfall Warning o posibli rin ang pagbaha, lalo sa mabababang lugar sa lungsod ng Maynila, Las
05:32Piñas, Muntindupa, Paranaque, Pasay, Taguig, Pateros, Makati, Mandaluyong, Pasig at San Juan.
05:40Apektado rin po ang ilan pang bahagi ng Rizal, Bulacan, Pampanga, Tarlac, Cavite, Matangas, Laguna at Quezon Province.
05:49Tatagal ang Orange at Yellow Rainfall Warnings hanggang mamayang alas dos ng hapon.
05:57Dahil sa mga refund na inaprubahan ng Energy Regulatory Commission, bahagyang mas mababa ang singil ng Meralco ngayong Agosto.
06:04Ito'y kahit tumaas ang transmission charge o yung sinisingil sa paghahatid ng kuryente mula sa mga planta papunta sa
06:10power distributors.
06:12Balita ng hatid ni JP Soriano.
06:17Tumaas ng 22.22% ang transmission charge sa electricity bills ngayong Agosto.
06:24Mula sa 1 peso at 43 centavos per kilowatt hour, magiging 1 peso at 75 centavos per kilowatt hour ang
06:30singil.
06:31Ayon sa National Grid Corporation of the Philippines o NGCP, pangunahing dahilan nito ang pagtasang ancillary services o AS rates.
06:39Ito yung bayad sa reserbang kuryente mula sa power generators na ginagamit upang mapanatiling stable ang grid kapag may imbalance
06:49sa supply at demand.
06:50Paglilinaw ng NGCP, hindi nila kinikita ang ancillary service charges at napupuntaan nila sa power generators at reserve market providers.
07:00Mahigit 30% yung tinaas ng ancillary service rates.
07:04Very, very small percentage siya dun sa binabayaran ng consumers.
07:10Ang dagdag singil katumbas ng mahigit 60 piso para sa mga household na kumukonsumo ng 200 kilowatt hour kada buwan.
07:18Nauna nang sinabi ng Meralko na na-offset na nila ang pagtaas ng ilang charges dahil sa ERC-approved refund.
07:26Kaya sa kabuan, bumaba pa ng bahagya ang Meralko rate ngayong Agosto.
07:31Kung kailan naman tumas yung kilowatts, bumaba namin yung kuryente namin.
07:36JP Soriano, nagbabalita para sa GMA News.
07:45Nagpabaharin po sa ilang kalsada sa Maynila ang malakas na ulang naranasan kaninang umaga.
07:50May ulot on the spot si Darlene Kai.
07:53Darlene?
07:58Connie, hanggang ngayon ay malakas yung buhos ng ulan dito sa Maynila kaya hindi nawawala yung baha sa ilang lugar.
08:03Tulad dito kung nasan ako ngayon, sa Taft Avenue, sa bahagi ng United Nations Avenue.
08:08Katulad po nang nakikita nyo ay baha pa rin dito.
08:11Gutter deep yung level ng tubig.
08:14Bandang alas 4 na madaling araw kanina nagsimulang bumuhos ang malakas na ulan dito sa Maynila.
08:19Nag-baha tuloy sa iba't ibang bahagi ng lungsod gaya sa Taft Avenue, Mabini Avenue, Calao at United Nations Avenue.
08:28Nagdulot ito ng mabigat na daloy ng trapiko sa Maynila.
08:32Hanggang sa mga oras na ito ay may gutter deep pa rin baha dito sa Taft sa bahagi ng UN.
08:38Walang magawa yung mga residente at commuter kung hindi lumusong sa baha.
08:43Pahirapan din ang pagdaan ng mga maliliit na sasakyan, motorsiklo, tricycle at mga pedicab.
08:50May mga kaorin ng DPWH na nakaposte rito para mag-declogging,
08:54para masigurong hindi magbabara ang mga kanal na kung sakasakali ay lalo pang magpapalala sa baha rito.
09:02Narito po yung panayam namin sa ilang mga residente at commuter kanina.
09:06Sobra pong hirap sa mga ganito sa amin na pumapasok po sa araw-araw.
09:11May hirap po.
09:14Mahal marami pong dalang gamit tapos malakas po lagi yung hangin at lagi po nababasa yung suot.
09:19Tapos pwede rin po magkasakit tayo dito po.
09:28Samantala isang lalaking 13 anyos ang patuloy na hinahanap na yun sa Ilog Pasig.
