00:00Hindi pa kailangan magdeklara ng State of National Emergency.
00:03Ito ang tiniyak ng Malacanang dahil kontrolado pa naman umano ang sitwasyon sa bansa.
00:08Ang detalye mula kay Jesse Atienza ng PTV Cebu.
00:14Pinawi ng palasyo ang pangamba ng publiko.
00:17In control of the situation, umano ang Pangulo.
00:20Sa gitna yan ang panawagan ng iilan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:25na magdeklara ng State of National Emergency at i-takeover ang oil industry sa bansa
00:31para tugunan ang kinakaharap na problema sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo,
00:36bunsod ng sigalot sa Middle East.
00:39Sa ngayon po ay wala pa po tayo sa ganung sitwasyon.
00:42Dahil ang pamahalaan po sa pamamagitan ng Department of Energy,
00:46sa pamumuno po ng Secretary Sharon Garin,
00:48ay nakakausap pa po ang mga oil companies,
00:53ang namumuno sa mga oil companies,
00:55at wala pa po tayong sa ganung sitwasyon.
00:58At ngayon po ay binabalangkas at gawin pong batas
01:01ang pagbibigay ng kapangiret sa Pangulo
01:04para mabawasan ang karagdagang buwis
01:07sa mga produktong krudo or fuel.
01:11Ang pakiusap lamang po natin sa ngayon,
01:13dahil nasa sitwasyon tayong ganito,
01:15Let us refrain from doing activities like fear-mongering.
01:23Mas nakakadagdag po ito ng takot sa ating mga kababayan,
01:27samantalang ang Pangulo po at ang gobyerno
01:30ay still under control,
01:32in control of the situation.
01:34So wala pa po tayo sa ganung sitwasyon.
01:36Inihayag ng palasyo na nakatakdang magbigay ng cash relief assistance
01:40ang pamalaan sa 261,000 na mga driver ng bus, jeep
01:45at maging sa motorcycle taxi sa Metro Manila.
01:48At pagkatapos ng Semana Santa,
01:50ay sisimula naman ang pagbibigay ng fuel subsidy
01:53sa labas ng Metro Manila.
01:55Ayon sa palasyo,
01:56inaayos na lang ang mga dokumento at records
01:58ng mga beneficiaries na fina-finalize ng DSWD,
02:02kaagapay ang DOTR at LTFRP.
02:05Sa huling linggo ng Marso,
02:08ilalabas din ang Department of Transportation
02:10sa pangunguna ni Sekretary Giovanni Lopez
02:13ang fuel subsidy.
02:16Ipagpapatuloy naman ang Department of Agriculture
02:18sa pamumuno ni Sekretary Francisco Tulaurel
02:22ang pamamahagi ng 3,000 pisong fuel subsidy
02:26para sa mga magsasaka.
02:28Sa Huwebes,
02:29mamamahagi rin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Sources
02:33ng 3,000 pisong fuel subsidy
02:36sa mga mangingisda.
02:38Ang layunin ng Pangulo,
02:40tiyakin na may sapat na supply
02:42ng pagkain ang sambayanang Pilipino.
02:45Batay sa estima,
02:47mayigit 26,000 na mga magsasaka at mangingisda
02:50ang makikinabang sa fuel subsidy.
02:53May karagdagang 2,000 piso naman
02:55para sa mga magsasaka at mangingisda
02:58mula sa Presidential Assistance
02:59for Farmers and Fisher Folks Program.
03:02Hinimok ng Pangulo ang mga LGU
03:04na tigilan muna ang paniningil
03:06ng pass-through fees
03:08sa mga produktong pang-agrikultura
03:10upang maiwasan ang pagtaas
03:12ng mga presyo na mga bilihin.
03:14Ayon sa palasyo,
03:15nananawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
03:18ng pakikipagtulungan ng taong bayan
03:21upang sabay na malampasan ang krisis
03:23na kinakaharap ng bansa sa ngayon.
03:26Nanawagan si Pangulong Marcos Jr.
03:28sa taong bayan
03:29na magkapit-bisig
03:31at makipagtulungan sa pamahalaan
03:33para malampasan
03:35ang epekto ng kaguluhan
03:37sa Middle East.
03:38Hindi ito ang panahon
03:41para maghilahan pababa.
03:43Hindi ito panahon
03:45ng paninira
03:46at lalong hindi ito panahon
03:49ng pamumulitika.
03:51Sama-sama nating isusulong
03:54ang kapakanan ng bansa
03:55at ng taong bayan
03:57bago ang sarili.
03:58Mula sa PTV Sabu,
04:00Jesse Atienza
04:01para sa Pambansang TV
04:02sa Bagong Pilipinas.
Comments