00:00Mayroon na nasunog mga guys!
00:05Nabalot po na makapal na usok ang bankang yang na nasunog malapit sa Pampang
00:09na isang resort sa Valle Hermoso, Negros Oriental.
00:13As a Coast Guard, nirentahan ng mga turista ang banka para sa pamamasyal.
00:17Pero habang pabalik sa resort, biglang umusok ang spark plug ng banka.
00:22Ligtas ang operator ng banka at sampung turista.
00:26Patuloy ang investigasyon.
00:32Bago sa saksi, patay na po ang dalawang sakay ng kotseng pinagbabaril
00:37ng mga nakamotorsiklong salarin sa Timog Avenue sa Quezon City.
00:40At kabilang po dito ang 51 taong gulang na driver at 75 taong gulang nakasama niya.
00:47Saksi, si Emil Sumangin.
00:51Pasado alas 3 ng hapon, malapit sa kanto ng Timog Avenue at Edsa sa Quezon City.
00:55Nang mahuli ka mga aktwal na paumaril ng demotorsiklong salarin,
01:00sa mga sakay ng puting kotse.
01:01Sa video, makikita bumaba ang gunman sa motorsiklo,
01:05saka pinagbabaril ang mga target na sakay ng kotse.
01:07Mabilis na sumakay ang gunman sa motorsiklo,
01:10saka pinaharulot pa Edsa ng driver na kasabot niya.
01:17Ilang minuto ang lumipas, dumating na ang aming kameraman sa crime scene
01:21at ito na ang tagpo na kanyang nakunan.
01:25Tadtad ng tama ng mga bala ang salamin at katawan ng kotse.
01:28Ang dalawang sakay, kapwa duguan,
01:31ang sinasabing driver ng kotse,
01:33nakalabas at tumumba malapit sa Center Island.
01:36Naiwan ang isa sa passenger seat
01:37at inabutan pa namin inilalabas ng kotse
01:40ng mga responding traffic enforcer at mga pulis.
01:44Ang pasahero, bagamat duguan, may malay pa rin.
01:46Para yung lalaki,
01:49hindi pa namin may establish kung ano ang relationship ng dalawa.
01:52May labing dalawang bullet hole sa windshield,
01:56saka sa both side ng passenger, saka ng driver's seat.
02:01Ilang saglit pa'y dumating na ang mga ambulansya
02:04na siyang nagsugod sa kanila sa East Avenue Medical Center.
02:08Nagkalat ang mga basyon ng bala pati magazine sa crime scene.
02:11Isinara ang bahaging ito ng Team Gavin News at Trapiko
02:14habang nag-iimbestiga ang mga pulis.
02:17Ayon sa Quezon City Police District,
02:19bumuuna sila ng Special Investigation Team
02:21para siyasati ng paumarin.
02:23Iri-review nila ang mga kuha ng CCTV.
02:26Kukunin nila ang pangayag ng mga saksi
02:27para makatulong sa investigasyon
02:29inaalam na rin ang pagkakakilala ng mga salarin.
02:33Gayun din ang motibo sa krimen.
02:35Ang gawin nga inyong back tracking at forward tracking
02:38at 100% of operation.
02:39May inyong nalaman na dami po ba?
02:40Wala po tayong nalaman o napagalaman
02:45na may mga nalaman na mga bystander
02:47o may mga tinamaan na likaw na bala.
02:49Ako si Emil Sumangil, ang inyong saksi.
02:53Isa pa ang bago sa saksi,
02:54sumiklab ang sunog sa isang residential area
02:56sa Sampalak, Maynila ngayong gabi.
02:58Ayon sa Manila Fire Department,
03:00pasado las 9 ng gabi
03:01na magsimula ang sunog.
03:03Makalipas ang ilang minuto,
03:05iniyakyat ito sa unang alama.
03:07Inaapola ang sunog matapos ang halos isang pagkas.
03:10Inaalam pa ang pinagmula na apoy
03:12at ang halaga ng pinsada sa ari-ari.
03:16I-dineklarang bumbilya pero droga pala ang lamang.
03:20Halos 250 milyong pisong halaga ng shabu
03:23ang nabisto ng Dierf Customs
03:24na itinago sa mga LED light.
03:26Galing pong Mexico ang kontrabando
03:28na sinasabing pinakamalaking halaga ng droga
03:31na nasabat sa naia.
03:33Saksi, si Marisol Abdurama.