09:33Ayon kay Manila DRRMC Director Arnel Angeles,
09:36naligo sa ilog ang batak kasama ang kanyang mga kaibigan bandang alauna ng hapon kahapon.
09:42Bigla na lang daw siyang tinangay ng tubig at hindi na nakita hanggang sa mga oras na ito.
09:48Dahil halos 24 oras nang nawawala,
09:51search and retrieval operations na raw ang ginagawa ng mga otoridad.
09:55At hanggang ngayon, hindi pa rin siya natatagpuan pero puspusa ng operasyon ng Manila LGU
10:02kasama na rin ang Philippine Coast Guard.
10:05Connie, kanikanina lamang ay inanunsyo na ni Manila Mayor Isco Moreno
10:10na sinususpindi ang lahat ng afternoon classes sa lahat ng antas.
10:13Ito sa Maynila, public at private schools po yan.
10:16At magsuswitch na lang sila o lilipad sa alternative delivery mode.
10:20At katulad po nang nakikita nyo, mula nang sumahin papawid tayo kanikanina lamang
10:24ay lalo pang lumakas yung buhos ng ulan dito.
10:27Kaya pinaaalerto yung mga residente at lahat ng nagtatrabaho at daraan dito sa Maynila.
10:32Lalo't inanunsyo na rin ng MDRRMC o MDRRMC na nasa ilalim na ng Orange Rainfall Warning
10:38ang Metro Manila kasama na itong lungsod.
10:41Connie?
10:42Yes, Darlene, pakiconfirm lamang kasi may mga natatanggap din tayong balita kanina
10:46na pati yung mga kawaninang gobyerno ng LGU ay work from home na lamang at pinauwi na daw.
10:58Connie, patuloy natin kinukumpirma yung impormasyon na yan.
11:02Pero nakakausap ako ng ilang kawaninang gobyerno kanina na uuwi na raw
11:08dahil sa hindi na nila maabot yung kanilang pupuntahan sa Manila City Hall
11:14dahil nga bahana dito sa ilang bahagi ng Maynila tulad dito sa kinaroonan ko sa Taft Avenue at UM.
11:21Connie?
11:21Marami salamat, Darlene Kai.
11:25Sa iba pang balita, bumuunan ng timang DILG para imbestigahan
11:29ang hindi o manumaayos na pagrespondin ng kanilang Unified 911 sa medical emergency
11:34ng isang pamilya sa Taguig.
11:36Sa viral Facebook post, sinabi ng netizen na 10 minuto raw siyang tumatawag sa 911
11:42pero wala o manong sumasagot.
11:44Inatake na raw sa puso ang kanyang tatay kaya kinailangan niyang mag-CPR.
11:49May dumating daw na sasakyan para rumispunde
11:51pero ang netizen pa rin daw ang patuloy na nag-CPR sa kanyang tatay
11:55hanggang madala sa ospital.
11:57Dead on arrival sa ospital ang kanyang ama.
11:59Sa isang bagong post, sinabi ng netizen na hindi ambulansyang ipinadala ng 911
12:04ang tumugon sa emergency.
12:06Anya, Patient Transport Vehicle o PTB yun ang kanilang barangay
12:10na tinawag ng kanyang kapatid.
12:13Ayon sa lokal na pamahalaan ng Taguig,
12:15nagpadala naman sila ng ambulansya sa barangay Maharlika Hall
12:18para mahanap ang bahay ng pasyente.
12:20Paulit-ulit daw kasing tumawag ang Taguig Command Center sa 911
12:23pero hindi na ibigay ang kanilang kailangang detalye
12:27para matukoy ang eksaktong lokasyon.
12:29Sa panayam sa unang balita sa unang hirit,
12:32pinabulaanan ni DILG Undersecretary Jed Patrick Mabilog
12:35ang umunoy naging call response time ng 911 sa insidente.
12:39Tatlong minuto pa lang daw ay nasagot na ang tawag ng caller.
12:44We know po that emotions are very high but our records will show
12:49that after the call was made, mga 3 minutes bago po nasagot yung tawag.
12:55We know that hindi po yun substantial dahil po it's an emergency nga ho.
13:09Pasado alas 3 ng madaling araw nitong Sabado,
13:12kita sa CCTV ang paglapit ng dalawang lalaki
13:15sa mga vendo machine ng tubig sa Teachers Village sa Barangay 12, Kaloocan.
13:21Pinuntir yan ang lalaking naka-grey na jacket ang lagayan ng bariya sa vendo machine
13:26gamit ang screw driver.
13:28Ilang sandali pa, nabuksa na ang lagayan ng bariya at agad niyang nilimas ang laman nito.
13:34Tinarget naman ang kanyang kasama ang lagayan ng bariya
13:37ng katabi nitong hot and cold water vendo machine.
13:40Nang malimas ang laman nito, agad tumakas ang mga sospek.
13:44Tinatayang mahigit 2,000 piso ang halaga ng mga ninakaw
13:48ayon sa may-ari ng mga vendo machine.
13:51Hindi namin sinaway kasi kala namin magigiblo ng tubig.
13:53Ninakaw na daw yung laman ng ano, laman ng vendo, pati yung isa.
13:57Kinabukasan, nung pagising namin, nag-review na kami ng CCTV.
14:00Na-confirm nga namin na ninakawa na nga.
14:03Ayon po doon sa biktima, inuna ng dalawang sospek
14:06ito pong water-revealing vendo na ito.
14:08So, ginamitan daw po ng tools itong pinakalagayan nila ng bayad
14:12at saka po tinangay yung coins dito po sa loob.
14:16Pagkatapos naman po, sinira itong padlock neto.
14:20Ngayon po, ipinalitan na lang nila pero sinira daw po ito
14:23nung dalawang sospek at saka po tinangay yung coins
14:27dito po sa loob ng hot and cold water vendo.
14:30Ipinost ang biktima ang video online at inireport sa barangay 8 at 12
14:35na pag-alamang may iba pang na biktima ang mga sospek.
14:39Tapos may mga nag-comment, may mga nag-missage sa akin na kilala nga nila
14:43pasalang barangay 8 at saka gawain daw talaga nila yan.
14:46Ang barangay 12, hinahanap na ang mga sospek.
14:50Actually, inaction naman po namin yan.
14:52Hinahanap naman po namin yung mga nagnakaw na yun.
14:55Ayon naman sa pulisya, naaresto nila ang lalaking naka-blue sa video
15:00na kinilala sa alias na Dodong ilang oras pagkatapos ang insidente
15:04dahil sa iba pang kaso.
15:07Matuloy naman ang pagtugi sa kasabwat niyang si alias Kakart.
15:10Nakakulong na sa sangandaan substation 4 si alias Dodong
15:14na may dati ng kasong pagnanakaw.
15:16Sinusubukan pa namin siyang hingan ng pahayag.
15:19Gabriel Gonzalez, nagbabalita para sa GMA News.
15:25Nagsimula na ang pagtalakay ng Kamara
15:27sa panukalang P7.2 Trillion Peso 2027 National Budget ngayong araw.
15:33May ulot on the spot si Jonathan Andan.
15:35Jonathan?
15:37Pag ni nakasala ngayon ng economic team ng Administrasyong Marcos
15:40na DBCC o Development Budget Coordination Committee
15:44na binubuo ng Department of Budget, Deptev
15:46o Department of Economy, Planning and Development,
15:49Department of Finance at Banko Sentral ng Pilipinas.
15:51Ipinapaalam ngayon ng DBCC
15:53sa mga kongresista kung paano po pondo
15:56ang 7.2 Trillion na panukalang budget sa susunod na taon.
16:02Ang sabi ni DBN Secretary Kim Robert de Leon,
16:04umabot ng 11 Trillion pesos
16:06ang natanggap nilang budget proposal
16:08mula sa iba't ibang ahensya ng gobyerno.
16:10Pero di raw kayang pagbigyan lahat.
16:13Kaya tinapesa nila at bumaba sa 7.2 Trillion
16:16ang ipinasan nilang total expenditure program
16:18sa mga panukalang budget sa 2027.
16:21Sa kanya namang opening statement,
16:23tiniyak po ni House Appropriations Chair
16:24Representative Mika Sunsing na magiging bukas
16:27ang proseso ng pagbuo ng budget.
16:29Binowag na rin daw nila ang small committee
16:32at binuo ang kaunaw-unahang budget amendments review subcommittee.
16:36Ang NEP o National Expenditure Program
16:38ay binalangkas ng ehekutibo
16:40base sa pangangailangan ng bansa
16:42na sa tingin nila ay kailangang pondohan sa susunod na taon.
