00:00Nagsampaan ng reklamong tax evasion ng Bureau of Internal Revenue o BIR sa Department of Justice
00:05laban kay dating Presidential Spokesperson Harry Roque at dalawang iba pa, kabilang ang kanyang asawa.
00:11May report si RR Tubisi.
00:17Kinasuan ng Bureau of Internal Revenue sa Department of Justice,
00:21si dating Presidential Spokesperson Harry Roque kasama ang kanyang asawa at isang associate
00:26kaugnay ng umunay paglabag sa tax loss.
00:29Ayon sa BIR, bigo si na Roque na mag-file ng mga kinakailangang tax returns at magbayad ng tamang buwis
00:36sa paglipat ng stock shares ng Biancham Holdings and Trading Incorporated.
00:41Aabot sa mahigit 3.3 milyon pesos ang mga hindi nabayarang buwis ni na Roque.
00:47Kinasuan sila ng mga kasong paglabag alinsunod sa National Internal Revenue Code.
00:52Mariin namang itinanggin ni Roque ang mga paratang at iginiit na ang mga kaso ay politically motivated umano.
00:58So, bahagi umano ito ng pananakot laban sa mga taga-support na ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
01:03Ayon pa sa kanya, walang naganap na aktwal na pag-issue ng shares,
01:07kaya walang kailangang buwisan.
01:09Kaya anya, wala silang nilabag na batas.
01:12Sinabi pa niya na haharapin nila ang mga paratang sa tamang proseso ng batas.
01:16RR Tubise para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.