03:39Aakalain niyong isang LED light lang ang mga ito.
03:42Pero nang buksan,
03:43tumambad ang mga plastik na naglalaman ng shabu.
03:46Ang sampung kahon na yan,
03:48nagmula pa sa Mexico
03:49at dineklarang naglalaman ng mga LED light.
03:52Sa pamamagitan ng ating mga x-ray machines,
03:56hindi talaga makakalusot.
03:58Ito ay shabu na nanggaling sa bansang Mexico.
04:01Kinukonsider natin na high-risk country.
04:06Sandaan at 80 bumbilya ang nakita ng shabu
04:09na nagkakahalaga ng halos 250 milyong piso.
04:13April 14 daw dumating sa bansa
04:15ang nasabing kargamento galing Mexico
04:17na itinuturing ng BOC na high-risk source.
04:20Sa Valenzuela City ang disinasyon nito
04:23base sa nakasulat na adres sa consignee.
04:26Ayon sa customs,
04:28ito ang pinakamalaking huli nila sa naiyak.
04:30Ito rin ang unang pagtatangka
04:32na ginito yung sistema ng pagtatago
04:35ng shabu o illegal drugs
04:37sa loob ng ilaw.
04:40Sa ngayon, patuloy ang embisigasyon
04:42para matukoy ang mga sangkot.
04:44It's a subject of further investigation
04:46with the intent of eventually
04:48magpafile pa rin po tayo ng kaso
04:50once we really find out
04:51kung sino po yung tumbok na itong delivery nito dapat.
04:54Mula nitong Enero,
04:55umabot na sa 3.2 billion pesos
04:57ang halaga ng mga nasamsamiligan na droga
04:59sa mahigit 200
05:01at 20 anti-drug operations
05:03and view of customs.
05:05Ako, si Marisol Abduraman,
05:07ang inyong saksi.
05:10Tatalakayan ko sa pagdinig ng Senado Bukas
05:12ang isyo tungkol sa mga sinisingil sa electric bill
05:14na hindi naman aktwal na kinukonsumo ng mga customer.
05:17At kasama po sa mga inimbitahan sa pagdinig
05:20ang Meralco at ang Energy Regulatory Commission.
05:22Saksi,
05:24si Maki Polido.
05:29Sobrang pagtitipid na
05:30ang ginagawa ni Ria
05:32sa paggamit ng kuryente
05:33kaya di niya maintindihan
05:35kung bakit nung Marso
05:36umabot pa rin ng mahigit
05:382,000 pesos
05:39ang electric bill niya.
05:40Minsan mapapatanong ka na lang
05:42sa sarili mo
05:43bakit ganito
05:44nagtipid ka nga
05:45pero parang wala din naman nangyari
05:47sa pagtitipid mo.
05:48Sa likod ng electric bill mo
05:50nakalista ang mga sinisingil
05:52dahil sa paggamit ng kuryente.
05:54Pero marami rito
05:55ayon sa Power for People Coalition
05:57hindi aktwal na kinukonsumo
05:59ang 12% VAT
06:01o Value Added Tax
06:02at Government Taxes
06:03na sinisingil ng gobyerno.
06:04Sa Meralco Bill ni Ria
06:06206.50 pesos
06:08ang binayaran niyang VAT
06:09218.86
06:11sa Government Taxes
06:1249.53 pesos
06:15sa Universal Charges
06:16Ito yung tulong nating lahat
06:18para maabot ng kuryente
06:19ang mga nasa malalayong lugar
06:20at mapangalagaan
06:22ang watershed.
06:231.56 pesos naman
06:25ang binabayaran niya
06:25sa Lifeline Subsidy
06:27o Subsidia
06:28para sa mga nasa
06:294-piece
06:29at qualified marginalized sector.
06:32Sinisingil din ng Meralco
06:33ang Systems Loss.
06:35Ito yung mga ninanakaw na kuryente
06:37at nawawalang kuryente
06:38habang dumadaloy sa kable.
06:40114.82 yan
06:42sa Bill ni Ria.
06:43Hindi yan responsibilidad
06:44ng mga electric consumers.
06:46Dapat yan
06:47yung mga nagninegosyo
06:49doon sa transmission,
06:51distribution,
06:52akuin na nila yun.
