00:00Aabot na sa higit 190,000 ng mga trabaho ang iaalok ng Department of Labor and Employment
00:08sa pagdaraos ng Nationwide Labor Day Job Fairs bukas.
00:13At hindi lang trabaho ang dapat ninyong asahan, kundi maging iba't ibang servisyo ng gobyerno.
00:19Si J.M. Thompson sa Sentro ng Balita.
00:25Magkakaroon ng Nationwide Job Fair sa pagdiriwang ng 124th Labor Day bukas
00:30bilang bahagi ng selegrasyon sa pangunan ng Department of Labor and Employment o DOLE.
00:35Mayroong tinatayang siyam na pong job fair sites sa iba't ibang bahagi ng bansa sa halos lahat ng probinsya.
00:42Nasa 2,274 ang participating employers kung saan may iba't ibang oportunidad at hanap buhay para sa ating mga kababayan.
00:50Ayon sa DOLE, higit sa 190,000 na job vacancies ang available sa gaganaping Nationwide Job Fair.
00:59Kabilang dito ang manufacturing, wholesale at retail, business process outsourcing, construction, accommodations at food services.
01:08Pasisinayaan na rin ang pagbubukas ng oportunidad sa mga government agency positions.
01:13Katuwang ang Civil Service Commission bilang bahagi ng layuni ng aktibidad na mabigyan ng mas maraming pagpipilian ng ating mga
01:21kababayan para sa desenteng hanap buhay.
01:23Bukas ang job fair sa lahat ng ating mga kababayan, kabilang ang mga senior high school graduates, four peace members
01:30at OFWs.
01:32Basta't siguraduhin dala ang updated resume at mga supporting document gaya ng ID.
01:38Magkakaroon din ang one-stop shop kung saan may mga booth ng PNP, NBI, PSA, SSS, PhilHealth at pag-ibig
01:47para sa mas mabilis na proseso sa mga naghahanap ng trabaho.
01:51Ayon sa Department of Labor and Employment, prioridad ng ahensya ang ating mga kababayan na naghahanap ng trabaho, kaya naman
01:59maayos ang kanilang piniling mga job fair locations.
02:02Ang ating pong hiniling sa ating mga partners kung saan tayo makakapag-implementa ng ating mga job fairs, job activities
02:15at all activities ay sana po as much as possible sa isang lugar na malamig.
02:21Kaya ang ating partnership with some malls, yan po ay ating in-implementa. At karamihan po ng ating mga job
02:30fair sites ay sa mga malls or sa air-conditioned.
02:33Kaugnay rito, mayroon ding aasahang payout sa mga bahagi ng social protection programs tulad ng TUPAD at DILP na may
02:41127,000 workers na mabibigyan ng assistance at may 1.1 billion na budget para dito.
02:49Samantala, dahil Labor Day bukas, inaasahan ng ahensya ang muling sigaw ng ating mga kababayan sa pagtaas ng sahod ng
02:57mga minimum wage earner at ang tugon dito ng dole.
03:01Yan po ay sigurado ang pag-aaralan. At nandyan naman po ang employer sector. So atin pong binibigay sa kanila
03:11yung pagkakataon na mapag-usapan to within the board, within the composition.
03:16Nevertheless, meron po tayo kasi mga public concentrations and public hearings. So yan, mas malawak po yung mga representante ng
03:25mga namumuhunan na not necessarily nandun sa board,
03:29ay maaari po maglabas ng kanilang saluobin o sentiments kung kaya ba nila ito o hindi.
03:36J.M. Thompson para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments