00:00Isang polis ang itinuturong protektor ng e-sabong operations na sinalakay sa Talisay, Negros Occidental.
00:07Ayon sa DILG, tauhan siya ng negosyanteng si Charlie Atong Ang.
00:12Wala pang pahayag ang nahuling polis.
00:14Balitang hatid ni June Veneration.
00:20Nang salakayin ng mga otoridad ang operasyon ng e-sabong sa Talisay, Negros Occidental noong April 22,
00:26tatlong po ang inaresto.
00:28Sabi itang isang polis major na naka-assign sa CIDG o Criminal Investigation and Detection Group
00:34dahil sa impormasyong siya umano ang protektor ng e-sabong.
00:38Kinilala ng Interior and Local Government Secretary John Vickery Mulya ang opisyal na si Polis Major Edgar Tonico.
00:46Yung polis major na protektor at yung alias Don Robert ay mga tao ni Atong Ang.
00:54Ang pangalan ng polis ay si Polis Major Edgar Tonico.
00:59Nagsasagawa na ng investigasyon at case build-up sa nahuling opisyal na naging provincial officer na rin ng CIDG sa
01:06Negros Island Region.
01:07Siya po ay relieved na po sa previous assignment. Dinala na po siya sa headquarters for investigation.
01:13Inaalam din ang CIDG kung may kinalaman ng negosyanteng si Atong Ang sa e-sabong operation sa Negros Occidental
01:20at ang mas naunang raid sa Tondo Maynila noong nakarang buwan.
01:23Dalawag po ang pinupuntahan ng investigations po ng CIDG.
01:28Yung possible link nga po ni Atong Ang sa nasabing operations at yung link naman ng nasabing police major kay
01:36Atong Ang bilang operator po niya sa nasabing e-sabong.
01:40Na-recover naman sa operasyon ang mga electronic device at napakaraming manok na panabong, buhay at patay.
01:46Meron po dyan na anim na laban sa loob ng isang oras.
01:51Doon po sa recovery ng Atong CIDG nakakuha po sila ng 300 na patay na manok.
01:57Wala pang pahayag ang mga nahuli sa operasyon sa Negros Occidental.
02:01June Veneration nagbabalita para sa GMA News.
02:05Sa isang pahayag, sinabi ng Philippine National Police na ipinagutos na ni PNP Chief Police General Jose Melencio Nartates Jr.
02:13ang mas malawak na intelligence monitoring at imbisigasyon para matukoy ang pagkakakilanlan ng mga polis na protektor o mano ng
02:21pagsusugal at iba pang iligal na aktibidad.
02:30Sa kabila ng rollback sa presyo ng diesel, tumaas po ang presyo ng ibinibentang lamang dagat sa bulungan market sa
02:36Paranaque.
02:37Ang dating 100 pesos kada kilong dalunggong, 150 pesos na ngayon.
02:4315 pesos naman ang itinaas sa presyo ng bangus na ngayon nasa 125 pesos per kilo na.
02:49May 10 pesos na pagtaas din sa kada kilo ng tilapia na mabibili ng 100 pesos ngayon.
02:56Habang 60 pesos ang itinaas sa presyo ng alimasag na ngayon 140 pesos na per kilo.
03:01Ayon sa ilang nagtitinda roon, kahit may rollback sa petrolyo, ay hindi kasi ganoon karami ang supply ng isda ngayon
03:09kaya tumaas ang presyo.
03:11Batay sa latest monitoring ng Department of Agriculture, nasa 140 hanggang 300 pesos ang kada kilo ng lokal galunggong sa
03:19NCR.
03:20175 hanggang 280 pesos per kilo ang bangus.
03:24At 140 hanggang 170 pesos ang kada kilo ng tilapia.
03:34May tatlong gintong medalya na ang Pilipinas sa 2026 Asian Beach Games sa Sanya, China.
03:41Nakuhan ni Filipina martial artist Ann Ramirez ang ginto sa Women's 57 Kilogram Division ng Jiu-Jitsu.
03:47Laban sa Filipina martial artist ding si Emily Rosaline Thomas.
03:51Dagdag yan sa gold medals na nakuhan ni na Filipina martial artist Alexandre Enriquez at Leonard Grospe sa Beach Athletics
03:58High Jump.
03:59Bukod sa tatlong gold medals, wagin rin ang Pilipinas ng dalawang silver at dalawang bronze.
04:06Good job!
04:09Naapula na ang halos 50% ng sunog sa Navotas Landfill ayon kay Department of Public Works and Highway Secretary
04:16Vince Dizon.
04:17Sinabi niya ni Dizon kasunod ng inspeksyon sa landfill kanina kasama si Environment Acting Secretary Mitch Kuna,
04:24ilang opisyal ng Navotas LGU, at si Japanese Ambassador to the Philippines, Endo Kazuya.
04:30Sabi ni Dizon, 90% ng 44 hectares na landfill ang nasunog.
04:36Wala pang maibigay na timeline ang DPWH kung kailan tuluyang maapula ang apoy.
04:41Magtatatlong linggo na pong nasusunog ang Navotas Sanitary Landfill.
