00:00Today, the judges of Pre-Trial Chamber 1 of the International Criminal Court unanimously confirmed all the charges against Rodrigo
00:09Roa Duterte and committed him to trial before trial chamber.
00:14Nakatakda ng sumailalim sa paglilitis si dating Pangulong Rodrigo Duterte sa International Criminal Court o ICC.
00:22Kasunod ito ng pagkumpirma ng Korte sa mga kasong crimes against humanity of murder and attempted murder laban sa kanya.
00:30Ano-ano nga ba ang parusa ng ICC sa mga mahatulang guilty para sa crimes against humanity?
00:38Alinsunod sa Article 77 ng Rome Statute, ang mga guilty sa kasong crimes against humanity, genocide, war crimes at crime
00:47of aggression
00:48ay maaaring patawan ng pagkakakulong na hindi lalagpas sa 30 taon.
00:53Bagaman hindi karaniwan sa kasaysayan ng ICC, pwede rin itong magpataw ng habang buhay na pagkakakulong
01:00kung ito ay makatwiran base sa bigat ng krimen at sitwasyon ng convicted.
01:05Pero sang-ayon sa International Human Rights, hindi nagpapataw ng death penalty ang ICC.
01:12Bukod sa pagkakakulong, maaaring ring magpataw ang ICC ng multa na nakabatay sa pamantayan ng korte.
01:20Maaaring ring kumpiskahin ang ari-arian ng convicted kung mapatunayan na galing ang mga ito sa paggawa ng krimen.
01:28Samantala, kahit sa The Hague, Netherlands, isinasagawa ang pagdinig ng mga kaso,
01:34hindi rito ikukulong ang mga nahatulang nagkasala ayon sa Article 103 ng Rome Statute.
01:40Sa halip, magsisilbi ng sentensya ang convicted sa isang state party na itinilaga ng ICC
01:47mula sa listahan ng mga bansang sumang-ayon sa bilateral agreement para tumanggap ng kustudiya ng mga taong nahatulan.
01:55Kabilang sa mga bansang ito ang Belgium, Norway, Spain at United Kingdom.
02:01Hindi kabilang dito ang Pilipinas dahil sa pagkalas nito mula sa ICC.
02:07Sa oras na mahatulang guilty, bahagi ng proseso ng ICC ang reparations o ang pagbabayad ng pinsala sa mga naging
02:16biktima ng krimen.
02:18Maaari itong matanggap ng mga biktima bilang individual o grupo depende sa kung ano ang angkop sa kanilang sitwasyon.
02:25Batay sa Rome Statute, ang convicted ang siyang dapat umako sa pagbabayad ng danyos.
02:32Pero sa maraming kaso, dahil sa lawak ng krimen, walang kakayahan ang nahatulan na bayaran ang malaking bilang ng mga
02:39biktima.
02:40Dito pumapasok ang Trust Fund for Victims na binubuo ng voluntary contributions mula sa state parties.
02:48Nayon itong makatulong sa mga biktima na muling mamuhay ng may dignidad sa kanikanilang pamayanan.
02:55Bahagi ng initiatives nito ang paglulunsad ng mga programa para sa material support pati na ang mental health at physical
03:03rehabilitation ng mga biktima.
03:07Nahaharap si Duterte sa mga kaso sa ICC, kaugnay na ipinatupad niyang drug war bilang Davao City Mayor at Pangulo
03:15ng Pilipinas.
03:16Kasunod ng confirmation of charges, ipinahayag ng kanyang lead defense counsel na si Atty. Nicholas Kaufman na iaapila nila ang
03:24naging hatol ng ICC.
03:35Sampai jumpa.
03:37Sampai jumpa.
Comments