- 22 minutes ago
- #gmanews
- #serbisyongtotoo
- #breakingnews
Narito ang maiinit na balita sa Balitanghali Express ngayong Martes, April 21, 2026
-Grupong PISTON at MANIBELA, nagtigil-pasada bilang protesta sa mataas pa ring presyo ng mga produktong petrolyo; nanawagan ng taas-pasahe
-P10 taas-pasahe sa traditional jeep, panawagan ng grupong PISTON
-LTFRB: Nasa 20,000 PUV drivers at operators pa lang ang rehistrado sa Service Contracting Program; nasa 40,000 ang target
-Mahigit P24 rollback sa kada litro ng diesel, epektibo ngayong araw
-Lalaki, patay matapos malapitang barilin sa Brgy. 8; gunman, tinutugis
-2 pasahero, patay matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang bus
-Gasolinahan, hinoldap; 1 sa 2 suspek, naaresto
-Driver na nag-gas-and-run ng halagang P1,500, hinahanap ng pulisya
-Pagpigil sa lalaking nagtangkang pumasok sa isang bahay, nauwi sa sakitan
-PAGASA: Apektado ng mainit na Easterlies ang NCR, southern Luzon, Visayas at Mindanao
-Katrina Halili sa pagiging co-parent ni Kris Lawrence: Ramdam ko 'yung pagiging present niya as tatay
-Mahigit P30M halaga ng ketamine, nasabat sa Port of Clark
-P375M confidential funds na ginamit ng OVP noong 2023, ipinababalik ng COA
-INTERVIEW: REP. TERRY RIDON
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
-Grupong PISTON at MANIBELA, nagtigil-pasada bilang protesta sa mataas pa ring presyo ng mga produktong petrolyo; nanawagan ng taas-pasahe
-P10 taas-pasahe sa traditional jeep, panawagan ng grupong PISTON
-LTFRB: Nasa 20,000 PUV drivers at operators pa lang ang rehistrado sa Service Contracting Program; nasa 40,000 ang target
-Mahigit P24 rollback sa kada litro ng diesel, epektibo ngayong araw
-Lalaki, patay matapos malapitang barilin sa Brgy. 8; gunman, tinutugis
-2 pasahero, patay matapos mahulog sa bangin ang sinasakyan nilang bus
-Gasolinahan, hinoldap; 1 sa 2 suspek, naaresto
-Driver na nag-gas-and-run ng halagang P1,500, hinahanap ng pulisya
-Pagpigil sa lalaking nagtangkang pumasok sa isang bahay, nauwi sa sakitan
-PAGASA: Apektado ng mainit na Easterlies ang NCR, southern Luzon, Visayas at Mindanao
-Katrina Halili sa pagiging co-parent ni Kris Lawrence: Ramdam ko 'yung pagiging present niya as tatay
-Mahigit P30M halaga ng ketamine, nasabat sa Port of Clark
-P375M confidential funds na ginamit ng OVP noong 2023, ipinababalik ng COA
-INTERVIEW: REP. TERRY RIDON
For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs, including the full version of Balitanghali.
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time).
#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Category
🗞
NewsTranscript
00:28Transcription by CastingWords
00:32Kasama rin sa kanilang panawagan ang taas pasahe. May ulat on the spot si Oscar Oida.
00:38Oscar!
01:00Pagdagpasahe sa mga jeepney. Mula sa kasalukuyang 13 pesos, gusto nilang gawin ito na 23 pesos.
01:06Ayon sa piston, sa kabila ng mga naging rollback sa presyo ng langis, patuloy pa rin ang pagkalugi ng mga
01:13driver dahil sa mataas na gastusin sa operasyon.
01:17Dagdag pa nila, mas mataas pa rin ang presyo ng diesel kumpara noong 2023 kung kailan huling itinakda ang pamasahe.
01:24Samantala, nananawagan naman ang manibela na ibabasa, humigit kumulang, 55 pesos kada litro ang presyo ng diesel.
01:32Nauna nang nag-anunsyo ang mga oil company ng bawas presyo na umaabot sa 25 pesos kada litro para sa
01:39diesel,
01:4031 pesos o 3 pesos 41 centavos para sa gasolina at 2 pesos para sa kerosene.
01:47Ngunit ayon sa mga driver, hindi pa rin ito sapat upang matapatan ang patuloy na pagtaas ng kanilang mga gastusin.
01:55Panawagan pa ng grupo, bukod sa rollback, dapat daw ay ibasura na ang oil deregulation law,
02:01tanggalin na rin ang 12% VAT at excise tax sa langis.
02:07Rafi, Connie?
02:09Oscar, base sa assessment nila, matagumpay ba yung kanilang tigilpasada?
02:17Well, kayo na nakausap natin yung mga leader ng mga transport groups at naniniwala sila na naging matagumpay naman
02:25ang kanilang mga ikinasang tigilpasada.
02:28Sa katunayan, ito ang ina-attribute ng dahilan kung bakit nagkakaroon ng rollback sa presyo ng langis.
02:35Yun nga lang ay nakukulangan pa rin daw sila.
02:38Rafi?
02:38At Oscar, yung mga commuters naman, anong reaksyon dito sa kanilang tigilpasada kung meron kang nakausap?
02:47Well, meron tayong ilang mga nakausap, aminado naman yung ilan, na medyo nahihirapan sila than the usual.
02:54Bagamat naiintindihan nila yung sentimiento ng ilang mga driver,
02:59eh sana daw ay ma-resolutionan ito sa paraan na wala nang kailangang mahirapan.
03:05Gaya ng mga pangkariniwan o inaasahan na nating reaksyon mula sa mga commuters, Rafi.
03:10At may mga susunod pa bang ganitong pagkilos sa Oscar?
03:17Tama ka dyan, Rafi, no?
03:19Ayon sa grupong Piston, sa Mayo 1 ay may ikakasa silang mas malawakang kilus motesta
03:27at this time daw ay sasamahan sila ng iba't iba pang grupo. Rafi?
03:32Maraming salamat, Oscar Oida.
03:36Sampung pisong permanent fare hike sa traditional jeep ang isinusulong ng grupong Piston.
03:41Ngayon pong mahal pa rin ang presyo ng mga produktong petrolyo.
03:45Nag-hahin ang Piston ng petisyon sa Land Transportation Franchising and Regulatory Board
03:50para mabawi ang gastos nila sa diesel.
03:52Hindi pa raw kasi sapat ang sunod-sunod na rollback sa mga produktong petrolyo.
03:57Kung aaprobahan, magiging P23 ang minimum fare sa jeep mula sa kasalukuyang P13.
04:04Sinisikap ang kunin ang pahayag ng LTFRB kaugnay sa petisyon ng Piston.
04:09Nitong Marso, pinasuspindi ni Pangulong Bongbong Marcos ang fare hike sa mga PUV
04:15dahil magiging pabigatan niya ito sa mga commuter.