04:45Sinabi naman ng DENR na nangako ang dating operator ng landfill na magsusumiti ito ng safe closure and rehabilitation plan.
04:56Ito na ang mabibilis na balita.
04:59Nasunog ang unang bahagi ng oil tanker na yan sa bahagi ng C-5 Road sa barangay Ugong Pasig,
05:05alauna ng madaling araw kanina.
05:07Ayon sa driver, papunta siya sa Batangas para magkarga ng fuel oil ng magliyabang tanker.
05:12Hinala niya, nagsimula ang apoy sa mga wire ng truck.
05:16Walang naitalang sugatan sa insidente.
05:18Patuloy ang imbestigasyon.
05:25Arestado ang lalaking yan na suspect sa pamamaril sa isang konsultant ng isang kumpanya sa Tagaytay, Calamba Road sa Laguna.
05:31Base sa imbestigasyon ng pulisya,
05:33nagmamaneho ng sasakyan ng biktima ng paulanan ng bala ng suspect nitong April 23.
05:38Dead on arrival sa ospital ang biktima sa dami ng tinamong bala.
05:42Natuntun ang suspect kinabukasan sa tulong ng GPS na nakakabit sa kotseng ginamit sa krimen na napagalamang inarkilalang.
05:50Nasa bat sa kanyang dalawang pakete ng umunay siyabu at dalawang magazine ng baril.
05:55Walang pahayag ang suspect na nahaharap sa reklamong murder at paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
06:02Tukoy na rin ang kasabot ng suspect at patuloy na tinutugis.
06:08Nakarating na sa destinasyon pero napurnada pa ang sana'y refreshing na outing ng magkakaibigan sa Puerto Princesa, Palawan.
06:16Nag-outfit check na at may baon pang pagkain ang tropa ni youth cooper Sherilyn Rivas.
06:23Pero pagdating nila sa pagliliguan sanang Irawan River, wala naman ang ilog.
06:28Natuyo na kasi ang tubig dahil sa matinding init.
06:31Ang ending, nag-picnic na lang sila sa tabi ng tuyot na ilog.
06:36Natutuyo at nagkabitak-bitak na rin po ang mga sakahan sa Milangco Tabato dahil sa sobrang tumal ng ulan.
06:44Hindi na nakaligtas ang mga binhi ng palay na itinanim.
06:48Kaya pangamba po ng mga magsasaka, hindi muna sila makapagtatanim lalot nagbabagdya pa ang El Niño.
06:55Malaki na rin po ang pinsala ng tumitinding tag-init sa mga palayan at maisan sa Usulan Sultan Kudarat.
07:02Bukod sa kulang na ulan, hindi na maasahan ang Alar River para mapagkuna ng tubig dahil natutuyot na rin ito.
07:11Dumidiskarte naman ang mga taga-baranggay bantud fabrika sa Dumangas, Iloilo para mapatubigan ang kanilang mga palayan.
07:19Meron daw irigasyon sa katabing barangay pero hindi daw abot sa kanilang mga palayan.
07:24Problemado sa kikitain ang mga magsasaka dahil sa malaking gastos nila sa diesel para sa mga motor.
07:36Work mode na sinasabayan ng leisure ang pek ni Capuso primetime action hero Ruro Madrid sa Spain.
07:44Sa kanyang recent photo sa social media, featured ang sightseeing ni Ruro sa Madrid.
07:49Enjoy sa views while staying active para sa isang project doon.
07:52Ang caption ni Ruro, in Madrid, Spain.
07:57Besties in Vietnam naman ang eksena ng Sparkle Stars na sila David Licaoco at Shuvie Etrata.
08:05As a photographer pa yan ng isa't isa nang bisitahin ng isang sikat na cafe sa Ho Chi Minh.
08:11Habang nasa Vietnam, maswerte pang na-meet ni na David at Shuvie ang Thai superstar na si Urasaya Yaya Sperbon.
08:21Si Yaya ang bumida sa ilang iconic La Corn series na ipinalabas din sa GMA Heart of Asia kabilang ang
08:28The Crown Princess at Switch.
08:36Sa init ng panahon, nakapagdagat na ba ang lahat?
08:40Kung hindi pa, naunahan na kayong mag-beat the heat ng dalawang pusa sa Lubobotangas.
08:46Alae, mahilig mag-vitamin C.
08:49Ayan o.
08:51Lagi na lang daw langoy aso ang nababanggit eh.
08:53Meron din namang swimming alaming ming.
08:56Gaya ng alagang sina Mashi at Aoki.
08:59Kwento nila Yus Cooper, Claudine at Rexy, certified beach babes ang dalawa nilang alaga.
09:06At kumpara sa ibang pusang takot sa tubig, mahilig daw maligo at lumangoy ang dalawa.
09:12Kaya sa first birthday ni Mashi, obvious choice na raw na dalin sila ni Aoki sa dagat.
09:17Ang video nila, mahigit 900,000 na ang views.
09:21Trending!
09:22Aba-aba, mga pusa.
09:24Nagpa sila ng beach na.
09:26Sana all.
09:26Tara na.
Comments