00:00Iginiit ng kampo ni Vice President Sara Duterte na labag sa konstitusyon
00:04ang naging takbo ng impeachment proceedings sa House Justice Committee.
00:08Yan ay matapos makapag-desisyon ng kumite na may probable cause
00:11ang dalawang reklamo laban sa vice.
00:13Narito ang aking report.
00:16For those who are voting in favor of the existence of probable cause
00:23in the Sabalia complaint, please raise your right hand.
00:30Unanimous ang desisyon ng 53 miyembro ng House Committee on Justice
00:35sa dalawang impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
00:50Bago magbutuhan ng kumite, iminungkahin ng ilang kongresista
00:53na ipagpaliban muna ang pagboto at bigyan ng vice presidente
00:57ng isa pang hearing day para sagutin ng mga reklamo.
01:00Hindi po ba medyo mabilis ang pagboto natin?
01:03I think it would be prudent for us in the interest of fairness
01:08to extend by one additional hearing date.
01:12Hindi po ito, Madam Chair, para pabain ang ating proseso.
01:16I would tend to agree with our colleague, out of abundant caution as we keep saying,
01:20that we should afford the vice president more chances.
01:22Bagay na pinalaga ng ilan pang-membro ng kumite.
01:25Ito na ho ang pang-anim na pagdinig.
01:27Sapat na ang ebidensya.
01:29We have given so many chances, pero wale.
01:33Consistently absent siya talaga.
01:35Ginogost niya tayo pa ulit-ulit.
01:38Agree na po ako pagdating dito sa pagboboto natin as far as probable cause.
01:44Nakita na natin lahat.
01:46Sa huli, iniatras ang mungkahi na magbibigay pa ng palugit sa vice presidente.
01:50Sabi ng dalawang endorser ng Sabalia at Cabrera impeachment complaint,
01:53higit pa sa probable cause o sapat na batayan ang kanilang nakita
01:57para ituloy sa pagliliti sa mga reklamo laban sa vice.
02:00From the misuse and abuse of confidential funds, bribery of debt-ed officials,
02:05to the alarming pattern of amassing unexplained wealth,
02:09to the gravity of threats and seditious incitement that strike at the very heart of our constitutional order,
02:17ito po ay klaro, there exists probable cause to impeach the vice president.
02:24Walang duda.
02:24Higit pa sa probable cause ang ating nakita sa...
02:29Madam Chair, may sapat na usok na tayo para patunayang may sunog,
02:37may malakas na probable cause upang impeach si Sara Duterte.
02:43Hindi ito phishing expedition.
02:47Inaproobahan din ang mosyon na i-consolidate o pag-isahin ang dalawang impeachment complaint.
02:52Culpable violation of the constitution, betrayal of public trust, bribery, graft and corruption and other high crimes
02:58ang grounds for impeachment na nakalatag sa dalawang impeachment complaints.
03:01Kaug na ito ng hindi umano may paliwanag dayaman ng vice presidente,
03:05ang hindi umano tamang deklarasyon sa kanyang sal-end,
03:08ang maanumalyo umanong paggamit ng confidential funds,
03:11pati na ang mga pag-ubanta umano niya sa buhay ni Pangulong Bongbong Marcos,
03:15First Lady Lisa Araneta Marcos at dating House Speaker Martin Romualdez.
03:20Iniutos ni House Justice Committee Chairperson Jervil Luistro ang paghahanda ng committee report.
03:26Nakataktang aprobahan ng committee ang naturang report sa susunod nilang pagdilig sa May 4.
03:31Ipadadala ito sa plenaryo sa lahat ng membro ng Kamara at maging kay Vice President Duterte.
03:37May kalakip na resolusyon ng committee report na pagbabotohan ng plenaryo.
03:41Kailangang aprobahan ng resolusyon sa botong one-third ng lahat ng membro ng Kamara
03:45o hindi bababa sa 106 na kongresista para ma-impeach si Duterte ng Kamara
03:50at ma-transmit ang Articles of Impeachment sa Senado na magsisilbi namang impeachment court.
03:55Ang defense team ni Vice President Duterte sinasabing inaasahan na ang resulta ng butohan.
04:01Nanindigan silang taliwas sa disenyo ng konstitusyon ang itinakbo ng proceedings.
04:05Sa halip na ilimita ang pagtalakay sa mga verified complaint at kanilang mga attachment,
04:08pinalawak ang proseso sa mga usaping nararapat talakayin sa ganap na paglilitis.
04:13Gaya ng mga naonang pagdinig, hindi humarap ang Vice Presidente sa Justice Committee.
04:18Ayon sa Office of the Vice President, nagtungo ang Vice President tungkol sa mga Vice President ng Pilipinas sa Laguna.
04:24Aligasyon naman ng kanyang kapatid na si Davao City First District Representative Paolo Duterte,
04:28may tumatawag sa mga chief of staff ng mga kongresista para bumotok pabor sa impeachment kung ayaw nilang mawala ng
04:35budget ang kanilang distrito.
04:37Kung kumpiyansaan niya ang liderato sa mga reklamo laban sa Vice, dapat hayaan ng ebidensyang magsalita.
04:43Hinihingan pa namin ng reaksyon dito ang House Committee on Justice.
04:47Rafi Tima nagbabalita para sa GMA News.
04:53Rafi Tima nagbabalita para sa GMA News.