04:19Sa halip, nagbibigay ang gobyerno ng ayuda, fuel subsidy at libreng sakay.
04:25Pero para sa ilang tsuper, hindi sapat ang ayuda dahil sa mahal ng presyo ng langis.
04:33Nabilang sa mga programa ng gobyerno ang service contracting program para sa mga public utility vehicle.
04:38Kahapon, kinumusta ng Pangulo ang implementasyon nito.
04:42Binisita niya ang isang terminal at nakipag-usap sa ilang commuter.
04:45Target ng gobyerno na maisama sa programa ang mahigit 40,000 na bus at jeepney drivers at operators.
04:52Sa ngayon, humigit kumulang 20,000 pa lang ang nagpapalista.
04:56Sabi ng LTFRB, kailangang ipaliwanag ng maigis ang operator ang sistema, kaya tuloy-tuloy ang pagpapaseminar.
05:04Tiniyak din ang LTFRB na iaabot ang bayad sa loob ng 3 hanggang 5 araw.
05:09800 million pesos ang budget na inilaan para sa dalawang linggong pagpapatupad ng programa.
05:14Pero hiniling ng DOTR ang 5 billion pesos na pondo para umabot ito hanggang Hulyo.
05:26Efektibo na ang mahigit 24 na pisong rollback sa kada litro ng diesel ngayong pong araw.
05:32Ang Shell, Sea Oil at Petron, 24 pesos at 94 centavos ang tapyas presyo sa kada litro ng diesel.
05:41May bawas presyo na 3 pesos at 41 centavos sa kanilang gasolina at 2 pesos sa kada litro ng kerosene.
05:48Ang Phoenix, 24 pesos at 95 centavos ang rollback sa diesel at 3 pesos at 40 centavos sa kada litro
05:57ng gasolina.
05:58Ayon sa Department of Energy, kinokontrol na ng gobyerno ang galaw sa presyo ng petrolyo.
06:04Gamit ang police power ng gobyerno batay sa Executive Order 110 na nagdeklara ng National Energy Emergency,
06:12kailangan sumunod na mga oil company sa itatakdang maximum na dagdag presyo o minimum na bawas presyo ng gobyerno kada
06:21linggo.
06:21Ang mga oil company na hindi susunod, maaring isyuhan ng show cost order.
06:29If you don't comply, the penalty of that would be 3 months to 1 year imprisonment
06:35and a fine ranging from 50,000 pesos to 300,000 pesos.
06:41It's more of a criminal penalty.
06:45Hulikam sa kalookan ng pamamaril sa isang lalaki ng malapitan.
06:49Nasaway ang biktima habang ang suspect hinahanap pa.
06:52Balita ng atin ni EJ Gomez.
06:56Isang lalaki ang nakatampay at nakasandal sa isang poste sa barangay 8 sa Calookan City,
07:03pasado alas 7 kagabi, nang lumapit ang isang lalaki sa kanya at malapitan siyang binaril sa ulo.
07:13Bumagsak sa kalsada ang lalaki. Tumakas naman ang gunman.
07:17Yung time na yun ma'am, naglalaro po kami. Tapos may biglang pong pumutok.
07:20Tapos nakita na po namin, may bumulagtan na lang po. May tama na siya ng barangay sa ulo.
07:24Dumating ang polisya at barangay at naglagay ng barikada sa crime scene.
07:29Nagdatay namin dito, yung dugo, nagkalat na talaga. Nakaiga na siya dyan.
07:33Nakasuot ng puting sombrero, puting t-shirt at puting shorts ang biktima.
07:38Nakaitim na jacket at itim na sombrero naman ang namaril.
07:42Inaalam pa na mga otoridad ang pagkakakilala ng biktima at motibo sa krimen.
07:47Dayo talaga eh. Hindi namin kilala eh. Wala talagang lumapit ito ng mga kumag-anak nandito.
07:55Kung sino po nakakalam dito at nakakilala sa nangyari dito, sana lumapit na lang sa amin para makapagbigay din kami
08:04ng umpirmasyon sa kanila.
08:05Patuloy rin ang pagtuntun sa salarin.
08:08EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
08:13Ito ang GMA Regional TV News.
08:19Dalawang pasahero ang nasawi matapos mahulog ang sinasakyan nilang bus sa isang bangin sa Pagbilaw, Quezon.
08:26Ayon sa mga otoridad, Yanging, Quezon City ang bus mula sa Daet, Camarines, Norte,
08:31nang magkaproblema ang preno nito habang nasa pababa at pakurbang bahagi ng kalsada kagabi.
08:37Hindi na nakontrol ng driver ang manibela at dumiretsyo sa bangin.
08:42Naging pahirapan ang rescue operations dahil sobrang dilim sa lugar.
08:46Bukod po sa mga nasawi, 35 sakay ang sugatan kabilang ang driver at kunduktor.
08:52Nakipag-ugnayan na po sa mga biktima at pulisya ang pamunuan ng bus company.
08:57Ayon sa area manager ng bus company, handa silang tulungan ang mga biktima.
09:04Hinold up ang isang gasolinahan sa San Jacinto, Pangasinan.
09:08Batay sa embisigasyon ng pulisya, dumating ang mga suspect at nagpakarga ng gasolina Sabado ng madaling araw.
09:15Nang makuha ang sukli matapos magbayad, doon na nagdeklara ng hold up ang mga suspect.
09:21Isang gasolin attendant ang tinutukan umano ng baril at kinuha ang pera na nasa kaha.
09:273,000 pisong cash ang natangay ng mga magnanakaw bago tumakas.
09:32Isinumbong sa mga otoridad ang insidente at nagkasan ng manhunt operation.
09:37Naaresto ang isa sa mga suspect matapos ang ilang oras.
09:40Wala siyang pahayag.
09:42Hinahana pa ang kanyang kasabuat.
09:44Tumangging magbigay ng pahayag ang pamunuan ng hinold up na gasolinahan.
09:51Huli ka ang mga pagtakas ng kotse niyan matapos magpakarga sa isang gasolinahan sa barangay Commonwealth, Quezon City.
09:58Ayon sa attendant, 1,500 pesos ang tinagas ng driver madaling araw kahapon.
10:04Umaga na nang maisumbong ang insidente sa mga otoridad.
10:07Nakuhan ng pulisya ang plaka ng sasakyan at base sa pawan ng impormasyon, nakarehistro sa isang taga-tagig ang kotse.
10:15Tinutugis na ang tumakas na driver na pwedeng maharap sa reklamong estafa.
10:20Arestado sa Maynila ang isang lalaking sinubukan umanong silaban ang kanyang kainuman.
10:26Balitang hatid ni Jomer Apresto.
10:30Kuha ito ng CCTV sa isang gusali sa Malate, Maynila, gabi noong April 18.