16:45Day 1 ngayon ng 53-day timetable
16:47na target ng Kamara sa pag-aproba ng budget sa October 9.
16:51Sa mga oras na ito, Connie,
16:52ay nagsisimula ng magtanong yung mga kongresista
16:55sa mga economic managers ng Administrasyong Marcos.
16:58Alamin natin, maya-maya kung meron ba silang nasilip
17:01nakapunapuna doon sa budget.
17:03Kasi nung weekend, sinabi ni Sen. Ping Lakson,
17:06may nasilip siya na may lump sum
17:08sa infrastructure project ng isang government agency
17:11daw hindi niya binanggit kung ano,
17:12na yun ang kanyang kina-question.
17:14Kasi kapag lump sum daw,
17:16hindi daw pwede yung lump sum sa infrastructure project
17:18kasi kailangan may breakdown
17:19kung paano mo pupondohan
17:21ang isang proyekto ng pa-imprastruktura.
17:23Yan muna ang latest mula rito sa Batasang Pambansa.
17:26Pag-upload si Jonathan Andal ng JMA News.
17:28Balik sa'yo, Connie.
17:29Marami salamat, Jonathan Andal.
17:35Exciting ang bigating kolaborasyon na Kapuso Network
17:38kasama si Grammy Award-winning Filipino-American artist
17:42Apple Diab.
17:44Pumilman ng distribution deal
17:46ang Black Eyed Peas co-founding members sa JMA Music
17:49para sa i-re-release niyang three-track extended play.
17:53Tampok dyan ang powerful showcase ng original Filipino music
17:56na may temang national pride at global Pinoy spirit.
18:01Present sa contract signing si GMA Network Incorporated
18:04Executive Vice President
18:06at Chief Financial Officer at EVP and COO
18:10of GMA Music, Felipe Esiallong.
18:12At si GMA Music Managing Director, Renes Salta.
18:18Apple is the first foreign artist
18:21that will be, that have signed with us.
18:24I want to make GMA Record
18:26a company that will be identified
18:29with quality
18:31as well as a home
18:34for talented Filipino artists.
18:39This is, I think, this is just the start
18:42of a more collaboration.
18:45Beyond music
18:46and performing around the world
18:48I always have our country
18:51our beloved country
18:52in back of my mind
18:53on how can I bridge
18:55my opportunity
18:57back home.
19:01Update tayo sa lagay ng panahon
19:03matapos bahayin ng ilang lugar
19:04sa Metro Manila
19:05bunsod ng malakas na ulan.
19:07Makakapanayin natin
19:08si Pag-asa Weather Specialist
19:09Grace Castaneda.
19:11Mangandang umaga
19:11at welcome po sa Balitang Hali.
19:14Magandang umaga din po, Sir Rafi.
19:16Magandang umaga din po
19:17sa inyong mga taga-surviver.
19:18Opo.
19:19Kahit wala pong bagyo,
19:20mananatili bang malakas
19:21ang habagat ngayon pong linggo?
19:23Yes po, Sir Rafi.
19:25Expect po natin
19:26ngayong linggo
19:27prevailing pa rin po yung habagat
19:28and then ngayon pong
19:30Monday hanggang Wednesday
19:31mas magiging malakas po
19:32yung mga pag-ulan
19:33na ina-expect po natin.
19:35Sa ngayon po,
19:36wala tayong bagyo
19:37pero meron po tayong
19:38circulation
19:39or may LCA po tayo
19:41sa loob ng ating
19:42area of responsibility
19:43which is isa po ito
19:44sa nag-i-influence din
19:45ng habagat po natin ngayon.
19:47Ano po yung pinakamapektuhan?
19:50Sa ngayon po,
19:51mostly yung buong bahagi
19:52pa rin po ng Luzon
19:53pero yung mga malakas po
19:55na pag-ulan
19:55is concentrated
19:56over the western section.
19:58So, 100 to 200 mm
20:00of rainfall po
20:01for the area of
20:02Benguet, La Union,
20:03Pangasinan,
20:04Zambales,
20:05and Bataan
20:05while for nearby areas
20:07or sa Ilocosur,
20:09Abra, Tarlac,
20:09Pampanga,
20:10Bulacan,
20:10Metro Manila,
20:11Rizal, Cavite,
20:12Batangas,
20:13at Occidental,
20:14Mindoro.
20:14Possible naman po
20:15yung 50 to 100 mm
20:17of rainfall.
