00:00Muling nakapagtala ang Philippine Institute of Volcanology and Seismology
00:04ng pagtaas ng aktibidad ng Bulkan Kanlaon ngayong araw.
00:10Nakataas sa Alert Level 2 ang bulkan na may higit 30 volcanic earthquakes,
00:16kabilang na ang 5 volcanic tremors, na nagtatagal ng 2 hanggang 10 minuto ang haba.
00:22Kahapon, higit 1,000 sulfur dioxide flocks ang namataan sa bulkan
00:27na may malakas na pagsingaw o plume.
00:30Samantala, mahigpit pa rin ipinagbabawal ng otoridad
00:33ang pagpasok sa 4 km permanent danger zone
00:37at pagpapalipad ng anumang aircraft malapit sa tuktok ng bulkan.
Comments