10:35Kita ang isang lalaki na nagtangkang pumasok sa isang bahay.
10:39Hinarang at hindi siya pinayagan ng dalawang lalaki hanggang nauwi ito sa pananakit.
10:44Dalawang residente roon ang tumulong sa lalaking ginulpi.
10:47Maya-maya, tumayo at umalis na ang lalaki.
10:50Ayon sa barangay, ang lalaking nagulpi, sospek rao sa tangkang pagpatay sa isang tenant ng bahay kung saan niya tinangkang
10:56pumasok.
10:57Ang pumigil sa lalaking makapasok, landlord umano ng bahay at kanyang anak.
11:02Kinabukasan, nagpunta rao sa pulis ang lalaking binugbog.
11:06Na ang kwento niya is binugbog siya doon sa lugar ng barangay 73.
11:11Hindi naman siya magre-reklama. Ang gusto niya lang makuha yung documents and cellphone niya.
11:16Sa investigasyon ng pulis, ilang oras bago ang tangkang pagpasok,
11:21naikipag-inuman pa ang lalaking nabugbog sa isang tenant sa rooftop ng bahay.
11:25Nagkaalitan daw ang dalawa tinangkaumanon niyang sunugin ang kainuman.
11:29Is nag-inuman sila, then ang nangyari, mayroon silang parang komosyon, tas biglasan sinilaban.
11:37Dito sa rooftop, nag-inuman ang biktima at at sospek.
11:40Dito sa mismong duyan, nakahiga noon ang biktima,
11:42nang bigla siyang binuhusya ng alkohol ng sospek at saka sinilaban bago tumakas.
11:48Mabutit may banyo sa rooftop kaya agad na nakapagbuhos ng tubig ang tenant na sinilaban umano,
11:53saka nagsumbong sa kanyang landlord.
11:55Nakuhanan pa sa CCTV ang paglabas sa iskinita ng biktima bago dinala sa pagamutan.
12:00Nagtamu siya ng lapno sa iba't ibang bahagi ng katawan at patuloy na nagpapagaling sa ospital.
12:05Iniinda naman ang landlord ang pamamaga ng panga at pananakit ng katawan
12:08mula sa dalawang lalaking nakialam umano at tumulong sa lalaking ayaw nilang papasukin.
12:13Desidido raw siyang sampahan sila ng reklamo.
12:16Binata na ko. Sabi ko kung makiram dito problema namin to kasi arson ka ako na sinungunog yun.
12:22Eh, hindi niya alam kung anong nangyayari dito sa bahay.
12:26Sinusubukan pa namin sila kuhanan ng panig pati ang sospek sa panununog
12:29na ngayon nasa kustodina ng Manila Police District.
12:32Naharap siya sa reklamong frustrated murder.
12:34Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.
12:39Muli nagparamdam sa bansa ang mainit na easterlies o hangin galing Pacific Ocean.
12:45Sabi na pag-asa, may dala itong mainit na temperatura na pwede rin magdala ng ulan sa ilang lugar.
12:50Apektado niya ng Southern Luzon kasama na ang Metro Manila, Visayas at Mindanao ayon sa pag-asa.
12:56Ang nalalabing bahagi ng Luzon, posibleng makaranas ng local thunderstorms.
13:01Gayunman, posibleng pumalo sa danger level na 43 degrees Celsius ang heat index sa Cavite City.
13:07Extreme caution level naman na 41 degrees Celsius ang maaring maitala sa Dagupan, Pangasinan,
13:13San Jose Occidental Mindoro, Iloilo City at sa Taclo, Banleite.
13:1740 degrees Celsius sa Apari at Tugigaraw sa Cagayan at sa walupang lugar sa bansa.
13:23Dito sa Metro Manila, posibleng umabot sa 39 degrees Celsius ang heat index particular sa Pasay.
13:37Sweet moments man by the beach.
13:40O kaya ipandance challenge kasamang anak nilang si Katie.
13:47Pinukusuan ng netizens ang closeness ngayon ni na Katrina Halili at dating ang partner na si Chris Lawrence.
13:56Curious ang netizens, patutoo ba ito sa kasabihang love is lovelier the second time around?
14:04Nang tanongin kung nanumbalik ba ang feelings ng dalawa?
14:08Sagot ni Katrina, what you see is what you get.
14:11Siyempre, tatanong ko sa'yo yung mga tanong ng netizens ha.
14:14Sure.
14:14Nagkabalikan ba?
14:16Sabalikan po.
14:21Wala. Secret lang. Secret.
14:24Secret ba?
14:24Oo. Wala tayong sasagutin. Bawal daw. Bawal daw po sumagot.
14:29Ang mahalaga raw ngayon para kay Katrina, mas nabuo ang relasyon ni Chris sa kanilang anak na matagal na raw
14:35niyang hinihintay at ipinagdarasal.
14:38Sabi ako na nakikita ko na nagiging tatay talaga siya. Nararamdaman ko talaga yung pagiging present niya as tatay.
14:45Speaking of parenthood, relate much daw si Katrina sa kanyang karakter sa upcoming drama series na Kamao.
14:52Gaganap siya bilang ina ng karakter ng bidang si Anton Vinson.
14:56Binubuhos ko talaga dito yung pagiging nanay ko as in parang si Anton ay ginawa ko siyang si Katie.
15:02Maraming makakarelate dahil syempre marami pong nanay.
15:05O kahit hindi ka nanay, basta gagawin mo lahat para sa pamilya mo.
15:09Nelson Canlas, nagbabalita para sa GMA News.
15:14Eto na ang mabibilis na balita.
15:18Mahigit 30 milyong pisong halaga ng inigal na droga ang nasabat sa Port of Clark sa Pampanga.
15:23Ayon sa BOC, nakatanggap sila ng ulat tungkol sa nasabing shipment na nagmula sa The Netherlands.
15:30Nang isa lang sa x-ray, doon tumambad ang drogang ketamine na mahigit 6 na kilo ang timbang.
15:36Itinago yan sa ilang cable spool.
15:39Na i-turnover na sa PDEA ang mga nasabat na iligal na droga.
15:43Nagsasagawa rin sila ng backtracking para maaresto at masampahan ng reklamo ang consignee ng kontrabando.
15:52Arestado ang tatlong lalaki matapos mahulihan ng mahigit 1 milyong pisong halaga ng iligal na sigarilyo sa Bayambang, Pangasinan.
15:59Ayon sa pulisya, pinara sa checkpoint ng commuter van na sinasakyan ng mga suspect at nadeskubri doon ang mga sigarilyong
16:06may peking selyo ng Bureau of Internal Revenue.
16:09Wala rin silang maipakitang kaukulang dokumento.
16:12Umabot sa mahigit sanlibong rim ng sigarilyo ang nakumpiska.
16:16Mahaharap sa patong-patong na reklamo ang mga suspect.
