00:00...mga manggagawa ang nagsisilbing haligi ng ating lipunan at patuloy na nagbibigay buhay sa ating ekonomiya sa araw-araw.
00:08Kaya ating puntunghayan ang kanilang sipag at sakripisyo.
00:12Panorin po natin ito.
00:15Tuwing Ikauno ng Mayo, ginugunita ang Araw ng Paggawa o Labor Day
00:21bilang pagkilala sa sipag at ambag ng mga manggagawa sa buong mundo.
00:26Sa Pilipinas, una itong ipinagdiwang noong May 1, 1903 sa pangungunan ng Union Obrera Democrática de Filipinas.
00:34Layunin itong isulong ang mas maayos na working conditions at makatarungang sahod.
00:40Ngunit higit pa sa kasaysayan, ang araw na ito ay para sa mga taong patuloy na bumubuhay sa ating lipunan.
00:48Para sa mga magsasaka at nangingisda, mga haligin ang ating food supply na walang sawang nagsusumikap upang may pagtain ang
00:57bawat hapag.
00:59Mga overseas Filipino workers na patuloy na nagsisikap sa ibang bansa para sa kanilang pamilya.
01:05Para sa mga pulis at iba pang frontliners na nagbabantay sa kaligtasan ng komunidad.
01:11Sa mga tindero at tindera sa kanto na araw-araw nating kasama sa simpleng takbo ng buhay.
01:19Pati na rin sa mga manggagawa sa media na nagbibigay buhay sa mga kwentong ating napapanood at napapakinggan.
01:28Sa bawat sektor, sa bawat trabaho, may manggagawang Pilipino na patuloy na nagsusumikap.
01:35Kaya naman ang araw ng paggawa ay hindi lang basta holiday.
01:40Isa itong araw ng pagkilala at paggalang sa bawat pawis at sakripisyong iniaalay para sa kinabukasan ng bayan.
01:50Ngayong araw, pakinggan natin ang kanilang mga kwento.
01:55Unawain ang kanilang pinagdaraanan.
01:58Dahil sa huli, ang lakas ng bansa ay nagmumula sa lakas ng kanyang mga manggagawa.
02:05Saludo kami sa inyong sipag, tiyaga at dedikasyon.
02:10Mabuhay ang lahat ng manggagawang Pilipino.
Comments