06:53Kaya kung suspindihin
06:54ang gobyerno
06:55ang mga buwis
06:56at akuin
06:57ang Universal Charges
06:58at Lifeline Subsidy
06:59at kung sagutin
07:00ng Meralco
07:01ang kanilang Systems Loss,
07:03halos 30%
07:04ang mababawa
07:05sa Meralco Bill
07:06ni Ria
07:06o katumbas
07:07na 591.27 pesos.
07:10Ang computation na yan
07:12ay batay sa konsumo
07:13ni Ria
07:13na 154 kilowatts
07:15kada buwan.
07:16Habang tumataas
07:17ang konsumo,
07:18tumataas din
07:19ang singil
07:19para sa mga ito.
07:21Hinihingi pa namin
07:22ang pahayag
07:22ng Department of Finance
07:23kaugnay ng panukalang
07:24suspindihin ang buwis
07:25at kung ano
07:26ang epekto nito
07:27sa revenue collection
07:28ng gobyerno.
07:29Dapat may equitable sharing
07:31ng burden ng crisis.
07:33Hindi pwedeng
07:34ang kumakarga
07:35ng krisis
07:36ay ang mga
07:37maihirap
07:38nating kababayan
07:39na nagtatrabaho.
07:41Gingit ng Meralco,
07:42lahat ng sinisingil nila
07:43ay aprobado
07:44ng Energy Regulatory Commission.
07:46Hindi naman daw
07:47napapatunayan
07:48ang mga aligasyon
07:48ng overcharging
07:49at hindi tumataas
07:51ang kanilang distribution tariff
07:52nitong nakalipas
07:53na sampung taon.
07:54Gayunpaman,
07:55masusi daw nilang
07:56nire-review
07:56ang kanilang rates
07:57para masigurong
07:58ito ay patas
07:59at makatwiran.
08:00Sa Meralco Bill,
08:01pinakamabigat
08:02ang generation charge
08:04na mahigit kalahati
08:05ng binabayaran.
08:06Ang karamihan
08:07na pinagkukuna
08:08ng Meralco ng kuryente
08:09ay mga plantang
08:10gumagamit
08:11ng inaangkat na coal
08:12at liquefied natural gas
08:14o LNG
08:14na nagmahal pa
08:16ng magagyera
08:16sa Middle East.
08:18Pass-through charges ito.
08:19Ibig sabihin,
08:20kung magkano ang bili
08:21ng generation companies,
08:23ipapasa ito sa atin.
08:25Dapat,
08:25ayon sa
08:26Power for People Coalition,
08:27ang kinokontrata
08:28ng Meralco
08:29ay murang kuryente
08:30tulad ng renewable energy
08:32para makamura
08:33ang consumers.
08:34Ang Meralco
08:35ang pumapasok
08:36sa kontrata.
08:37Dapat ini-insure niya
08:39nakalagay naman
08:40sa batas yun
08:41na dapat
08:41protektahan
08:42ang electric consumers.
08:43Sabi ng energy expert
08:44na si Atty.
08:45Jose Layug,
08:46kung renewable energy
08:47tulad ng solar
08:48ang source,
08:494.86 pesos
08:50per kilowatt hour
08:51lang ito,
08:52kumpara
08:53sa 6.20 pesos
08:54per kilowatt hour
08:55ng coal
08:56at 8.84 pesos
08:58per kilowatt hour
08:59ng LNG.
09:00Sa kwenta
09:01ng Power for People Coalition,
09:03kung renewable energy source
09:04ang ginagamit,
09:05nasa 440.44 pesos pa
09:09ang mababawa
09:10sa electric bill
09:11ni Ria.
09:11Kaya nga
09:12we have been advocating
09:13renewables
09:14kasi on the other hand,
09:15renewables naman fixed.
09:16Wala siyang ginagamit
09:17ng fuel.
09:18Wala ang binabayaran
09:19ang consumers
09:20ng fuel.
09:21Tugon dito ng Meralco,
09:22dumaraan daw
09:22sa competitive selection process
09:24ang pangungontrata nila
09:25ng kukuning kuryente
09:27sa isang bukas
09:28na pamamaraan
09:29at sinusunod nila
09:30ang least cost principle
09:31o yung pinakamurang
09:33mapagkukunan.
09:34Sinusuportahan din daw
09:35ng Meralco
09:36ang transition ng bansa
09:37sa mas malinis na enerhiya
09:38at bahagi na
09:40ng kanilang sinusupply
09:41ay renewable energy.
09:43Isang bahagi rin ng bill
09:44ang singil
09:45ng National Grid Corporation
09:46of the Philippines
09:47o NGCP
09:48para sa transmission charge
09:50o singil
09:51sa pagtulay ng kuryente
09:52mula sa planta
09:53hanggang sa distribution company
09:55tulad ng Meralco.
09:57Kamakailang,
09:57nagmahal din ito.
09:59Ayon sa Power for People Coalition,
10:01mahal ito
10:02dahil nangontrata
10:03ng ancillary
10:04o reservang kuryente
10:05ang NGCP
10:06mula sa mga plantang
10:08gumagamit ng diesel,
10:09bunker,
10:10at coal.
10:1177 pesos
10:12ang naidagdag nito
10:13sa electric bill nila.
10:14Naka-standby sila,
10:16reserve sila,
10:17at yung sources
10:19really is problematic.
10:21Why prefer
10:23yung mga yan
10:24instead of
10:26renewable energy sources?
10:28Hinihingan pa namin
10:29ng pahayag
10:29ang NGCP.
10:31Kung isasama pa
10:32ang mga dagdag
10:33na bawas na yan,
10:341,059 pesos lang
10:37ang Meralco bill
10:38ni Ria
10:38sa halip
10:39na
10:392,168.50.
10:43Meron ding sinisingil
10:44na Feed-in Tariff Allowance
10:45o Fit All
10:46at Green Energy Auction Allowance
10:48o GAYA All.
10:49Tulong daw
10:50sa mga mamumuhunan
10:51sa mga renewable energy source.
10:53Iba pa ang other charges
10:55na pwedeng gamitin
10:56sa bill deposit adjustment.
10:58Pero sabi ng ERC,
10:59sumusunod lang sila
11:00sa itinakda ng batas
11:01at mga pulisiya
11:03ng pamahalaan.
11:04Matagal na yan,
11:042001 pa yan.
11:06Ngayon,
11:07ay nagbago kasi
11:08ng proseso
11:10at kung sino
11:11yung mga entitled
11:13dito sa Meralco area,
11:15ang konsumo mo dapat
11:16ay hindi lalagpas
11:18ng 100 kilowatt hours
11:19para meron ka rin
11:21lifeline subsidy.
11:22Kaya nung 2021,
11:24sabi ng gobyerno,
11:25hindi,
11:25ang tulungan na lamang natin
11:26ay yung mga talagang
11:27kailangan ng tulong.
11:28Kaya na-identify po
11:30yung mga 4Ps
11:32at saka yung mga
11:33marginalized end users.
11:35Ako si Maki Pulido,
11:36ang inyong saksi.
11:39Ipinagutos ng Bureau of Internal Revenue
11:40na magsagawa ng tax audit
11:42kay Vice President Sara Duterte,
11:44kanyang asawang si
11:45Atty. Manasa Scalpio,
11:46at sa siyam nilang mga negosyo.
11:48Naglabas na po
11:49ang BIR
11:50ng mga letter of authority
11:51para isagawa ang mga tax audit.
11:53Ayon sa BIR,
11:54nakita nila
11:54na may probable cause
11:56para sa formal audit
11:57investigation
11:57sa mag-asawa.
11:59Inatasan na nila
12:00ang kanilang revenue officer
12:01na suriin ang books of accounts
12:03at iba pang accounting records
12:04na mag-asawa.
12:06Layon daw nito
12:07na makolekta
12:07ang mga tamang buwis
12:08para sa gobyerno.
12:10Tiniyak naman nilang
12:11igagalang
12:12ang karapatan
12:12ng mag-asawa.
12:13Susundin daw
12:14ang mga alituntunin
12:15ng kanilang
12:16Run After Tax Evaders
12:18or RATE program
12:19na pangunang
12:20ang programa ng BIR
12:21laban sa tax evasion
12:22at tax fraud.
12:24Sinusubukan pa
12:24ng JMA News
12:25na makuha ang panig
12:26ni Vice President Duterte
12:27at Atty. Carpio.
12:29Samatala,
12:30bukas na
12:31ang huling pagdinig
12:32ng House Committee on Justice
12:33sa mga impeachment complaint
12:35laban sa vice-presidente.
12:36At kay Committee Chairperson
12:38Jervil Luistro,
12:39posibleng mangyari na rin
12:40bukas ang potohan
12:41ng komite
12:42at kung may probable cause
12:44ang mga reklamo.
Comments