16:19Wala silang pahayag.
16:23Kinumpirma ng Office of the Vice President na natanggap na nila ang Notice of Disallowance ng Commission on Audit sa
16:292023 Confidential Funds at a-actionan daw nila ito.
16:33Ang Confidential Funds na isa sa mga bataya ng impeachment laban kay Vice President Sara Duterte,
16:39nakitaan daw ng pattern of misuse ng ilang miyembro ng House Justice Committee.
16:44Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
16:50Ito ang kopya ng Notice of Disallowance ng Commission on Audit na naguutos kay Vice President Sara Duterte at tatlong
16:58iba pa
16:58na isauli ang P375M na Confidential Funds na ginamit ng OVP noong unang tatlong quarters ng taong 2023.
17:08Base sa dokumentong ibinigay sa media ni House Justice Committee Member Representative Terry Redon,
17:14ginamit ang pondo sa tatlong cash advances na TIG 125M mula February 6, 2023 hanggang September 30, 2023.
17:25Ilang bagay ang ipinunto ng COA Intelligence and Confidential Funds Audit Office sa Notice of Disallowance.
17:32Una rito, labag daw sa Joint Circular ng Komisyon ang utos daw ni Vice President Duterte
17:39na ibigay ang mga cash advance para sa confidential expenses
17:43kay dating Vice President Security and Protection Group Head, Col. Raymond Dante Lachica.
17:49Sa naturang Joint Circular, nakasaad na hindi pwedeng ilipat ang accountability ng cash advance sa ibang tao.
17:56Pino na rin na sa pagbabayad ng P62M na reward, hindi raw nagsumite ng supporting documents
18:03para patunayan ang tagumpay ng information gathering at surveillance activities.
18:08Pinunto rin sa pagbili ng P199M na supplies at ayudang gamot at pagkain,
18:15acknowledgement receipts lang ang isinumite ng OVP.
18:19Para raw matiyak ang validity ng mga ito, dapat daw magsumite ng official receipts o sales invoices.
18:26Bukod pa riyan, may dalawang disbursement din daw ng pondo na TIG 150,000 pesos
18:32na na-discovering ginamit para raw i-reimburse ang pondong na gastos
18:37baga raw na grant ang cash advance noong July 2023, bagay na bawal sa lituntuni ng COA.
18:44Ang nakikita ko natin dito talaga nga, ito po ay pattern ng confidential funds misuse.
18:50Halos pare-pareho lang po yung batayan eh kung bakit po nagkaroon ng ND under yung 2022 confidential funds.
19:00At ito po ang pangalawang ND relating to 2023 confidential funds.
19:06If they weren't able to justify it the first time, I'm quite certain they weren't able to justify it the
19:13second time.
19:14Hindi ba? Kasi pareho lang naman yung batayan eh noong binabanggit noon.
19:18It supports the allegation of misuse of confidential funds, at least in as far as the Commission on Audit is
19:27concerned.
19:27Ang position ng COA still is the rules under the Joint Circular No. 2015-01 was violated as well.
19:37And I believe that these are significant, at least for the purpose of determination of probable costs.
19:44Sabi ng Office of the Vice President, hindi pa nila natatanggap ang kopya ng disisyon ng Commission on Audit
19:51kaugnay sa confidential funds noong 2022, kaya hindi pa raw sila makakapagkomento.
19:57Kinumpirma naman ang OVP na natanggap nila ang Notice of Disallowance ng COA para sa 2023 confidential funds.
20:06A-actionan daw ito ng OVP, alinsunod sa mga patakara ng Komisyon.
20:12Pwede pang i-apela ng Office of the Vice President ang Notice of Disallowance ng COA sa P375M Confidential Funds.
20:20Pero ayon sa House Committee on Justice, pwede na itong maging basehan sa pagdesisyon ng Komite kung may probable costs
20:27o wala laban sa BISE.
20:29Sa hearing bukas, tatalakayin ang umano'y unexplained wealth ng BISE.
20:34Kasama sa mga sinabpina ay ang Office of the Ombudsman, Anti-Money Laundering Council,
20:41dating Sen. Antonio Trillanes IV, Securities and Exchange Commission at Bureau of Internal Revenue.
20:48Pending pa sa Quezon City Regional Trial Court, ang petisyon ng asawa ni VP Duterte na si Atty. Manasa Scarpio
20:55para pigilan ang pagsusumite ng BIR ng kanilang income tax returns sa Komite.
21:01Since it has been submitted already during the last hearing that was April 14,
21:09that is the reason why I said the issue of issuance of TRO is already moot and academic.
21:16Si Senate President Tito Soto, naghahanda na para sa posibleng pag-transmit ng articles of impeachment sa Senado
21:24na uupong impeachment court.
21:26Pinag-aaralan na raw niya ang rules of court at ikinukumpara ito sa rules ng Senado.
21:32Inimbitan niya ang ilang senador mula sa majority block sa isang hapunan kung saan na pag-usapan ito.
21:38Hindi naman nagustuhan ni Soto ang pahayag ni dating Presidential Spokesperson Salvador Panelo
21:44na desidido na raw si na Soto, Sen. Panfilo Lacson, Sen. Risa Ontiveros at Sen. Kiko Pangilinan na i-convict
21:53si Sara.
21:54Tanong ni Soto, may crystal ball daw ba si Panelo?
21:58Tiniyak niyang mananatili silang impartial at hihintayin nila kung ano man ang ipipresenta sa Senado Impeachment Court.
22:06Tina Panganiban Perez, nagbabalita para sa GMA News.
22:12Bago ang pagpapatuloy ng pagdinig ng House Justice Committee sa impeachment proceedings laban kay Vice President Sara Duterte Bukas,
22:19kausapin natin si House Justice Committee Member at Bicol Saro Representative Terry Ridon.
22:24Magandang umaga at welcome po uli sa Balitang Hali.
22:27Magandang umaga. Maraming salamat po sa pag-imbitan.
22:29Kumusta po yung paghahanda ng komite para sa pagdinig Bukas? Magiging explosive po ba ito?
22:35Tingin ko po ito po ay araw po para sa paghahanap po ng katotohanan dahil ang magsasalita na bukas,
22:43hindi mga star witnesses, magsasalita na bukas mga dokumento mismo.
22:47Doon po sa mga bagay relating po sa unexplained wealth at salin violations ng ating pangalawang Pangulo.
22:54So, inaasahan nun natin na masasalang bukas yung Ombudsman para talakayan po yung salin ng Vice President.
23:02MLC, papatungkol po doon sa mga inflows and outflows po ng mga bank accounts ng mag-asawang Duterte Carpio,
23:08yung po ng Securities and Exchange Commission para doon po sa mga...
23:13ng kanila pong mga nakalistang kumpanya, yung BIR para sa kanila pong tax payments,
23:17at panghuli, si former Senator Trillanes para doon sa konteksto ng mga bank accounts, bank records po ng pamilya Duterte.