20:18So, malakas po talaga.
20:19Ganun po ba sa lahat
20:20mga maapekto ng habagat
20:22o may mga areas lang
20:23na ganito katindi
20:24yung buhos ng ulan?
20:25For the areas po
20:27na nabanggit natin kanina
20:28na may possible po
20:30na 100 to 200 mm
20:31of rainfall,
20:32mostly po
20:32mas frequent po yung buhos
20:35dyan
20:35yung mga malalakas
20:36na pag-ulan.
20:37For dito naman po
20:37sa Metro Manila
20:38and nearby areas,
20:40meron po tayong
20:41brief lang
20:41na pahinga po
20:43ng mga pag-ulan
20:44but any time of the day,
20:45nandyan po yung
20:46mga biglaang buhos
20:47po ng malakas na pag-ulan
20:49lalong-lalong na po
20:49kapag may thunderstorm
20:50din na due to habagat.
20:52Posible po bang
20:53tumagal muli
20:53hanggang weekend
20:54itong maulang panahon?
20:56Sa ngayon po,
20:57Sir Rafi,
20:58nakikita natin
20:59yung malakas po na ulan
21:01or enhanced na pag-ulan
21:03yung any time of the day po
21:04possible yung biglaang buhos
21:05is magtatagal
21:06hanggang Wednesday
21:07pero magdedepende pa po ito
21:09dito sa LPA din
21:10na minomonitor natin
21:12dahil kapag po
21:13mas naging
21:15naging
21:16naging defined po siya
21:18or mas naging
21:19bagyo po siya
21:20sa mga susunod na araw
21:21posibleng
21:21ma-influence niya po
21:23tuloy-tuloy yung habagat
21:24so kapag ganun po yung
21:25nangyari is
21:26yung buong weekend po natin
21:27may mga ganito po tayong
21:29periods
21:30ng heavy rainfall pa rin
21:31for most parts of Luzon.
21:33Kumusta po yung movement
21:34itong low pressure area?
21:36Sa ngayon po
21:36medyo pabago-bago pa po
21:38yung pagkilos niya
21:39or erratic pa po
21:40yung movement niya
21:41but generally
21:41nakikita natin
21:42west-northwestward po ito
21:44patungo sa area ng Taiwan
21:46in terms of direct effect
21:47possible po sa area
21:49lang ng
21:49sa area po ng Batanes
21:51and then habagat pa rin
21:52yung mag-prevail po
21:54for mode of Luzon
21:56saka western section
21:57ng Visayas.
21:58Very quickly po
21:59baka may paalala po kayo
22:00sa ating mga kababayan
22:00ngayong malakas po ang ulan?
22:02Yes po
22:03sa ngayon po
22:04meron pa rin tayong
22:05strong episode
22:06ng habagat
22:07na magpapatuloy po
22:08hanggang sa mga susunod na araw
22:09so may mga malalakas pa rin po
22:11tayong mga pagulan
22:12kaya pagiging
22:12alert po pa rin po
22:13dahil magiging mataas po
22:15muli yung banta
22:16ng mga pagbaha
22:16at paguho ng lupa
22:18for most areas po
22:19ng Luzon
22:20lalong-lalong na
22:20sa western section
22:21po nito.
22:22Maraming salamat po
22:23sa oras na binahagi nyo
22:24sa balitang halip.
22:25Maraming salamat din po.
22:27Ayan po si pag-asa weather
22:28specialist
22:28Grace Castaneda.
22:31Iyan.
22:35Yes, Rafi
22:36sa day 16 nga
22:37ng impeachment trial
22:38labang kay Vice President
22:39Sara Duterte
22:40hiniling ni
22:41Public Prosecutor
22:42Representative Joel
22:43Chua
22:43sa impeachment court
22:45na kumaari
22:46ay pagsalitain
22:47si Private Prosecutor
22:49Virgil Ligutan.
22:50Kognito, Rafi
22:51doon sa naging
22:52manifestation
22:53ni Atty.
22:54Sheila Cison
22:54ng depensa
22:56patungkol sa
22:57social media
22:58post
22:58Ito nga si Ligutan
23:00ukol sa misleading
23:01questions
23:01pero di muna ito
23:03pinahintulutan
23:03ni Presiding Officer
23:05Cheese Escudero
23:05dahil hindi pa raw
23:06maglalabas ng ruling
23:07ang korte.
