00:00Hinold up ng armadong lalaki na nagpanggap ng customer ang isang tindahan ng tsokolate sa Maynila.
00:05Natangay ng suspect ang dalawang cellphone at 16,000 piso.
00:09Saksi si Jamie Santos.
00:13Sa loob lamang ng ilang minuto, na-uwi sa matinding takot at trauma
00:18ang inakalang normal na araw ng dalawang empleyado ng isang tsokolate store sa Santa Cruz, Maynila.
00:23Matapos silang hold up in ng isang armadong lalaki.
00:27Sa kuha ng CCTV ng tindahan, hapon itong April 23,
00:31makikitang pumasok ang suspect na nakasuot ng puting jacket at nakahelnet.
00:36Batay sa salaysay ng isa sa staff ng tindahan,
00:39nagkunwari pang bibili ang lalaki at nagtanong ng presyo ng mga tsokolating nakadisplay.
00:44Kaya't hindi sila agad naghinala at inakalang isa lamang siyang karaniwang customer.
00:49Pagpasok niya po ng store, umikot pa po siya eh.
00:53Tapos bumalik po para magtanong po ng tsokolate.
00:55Sinagot ko naman po siya. Eh doon pa lang po, nakutuban ko na po siya.
00:59Kaya ko po binaba yung cellphone ko.
01:02Ngunit makalipas lamang ang ilang segundo, bigla na itong bumunot ng baril at nagdeklara ng hold up.
01:15Nagulantang ang dalawang babaeng staff at sa takot ay agad na sumunod sa utos ng suspect.
01:20Parang may binunot siya. Ano yung binunot?
01:22Baril po yun. Tapos sa kanya po, pinakita niya po talaga sa amin na ano, na totoo.
01:29Pinapaupo niya na po kami upo, daw po kami upo.
01:32Tapos nasan daw po yung mga cellphone, yung cellphone po.
01:35Eh binigay ko na po yung sakin agad.
01:38Tapos yun, tinanong niya po yung kaha namin, ganyan.
01:41Inopen ko na po. Binigay ko na po lahat sa kanya nung laman ng kaha namin.
01:45Ibinigay ng isa ang kanyang cellphone, habang isa-isang tinangay ng lalaki ang laman ng cash register na tinatayang aabot
01:53sa 16,000 piso.
01:55Hindi pa roon nagtapos ang krimen dahil kinuha rin ang suspect ang isa pang cellphone bago tumalikod.
02:01Ngunit bumalik pa ito upang tiyaking wala nang maiiwang makukuha.
02:05Ayon pa sa mga biktima, mabilis ang mga pangyayari at wala silang nagawa kundi sumunod para na rin sa kanilang
02:11kaligtasan.
02:12Matapos ang insidente, agad na nagtago sa comfort room ang dalawang babae kung saan sila humagulgol sa takot at shock
02:19na kanilang naranasan.
02:21Kinabukas nagtungo ang mga biktima sa presinto upang magsampan ang reklamo.
02:25Sana mahuli na siya kuya kasi sana makonsensya ka sa ginawa mo sa amin. May pamilya ka din naman siguro.
02:32Kuya, lumaban ka ng patas.
02:34Sa isinagawang backtracking ng CCTV, natukoy ng polisya na may kasabot ang suspect na naghihintay sa isang motorsiklo na walang
02:42plaka.
02:43Ayon sa MPD, tukoy na ang pagkakakilanlan ng mga suspect at patuloy ang kanilang pagtugis.
02:49Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi!
02:51Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi!
Comments