23:25Kumpirmado po ba yung pagdalo ni na Ombudsman Rimulya at dating Senator Trillanes?
23:30I think confirmed po in the last couple of days, nagsabi po sila publicly na sila po ay dadalo sa
23:36pagdinig po bukas.
23:38At again, ano pong mga impormasyon yung inaasahan na itong tatalakayan nila at maisisiwal at bukas?
23:43Well, mayor po nga inaasahan po talaga natin yung pong malaking pagkakaiba mula po doon sa net worth na 88
23:52million
23:53na nakabanggit po doon sa 2021 salin po ng pangalawang Pangulo.
23:58At inaasahan po natin na maipapakita po ito sa pamamagitan po ng matransaction reports na ginagawa po ng AMLC.
24:06So, yan po ay isa doon sa ating mayor na magiging testimonya bukas.
24:11At pangalawa, makikita din po natin yung mga corporate relations.
24:15Kasi as a preview, meron po tayo nakita ilang mga kumpanyang nakalista doon po sa salin po ng pangalawang Pangulo
24:24na malaki po yung kita pero malaki din po yung expenses.
24:28So, ibig sabihin, ito po ay maliit lang binabayad the buwis sa ating pamahalaan.
24:33So, yan po yung ilan po sa mga inisyal na mga resulta at forensics doon po sa mga kumpanyang na
24:40ilista po ni Vice President Uterete.
24:43Kaugnay po ng binanggit nyo, may ibang personalidad pa kayang nakikita na dapat ipatawag sa pagdinig?
24:48Tingin ko sapat na ho yun dahil ang mahalaga naman dito, hindi ho yung personalidad eh.
24:52Ang mahalaga po bukas yung mga dokumento po nga maipapakita.
24:56Ano po yung laman ng mga dokumento? Ano po yung laman ng mga reports?
24:59Meron po bang pagkakaiba mula po sa declared sal-end ng ating pong pangalawang Pangulo na 88 million?
25:05Ito po nga laman ng mga dokumento po ito.
25:07At standing pa po yung invitasyon nyo sa Vice President na dumalo sa pagdinig?
25:11Sa lahat po ng aspeto, sa lahat po ng mga araw na meron pong pagdinig,
25:15may katapatan po ang pangalawang Pangulo na maghayag ng kanya pong ebidensya,
25:19maghayag po ng kanyang depensa sa kahit anumang bagay na nabanggit noong nakaraan
25:24at mawabanggit po sa mga susunod pong panahon.
25:27Pag-usapan naman natin yung inilabas na Notice of Disallowance ng Commission on Audits
25:31sa Office of the Vice President.
25:33Pakipaliwanag po kung bakit kayo naniniwala na mapapalakas nito,
25:35yung impeachment complaints laban kay Vice President Duterte.
25:39Well, mabigat po yung dalawang mga COA reports po na ito at COA decisions po na ito
25:44kasi tumataas po eh.
25:46From 73 million, nakakatali na po personal ang ating pong pangalawang Pangulo
25:50to 448 million na pinapabalik po ng pamahalaan mula sa kanya pong mga personal na pag-aaring.
25:57Ibig sabihin, hindi po ito pananagutan lang ng opisina po ng OVP.
26:01Ito po ay personal na pananagutan ng pangalawang Pangulo
26:04at anong pong mga kasamahan niya po sa OVP na nakapangalanan
26:09nito pong mga notice of disallowance at ito pong final COA decision po na ito.
26:15At kung sakali pong maibalik itong perang ito, ma-absolve po ba itong mga involved?
26:20Wala pong absolusyon kahit pong mag-solik ng 73 million o 448 million
26:25kasi syempre magkakaibang usapin po ito.
26:28Ibahoy-usapin sa COA, ibahoy-usapin sa Ombudsman para sa malversation,
26:32ibahoy-usapin sa impeachment kung saan pagtatanggal sa opisina ang penalty.
26:37So, kahit mag-solik po ng perang atin pong mga pangalawang Pangulo,
26:41tuloy po yung proseso po ng impeachment.
26:44May mga lumalabas po na para pabulaanan yung ilang bahagi ng affidavit ni Ramil Madriaga.
26:49Formal nyo ba silang iimbitahan sa komite o paano nila may paparating sa komite yung concern nila?
26:56Bukas po yung komite sa tatlong bahagi.
26:58Pag i-desisyonan po namin kung isasabpina po yung mga napangalanan ng mga personalidad,
27:02pwede rin po silang imbitahan sa huli pong pagdinig.
27:06At sila ho mismo, pwede ho magpunta sa komite para sabihin ho na gusto ho nilang dumalong.
27:11Dito po sa bagay doon.
27:12Lalo at higit, marami ho mga videos ho nung lumalabas after the hearing.
27:16So, halimbawa, si Mr. Madriaga at saka si Mr. Kilala,
27:20magkakasama ho sila doon sa isang kantahan at sosyalan sa panahon ho ng kampanyahan.
27:25At kasama rin din ho, yung isa ho na bamanggit doon sa pagbisita ho,
27:29supposedly sa BJMP facility sa Bikutan, si Atty. Joyce Dapat.
27:34So, ito po mga personalidad ho na ito, up until today, mag-iisang linggo na.
27:37Parang wala pa ho tayo narinig na absolute denial.
27:40Nakilala ho nila si Ramir Madriaga and that they have nothing to do with him.
27:45Sabi po ng ilang law experts, possibly maging state witness si Madriaga
27:48sakaling may isang pang reklamo sa business sa hinaharap.
27:51Ano po minasasabi nyo rito?
27:53Pwede po siya maging state witness pagka ho ombudsman proceedings na po
27:56yung pinag-uusapan ho natin, particularly ho dito po sa malversation
28:00at kung magkakaroon man ho ng plunder charges.
28:03Pero sa pagsampaho sa impeachment proceedings,
28:07siyempre pwede pa rin ho siya maging witness doon po sa mga bahagi
28:12ng confidential funds misuse.
28:13Pero, at technically speaking, yung po nga state witness pa,
28:17ang mga criminal proceedings lang po, ito po ang bagay na ito.
28:20Okay, maraming salamat po sa inyong oras na binahagi nyo po sa Balitang Hali.
28:24Maraming salamat, magandang tanghali.
28:26Si House Justice Committee Member Representative Terry Ridon.
28:30Susubukan po namin hinga ng reaksyon ng kampo ni Vice President Sara Duterte
28:34Kaugnay sa mga pahayag ni Congressman Ridon.
28:38Nasunog ang isang warehouse sa Valenzuela.
28:40Dahil po sa dami ng nakaimbak doon na pintura,
28:43naging pahirapan ang pag-apula sa sunog.
28:46Balitang hatid ni E.J. Gomez.