23:08Sa unang kalahating
23:09oras ng trial Rafi
23:10natapos ang pagharap
23:12ni Maribig Pareja
23:13ng kamera
23:14at na-excuse na siya
23:15hindi nga siya
23:16nakapag-testamento
23:18mismo
23:18dahil nagkasundo
23:19ang magkabilang panig
23:20ukol sa mga
23:21ebidensya
23:21ang ipapa-identify
23:22sa kanya
23:22ukol sa mga
23:23naging pagdinig
23:24sa kamera
23:25patungkol sa
23:25confidential funds.
23:27Sunod na iniharap
23:29ng depensa
23:29si Gina Acosta
23:30ang dating
23:31Special Disbursing
23:32Officer
23:32ng OVP
23:33na nag-handle
23:34ng confidential funds
23:36ng OVP
23:36mula 2022
23:37hanggang 2023.
23:39Idineklara
23:40ni Atty.
23:41Virgil Liguta
23:42na magiging unang
23:42hostile witness
23:43nila si Acosta
23:44dahil sa posisyon niya
23:46sa OVP
23:47at dating trabaho
23:48bilang SDO.
23:49Naging SDO rin daw siya
23:50ni VP Sara Duterte
23:52noong alkalde siya
23:52ng Davao City
23:53kaya nais nilang
23:54patunayan
23:55na kaya siya
23:56naging SDO
23:56sa OVP
23:57ay dahil sa
23:57performance niya
23:58sa Davao City.
23:59Tutol si Atty.
24:01Lindel
24:02Backel
24:03ng
24:04Depensa
24:05na talakayin
24:06ang pagiging SDO
24:07ni Acosta
24:08sa Davao City
24:08dahil hindi naman daw ito
24:10sa klaw
24:10ng habla
24:11sa impeachment trial
24:12pero sa ruling
24:13ni Presiding Officer
24:14Jesus Scudero
24:14pinayagan niya
24:15na makasama
24:16sa tatalakayin
24:17ng prosekusyon
24:18ang pagiging SDO
24:19sa Davao ni Acosta
24:20para ma-establish
24:21lamang
24:21ang behavior pattern
24:23at hindi bilang
24:24bahagi ng impeachment trial
24:25at hindi rin
24:26daragdag
24:27sa charge
24:28sa VP
24:28Ayon kay Backel
24:29hindi agad
24:30pwedeng gawing
24:31hostile witness
24:31si Acosta
24:32kailangan pa raw
24:32itong ma-establish
24:34ng prosecution
24:35Git ni Ligutan
24:36may counter-effidavit
24:37na si Acosta
24:38sa Office of the Ombudsman
24:39ukol sa reklam
24:40o patungkol
24:41sa confidential funds
24:42Si Presiding Officer
24:43Jesus Scudero
24:44na ang nag-rule
24:45na gawing hostile witness
24:46si Acosta
24:48na coterminus
24:49ang posisyon
24:49sa OVP
24:50kay VP Sara Duterte
24:51at kapag wala na nga
24:53sa OVP
24:53ang vice
24:54ay mawawala na rin
24:55siya
24:55ng trabaho
24:56pinayagan mang
24:57maging hostile witness
24:58sinabi ni Escudero
24:59kay Ligutan
25:00na maaari
25:01lamang magtanong
25:02ng leading questions
25:03sa testigo
25:04pero hindi maaari
25:05ang leading question
25:08Sa ngayon Rafi
25:09ay nagpapatuloy pa rin
25:10ang pagtatanong
25:12ni Atty. Ligutan
25:13sa hostile witness nila
25:14na si Gina Acosta
25:17at ina-expect nyan Rafi
25:19na magkakaroon ng break
25:20ngayong tanghali
25:21ang impeachment court
25:22at wala pa rin tayong naririnig
25:24ukol sa posibilidad
25:25o kung ano man
25:26ang magiging posibilidad
25:27dahil nga
25:28sasama ng panahon
25:29sa araw na ito
25:31Balik sa iyo Rafi
25:33Maraming salamat
25:34Ian Cruz
25:36Update po tayo
25:37sa lagay ng kalsada
25:38at trapiko
25:38sa Metro Manila
25:39sa gitna ng malakas na ulan
25:41May ulat on the spot
25:42si Marise Umali
25:42Marise
25:44Pony, ginising ng malakas na ulan
25:46ang marami nating kababayan
25:47sa iba't ibang panig
25:48ng Metro Manila
25:49ngayong lunes na umaga
25:50Halos walang tigil nga
25:51ang malakas na ulan
25:52gaya sa Quezon City
25:53na nagdulat ang mabigat
25:54na daloy ng trapiko
25:55sa EDSA
25:56Kinailangan nga
25:57namin humanap
25:58na ibang ruta
25:58papuntang Pasay
25:59pero pag-ikot namin
26:01sa McGillmore Street
26:02sa New Manila
26:02mabagal din
26:03ang daloy na mga sasakyan
26:04hanggang gutter deep
26:06ang baha sa ilang bahagi nito
26:07poor visibility rin
26:08ang sitwasyon
26:09dahil sa lakas
26:10ng ulan
26:10Nagbaha rin
26:11sa iba't ibang panig
26:12ng Metro Manila
26:13sa Pasay City
26:14Connie
26:14sa EDSA
26:15Rojas
26:16northbound
26:17as of 726 AM
26:18bumaha hanggang gutter deep
26:19pag-aman possible
26:20naman ito
26:21sa lahat ng klase
26:22ng sasakyan
26:22sa Andrews Avenue
26:23corner Aurora Boulevard
26:25both lanes
26:25gutter deep din
26:26ang baha
26:27at possible
26:28to all types
26:29of vehicles
26:29sa kanto ng EDSA
26:31Rojas Boulevard
26:31sa Pasay City
26:32hanggang gutter deep
26:33ang baha
26:34hanggang gutter deep din
26:35ang baha sa Rojas Boulevard
26:36kanto ng Libertad
26:37at Pasay
26:38mabagal ang daloy
26:39ng trapiko
26:40maging sa tapat
26:41ng World Trade Center
26:41sa Bandiya, Pasay City
26:43hanggang gutter deep
26:44ang baha
26:44possible naman
26:45sa mga sasakyan
26:46sa Marikaban, Pasay
26:48baga man mabilis
26:48na tumaas ang baha
26:49nagsimula na rin
26:50itong humupa
26:51pasado alas 10
26:52ng umaga
26:53sa ngayon Connie
26:53dito sa Taft, Pasay
26:55bumuho sa naman
26:55ng malakas na ulan
26:56mabigat ang daloy
26:57ng trapiko
26:58at marami rin
26:58mga pasahero
26:59ang nag-aabang
27:00ng masasakyan
27:00Connie?
27:02Maraming salamat
27:03Mariz Umali
27:06Ticket selling
27:07on another level
27:08ang paandar
27:09ni Delivery Boy
27:10lead star
27:10Will Ashley
27:12Pumwesto last week
27:13si Will
27:14sa isang booth
27:15sa Quezon City
27:15para personal
27:17na magbenta ng ticket
27:18para sa kanyang
27:19solo album launch
27:20this September
27:21All original songs
27:23daw ang ipre-perform niya
27:24mula sa kanyang
27:25debut album
27:26ng Liham
27:27Excited na raw siyang
27:29mapakinggan ng fans
27:30ang mga kanta niyang
27:31naging masusi
27:32ang pagpili
27:33Sa kanyang album launch
27:34kailangan daw
27:35abangan
27:36ang surprise collab
27:40Speaking of collab
27:41tuloy
27:42ang pagsasama
27:43ng kapuso
27:44at kapamilya
27:45para sa Pinoy
27:45Big Brother
27:46Collab 3.0
27:47This time
27:48mga ordinaryong
27:49Pilipino naman
27:50ang sasabak
27:51sa hamon
27:52ng pagpapakatotoo
27:53Basta 18 to 35 years old
27:56eligible
27:56maging housemate
27:58ni kuya
27:58Sa mga bet
27:59mag-audition
28:00is scan lang
28:01ang QR code
28:01o pumunta
28:02sa PBB Collab website
28:04Mag-fill out
28:05ng detalye
28:06at mag-upload
28:06ng one-minute
28:07audition video
28:08ng self-introduction
28:10at kung bakit
28:11karapat dapat kang
28:12maging housemate
28:16Patuloy na nagdudulot
28:17ng pag-uho ng lupa
28:18at mga bato
28:18ang masamang panahon
28:19sa Benguet
28:20at ilan pang lugar
28:21sa Cordillera
28:21May ulap on the spot
28:23si Cindy Salvasio