28:52Naglalagablab na apoy ang pinagtulungang apulahi ng mga bombero
28:56sa isang warehouse na mga pintura sa Barangay Malanday, Valenzuela,
29:00mag-aalas 7 kagabi.
29:10Agad itinaas sa unang alarma ang sunog na umabot sa ikalawang alarma
29:15at mabilis kumalat at tumupok sa dalawa sa tatlong palapag ng gusali.
29:21Nagkaupo lang po ako dito sa garahe namin.
29:24Tapos nakita ko po lumalaki na po yung apoy.
29:27Napansin ko po sa task po yung unang apoy sa task po.
29:30Tapos hanggang lumaki na lumaki na.
29:32Yung mga konsip po namin yung saka yung mga linikas po namin dito yung sa gilid po.
29:38Dahil dikit po ng pader po yung nasunog po.
29:44Pahirapan sa mga bombero ang pag-apula
29:46dahil sa dami na mga nakaimbak na pintura ayon sa BFP.
29:51Challenge din po natin na may mga sumasabag din po na pintura sa loob
29:55and other liquids po.
29:57Tinanay po talaga namin na bumuga po ng AFFF yung foam po
30:03sa mga firetruck namin.
30:05Kaso po sa medyo lumawak na rin po kasi yung affected
30:09kaya hindi na po siya masyadong effective.
30:11Nag-cooling na lang po kami para hindi na po masyadong kumalat yung apoy.
30:15Umakyat na rin sa mga bubog ang ilang bombero para apulahin ang apoy.
30:19Aabot sa mahigit walumpong firetrucks ng BFP at fire volunteers ang rumispunde.
30:25Walang nasawi o nasaktan sa sunog ayon sa BFP.
30:28Ligas naman daw na nakalikas ang pamilyang may-ari ng warehouse.
30:32Gayun din ang ilang empleyado nito.
30:34Nasagip din ang ilang alagang hayop.
30:37Tumangging magbigay ng pahayag sa media ang may-ari ng nasunog na warehouse.
30:41Patuloy naman ang imbistigasyon ng BFP sa pinagmula ng apoy.
30:45Pati na ang halaga ng pinsalang dulot nito.
30:49EJ Gomez, nagbabalita para sa GMA News.
30:54Ito ang GMA Regional TV News.
30:59Patay matapos umanong makipagbarilan sa mga pulis ang isang lalaki sa General Santos City.
31:13Sa kabila ng babala ng mga residente, patuloy sa pamamarilang pulis na yan sa isang bahay sa barangay Labangal nitong
31:19Sabado.
31:20Target ang lalaking sinasabing tumakas matapos sa reklamong nagpapatok ng baril.
31:25Ayon sa General Santos City Police, naggalit daw ang lalaki dahil sa problema sa pamilya.
31:31Patay sa inkwentro ang lalaki.
31:33Nasawi rin ang isang babaeng 12 anyos matapos matamaan ng bala na pinaniwala ang nagmula sa baril na gamit ng
31:40suspect.
31:41Nananawagan ng hostisya ang pamilya niya at kinukwestiyon ang operasyon ng mga pulis sa gitna ng residential area.
31:48Sabi ng pulisya, iniimbestigahan nila kung may mga nalabag na safety protocols sa nasabing operasyon.
31:57Update sa nag-emergency landing ng aeroplano sa Iloilo International Airport.
32:01Sinabi po ng Philippine Airlines na nagkaroon ng pressurization indication ang masabing biyahe.
32:08Ayon sa PAL, galing dumagete Negros Oriental at papunta saanang Maynila ang aeroplano nitong linggo.
32:14Pero dahil daw sa pressurization indication, nag-emergency landing sa Iloilo alinsunod sa safety protocols.
32:22Batid daw ng PAL na naging mahirap ang karanasan ng mga sakay ng aeroplano.
32:27Nagbigay naman daw sila ng tulong sa mga pasahero at crew.
32:32Ipinatatawag ng Civil Aviation Authority of the Philippines ang mga piloto ng nasabing aeroplano para mag-report sa kanilang flight
32:39standards
32:40and inspectorate service bilang bahagi ng investigasyon.
32:44Patuloy ang pakikipag-ugnayan ng ka-app sa Philippine Airlines tungkol sa nangyari.
32:54Nagbigay ng tuneladang press dates ang Kingdom of Saudi Arabia sa Pilipinas.
33:00Handog po nila yan sa mga Muslim communities sa bansa.
33:04Balitang hatid ni Katrina Son.
33:08Ginanap ang isang ceremony para sa turnover ng press dates mula sa gobyerno ng Kingdom of Saudi Arabia at ng
33:15Saudi Embassy Chancery.
33:17Nasa 30 tonelada ng press dates ang mula sa Saudi Arabia.
33:22Ang press dates ay ibabahagi sa mga Muslim community ng ating bansa
33:26sa pamamagitan ng National Commission on Muslim Filipinos at Red Cross.
33:31This initiative reflect the Kingdom enduring a push to extend goodwill and solidarity to brotherly and friendly nations.
33:43Ang naturang dates ay ipapamahagi sana sa mga Muslim community dapat noong Ramadan.
33:49Nahuli lang daw ang shipment nito.
33:51Malaking tulong ang binibigay ng Kingdom of Saudi Arabia sa amin sa mga dates,
33:56especially mga during Ramadan na ano talaga, na gamit talaga na mga tao natin.
34:01Dito sa Manila binibigyan natin sa Quiapo, binibigyan natin sa Taguig, sa Quezo City.
34:06Marami tayong pinagbibigyan hanggang sa probinsya.
34:08So napakalaking bagay ito, lalo na sa panahon ng medyo hindi maganda, kulang ang pambili natin, mga kadagdag ito.
34:16Katrina Son, nagbabalita para sa Jimmy News.
34:26Iginate ni Iranian Parliament Speaker at Top Negotiator Speaker Muhammad Kalibaf na hindi sila makikipag-negosasyon kung patuloy na magbabanta
34:33ang Amerika.
34:35Sa isang expose, sinabi ni Kalibaf na hindi negosasyon ang gusto ni US President Donald Trump kundi pagsuko ng Iran.
34:41Nagahanda raw ang Iran habang umiira lang dalawang linggong ceasefire, pero hindi tinukoy kung ano ang mga ito.
34:47Sabi na isang Pakistani source ng Reuters na sa Merkoles magtatapos ang ceasefire.
34:52Isang opisyal naman ng Iran ang nagsabi sa Reuters na pinag-iisipan pa kung magpapadala sila ng mga negosyator sa
34:58Pakistan para makipag-usap sa Amerika.
35:01Para kay Iranian Foreign Minister Abbas Araqchi, malaking balakid sa negosasyon ang pag-aharang ng Amerika sa Strait of Hormuz.
35:08Wala pang bagong sagot ang Amerika.