28:23ng GMA Regional TV
28:25Cindy
28:29Rafi, dahil patuloy pa rin
28:31ang nararanasang
28:31malakas na pagulan
28:32sa Cordillera Region
28:33ay patuloy din
28:35at kabikabilaan
28:35ang mga nararanasang
28:36mudslide, landslide
28:38at rockfall
28:38sa ilang mga probinsya
28:42Nangangamba pa rin
28:43ang mga residenteng
28:43nakatira
28:44sa Sicho Bayabas
28:45Barangay Pico
28:46at Trinidad Benguet
28:46na muling maranasan
28:47ang flash flood
28:48na nanalasan
28:49noong kasagsagan
28:50ng mga bagyo
28:50at habagat
28:51Ayon sa mga residente
28:52halos araw-araw
28:53nilang nararanasan
28:54ang malalakas
28:55na pagbagsak
28:55ng tubig
28:56na nagmumula
28:57sa bundok
28:57dahil sa walang
28:58tigil na ulan
28:59Hirap makauwi
28:59mga residente
29:00sa kanilang mga bahay
29:01Ang ilan
29:02naglagay ng mga tarpaulin
29:03sa harap
29:04ng kanilang mga bahay
29:05bilang panangga
29:06sa bumababang tubig
29:07Umaasa ang mga residente
29:08na magiging maayos na
29:09ang daloy ng tubig
29:10kapag natapos
29:11ang ginagawang drainage canal
29:12Samantala
29:13nagbubungkal na sa bukid
29:14ang ilang magsasaka
29:15ng gulay
29:15sa la Trinidad
29:16para sa muling pagtatanim
29:18Nasira kasi
29:19ang karamihan
29:19sa kanilang first crop
29:20matapos mababad
29:21sa baha
29:21ang kanilang sakahan
29:22Lugi raw
29:23ang mga magsasaka
29:24Kabikabilaan
29:25ang nararanasang
29:26pagguho ng lupa
29:27sa ilang kakalsadahan
29:28sa Cordillera region
29:29sa bilang bilis kapangan
29:31Naipaulat
29:31ang debris flow
29:32sa kahabaan
29:33ng Governor
29:33Badudangwa National Road
29:35Pinag-iingat
29:36ang mga residente
29:37motorista
29:37at iba pang mga
29:38biyahero
29:39na dumaraan
29:39sa naturang ruta
29:40Sa ukab itogon
29:41isang puno
29:42ang bumagsak
29:43sa gitna ng kalsada
29:44matapos gumuho
29:45ang lupa
29:45dahil sa tuloy-tuloy
29:46na pagulan
29:46Agad nagsagawa
29:47ng clearing operations
29:48ang lokal na pamahalaan
29:50Sa parehong barangay
29:51isinara sa mga motorista
29:52ang kalsada
29:53matapos gumuho
29:54ang lupa sa lugar
29:55Patuloy ang clearing operations
29:56ng mga otoridad
29:57sa mga kalsadang
29:58natabunan naman
29:59ang lupa
29:59sa bayan
30:00ng Bontoc Mountain Province
30:02Raffi Ayon
30:03sa Mines and Geosciences
30:04Bureau Cordillera
30:06ay umaabot
30:07sa 1,413 millimeters
30:09ang accumulated rainfall
30:10sa Baguio City
30:11at Benguet
30:12nitong August 1
30:13hanggang August 9
30:14Katumbas ito
30:15ng humigit kumulang
30:16isat kalahating buwan
30:17na nadami ng ulan
30:19na lubharaw na kababahala
30:20kaya naman patuloy
30:21ang kanilang pag-iingat
30:22sa mga residente
30:23lalo na mataas
30:24ang chance ngayon
30:24ng pagguho
30:25ng lupa sa ilang mga lugar
30:27Raffi
30:27Maraming salamat
30:29Sandy Salvasio
30:31Yan na may ilit na balita
30:32ngayong tanghali
30:33Ako po si Connie Sison
30:35Raffi Tima po
30:35Magpapatuloy
30:36ang live stream
30:37ng GMA News
30:38sa impeachment trial
30:38ni Vice President
30:39Sara Duterte
30:40Kasama nyo rin po ako
30:41Aubrey Caramper
30:42Ito po ang GMA News
30:43Walang kinikilingan
30:44Walang pinoprotektahan
30:45Noon at ngayon
30:46serbisyong totoo
Comments