35:11Nauna nang sinabi ni US President Trump na may nilatag silang nuclear deal sa negosasyon ng Amerika sa Iran.
35:17Mas maayos daw yan kesa sa Iran nuclear deal noong 2015 na sinangayunan ng Amerika, Iran at iba pang bansa.
35:24Sa naunang peace talks ng Amerika at Iran, kabilang ang nuclear program sa mga hindi napagkasunduan ng dalawang bansa.
35:32Balik po tayo sa mga balita sa bansa.
35:35Sa halit na makatulong, inire-reklamo ng ilang residente na lalo parang lumala ang baha dahil sa itinatayong pumping station
35:43sa barangay Talayan, Quezon City.
35:46Ang naturang pumping station kasama sa questionable umano ang flood control projects na pinaimbisigahan sa Office of the Ombudsman.
35:54Balitang hatid ni Bea Pinlak.
35:59Dalawang taon na ang nakalipas mula nang simulang itayo ang pumping station na ito sa Matalahib Creek, Talayan, Quezon City.
36:06Pero hindi pa rin ito tapos at hindi pa rin mapakinabangan.
36:11Imbis na maibsa ng pagbaha sa mga kalapit na barangay, daing ng mga residente, tila pinalala parao nito ang problema.
36:19Talagang pag nagbaha malalim talaga, lagpa sa tao.
36:23Dati, matagal bago dumating ang tubig sa kalsada.
36:27At saka hindi naabot yung silong namin.
36:30Ngayon, Diyos ko po, mga wala pang five minutes nasa bahay na namin.
36:35Itong bagyo, umabot ng almost third floor namin.
36:38Ayon sa Quezon City LGU, hindi dumaan sa tamang proseso ang pagpapatayo sa pumping station.
36:45Pinalagan din daw nila ito dahil hindi anila makatutulong sa problema sa baha ang disenyo ng istruktura.
36:52Nung nabuild itong structure na ito, una, wala pong pahintulot ng lungsod, wala pong certificate of coordination, wala rin pong
37:01kahit anong permit.
37:02Nung wala ito, less yung baha dito sa area na ito.
37:06Nung tinayo ito at hindi tinapos, lumaga yung baha.
37:13Ininspeksyon kahapon ng DPWH ang pumping station, kasama ang Quezon City LGU at mga kinitawan ng UP Project NOAA at
37:21private sector.
37:24Sinisimulan na ang mga hotbank para maayos ang pumping station, gaya ng pag-iba sa mga nakaharang na estruktura at
37:31dredging sa San Juan River.
37:32Ang mangyayari po dito, kapag tinanggal natin yan, mabubuksan yung Matalahib Creek at mapupunta yung tubig sa San Juan River
37:41para hindi masyadong nagbabaha doon sa talayan.
37:45Maglalagay din ng mobile pumps at retention basin sa mga piling lugar.
37:49Pero sabi ni DPWH Secretary Vince Dizon, baka sa susunod na taon pa ito maging fully operational.
37:56Yung pumping station, wala itong pondo ngayon. Kaya hindi matapos-tapos.
38:02So we will have to fund this for 2027 para by the end of 2027 or before the rainy season,
38:09hopefully, operational siya.
38:11Isang Matalahib Creek pumping station sa mga maanumaliang flood control project na isinumitin ang DPWH at ICI sa Office of
38:20the Ombudsman.
38:22Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA News.
38:26Labing isang sugatan matapos tumagilid ang sinasakyan nilang van sa Balamban, Cebu.
38:31Ayon sa pulisya, galing sa pilgrimage ang mga biktima at tinatahak ang pababang bahagi ng kalsada sa barangay Cansomoroy nang
38:38sila'y maaksidente.
38:40Hindi raw pamilya ng driver sa lugar.
38:42Sinakluluhan sila ng mga kasunod na motorista.
38:45Isinugod ang mga biktima sa Cebu Provincial Hospital.
38:48Dahil sa inyong mga kapuso, nangunguna pa rin ang GMA Network pagdating po sa total views sa telebisyon at sa
38:56YouTube.
38:57Ayon, ayan po ang binahagi ni GMA Network Chief Marketing Officer Lizelle G. Maralag sa YouTube Unstoppable 2026 Trade Event.
39:06Ayon kay Maralag ang GMA Network din, ang may higher average unique viewers na nanonood ng mas matagal.
39:14Base po yan sa 2025 at February 2026 data.
39:19Kumpara rin sa ibang markets sa Southeast Asia.
39:22Tanging sa Pilipinas daw na nanatiling malakas ang viewership sa YouTube ng mga TV content.
39:30Why is it?
39:32Why media companies?
39:34Because the behavior of online viewing relies on trust.
39:40And trust is what we have.
39:43Hindi po kami ang nag-score sa sarili namin.
39:47This was an international-based research company, Reuters,
39:51who accorded us this honor for the past five years.
39:56They gravitate towards platforms that they can trust and provide content that is relatable.
40:06Nagdulot ng makapal na usok ang malaking apoy na yan sa barangay Purokdos, Pavia, Iloilo.
40:11Ayon sa may-ari ng nasunog na bahay, napabayaang sinaing ng kanyang misis ang tinitinang dahilan ng apoy.
40:18Naaborin ang isang electronic repair shop.
40:21Partially damaged naman ang stall ng litsong manok at isang photo shop.
40:24Sa tayan ng Bureau of Fire Protection, mahigit 200,000 pesos ang danyos ng sunog.
40:32Ipatutupad na sa school year, 2026-2027, ang bagong three-term school calendar.
40:38Ayon po yan sa Department of Education.
40:41Mula June 8 na class opening hanggang June 11, gagawin ang mga paunang aktividad para sa Term 1.
40:48Sa June 15 ang simula ng regular na klase, natatagal hanggang September 15.
40:54Ang Term 2 mula September 16 hanggang December 18, 2026.
40:59Sa Enero naman ang simula ng Term 3 hanggang April 8, 2027 o end of the school year.
41:07Ayon sa DepEd po, pwede magpatupad ng three-term school year ang private schools,
41:11basta't sundin ang required number of school days.
41:14Sa panayam ng unang balita sa unang hirit, sinabi ni OIC Undersecretary for Learning Systems Tran,
41:21Dr. Carmela Orasion, na nire-organize ang school calendar para makatutok sa teaching and learning periods.
41:29Iginit niya rin na hindi tinanggal ang co-curricular at extracurricular activities.
41:37Iginitin yung word na focus, kasi kapag ang buro po ay nakaka-focus sa isang task lang,
41:43hindi hati yung attention niya.
41:46At the same time, for learners, iba po yung ang attention naman nila ay concentrated
41:52where it should be concentrated on a definite period of the school year.
42:00Ito ang GMA Regional TV News
42:06Nabangga ng jeep ang isang motorsiklo sa Sambuanga City.
42:09Ayon sa rider, nag-i-u-turn siya palayo para hindi mahuli sa LTO checkpoint sa Barangay Kalarian
42:14dahil student permit lang ang kanyang dala.
42:17Paliwanag naman ang driver ng jeep, biglang nag-u-turn ng rider kaya hindi niya naiwasan at nabangga.
42:23Walang tinumungsugat ang rider at walang nadamay sa insidente.
42:26I-pinaubayan na sa LTO o ng LTO sa pulisya ang insidente.
42:31Nagkasundo na ang magkabilang panig.
42:33Ayon sa LTO, kailangan may kasamang lisensyadong driver na nagsisilbing instructor
42:38ang sino mang nagmamaneho gamit ang student permit.
42:44Sa iba pang balita, nag-hain ng counter affidavit ang magkapatid na senador na sina Mark at Camille Villar
42:51kaugnay po sa mga reklamo ng Securities and Exchange Commission sa kumpanya ng kanilang pamilya.
42:57Balitang hatid ni Sandra Aguinaldo.
43:03Dumating sa Department of Justice ang magkapatid at kapwa senador na sina Mark at Camille Villar
43:09para panumpaan ang kanilang counter affidavit.
43:12Sagot nila ito sa reklamong isinampa ng Securities and Exchange Commission o SEC
43:18laban sa pamilya Villar at mga opisyal ng Villar Land Holdings Corporation.
43:23Then sa umano yung market manipulation, insider trading at umano yung misleading disclosure
43:28na naging dahilan daw para maligaw-umano ang mga investor.
43:32Ang magkakapatid na Villar ay tumatay yung directors of the board ng kumpanya.
43:37Para po sa Villar Land Holdings Corp at yung mga individual na directors at officers,
43:43we maintain that they did not commit any wrongdoing.
43:50Ayon sa abogado ni Senador Mark Villar, kampante itong walang basihan na kakusasyon.
43:56He denies any wrongdoing. All actions were made in good faith and to ensure transparency.
44:03There is absolutely no evidence of fraud.
44:06Hindi naman dumalo ang kanilang mga magulang na sina dating Senate President Manuel Villar
44:11at dating Senadora Cynthia Villar.
44:13Pero nag-file sila ng verified manifestation and motion imbis na counter-affidavit.
44:19Kanila raw hiling madismiss ang reklamo.
44:22Yun po ang aming panalangin, yun po ang aming hinahangad,
44:27na sana po sa dulo ay mapanigan kami ng panel at madismiss po yung kaso laban sa kanila.
44:36Nangako naman ng patas na investigasyon ang DOJ.
44:40We are always fair to everyone.
44:44Wala pong nagdidikta sa amin.
44:46Kung anong tama, tama.
44:47Kung anong mali, mali.
44:49Kung may masasaktan, wala kami magagap.
44:51But we just have to do our job.
44:53Sandra Aguinaldo, nagbabalita para sa GMA News.
45:06Now showing pa rin sa mga sinihan ang horror film na huwag kang titingin.
45:10Ang ilang cast members nito dumalo sa block screenings.
45:14Si Sophia Pablo nasa screening sa Quezon City.
45:17Sina The Secrets of Hotel 88 Stars naman.
45:20Na si Nakira Ballinger at Josh Ford o Kish, nagpunta sa Mandaluyong.
45:25Natutuwa na kami marinig yung mga reactions ng mga fans.
45:29Hindi makasin mo support sa amin.
45:30Super happy ka na may mababasa po ako ng mga good reviews.
45:33Spotted din si Born to Shine actor Michael Sager sa dalawang magkahiwalay na screening sa Quezon City.
45:38Kung saan, nakameet and greet niya ang fans.
45:42Present din sa hiwalay na block screening,
45:45Sina Marco Massa at Charlie Fleming.
45:48Si Shuvie at Rata naman.
45:50Bukod sa screening, nakabonding ang fans sa iba pang activity.
45:54Bilang bahagi ng first anniversary celebration ng pangkat Shuvie,
45:58nagdao sila ng tree planting activity sa pinangon ng Rizal.
46:02Kasama si Shuvie, sama-sama silang nagtanim ng seedlings.
46:06It's really a blessing to have a fandom like this po.
46:09Kasi sobra pong hindi ako makapaniwala na my fans can really create change.
46:15Not just to support me but actually change the world.
46:19Thankful ang Sparkle P-Pop Boy Group na Cloud7 sa blessings na natatanggap nila.
46:25I-dinidedicate nila ang lahat ng ito.
46:27Sa kanilang fans, ang rainbows.
46:30Bukod sa music scene, ready na rin silang umarte on screen.
46:34We've done workshops na rin naman po, acting workshops at GMA Sparkle.
46:38So, if given the opportunity po to act, syempre lahat naman po kami, we're very open po to accepting it
46:43po.
46:44So, yeah, sana soon.
46:45Magustuin po namin na lahat kami magkakasama sa isang teleseryo.
46:49Habang si Miguel naman.
46:50Super happy ko po na yung si Kuya David po yung nakasama ko po ulit.
46:55And parang new, parang kumbaga role po sa akin na i-act.
47:02Nelson Canlas, nagbabalita para sa GMA News.
47:13Mainit na balita, dalawang OFW ang nasawi sa isang hostage incident sa Beirut, Lebanon.
47:18Ayon sa Department of Migrant Workers, employer nila ang mismong pumatay sa mga biktima noong April 15.
47:23Parehas na long-time household service workers ang mga biktima.
47:27Arestado na ng pulis siya ang employer.
47:36Bida natin ngayong Martes, ang pamilyang No One Gets Left Behind, ang moto.
47:41Eh sa halip kasi ng solohay ng kanilang summer getaway sa Nasugbu, Batangas,
47:45join ang kanilang mga alagang aso.
47:49Ni Jamolo Family, biro ni You, Super Jenny.
47:53Nag-alaga sila ng walong aso para magbantay ng bahay.
47:56Pero ang ending, isinaman nila ang fur babies dahil wala silang bantay.
48:01Mukhang enjoy sa beach, sand, and waves ang kanilang adorable aspens
48:04na si Nigel, Ceci, Vilma, Pinky, Top Top, Giting, Lusing, at Karing.
48:10Ayan, hinangaan naman ang ilang netizens ang responsapleng pag-aalaga ng pamilya sa kanilang fur babies.
48:17Ang kanilang unforgettable bonding experience sa beach may almost 200,000 views na online.
48:24Trending!
48:25Dapat naman talaga kasi part of the family.
48:28Cute to.
48:29At yan pong may init na balita ngayong tanghali.
48:32Ako po si Connie Sison.
48:33Rafi Tima po.
48:34Ito po, ang GMA News.
48:35Walang kinikilingan, walang pinoprotektahan.
48:38Noon at ngayon, servisyong totoo.
48:43Muzika.
Comments