Skip to playerSkip to main content
Sa pinakahuling survey ng OCTA Research kaugnay ng 2028 presidential elections, nangunguna pa rin si Vice President Sara Duterte, pero lumiit ang lamang niya sa pumangalawang si dating Vice President Leni Robredo na umakyat naman ng mahigit 10 puntos.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sa pinakahuling survey ng Okta Research kaugnay ng 2028 presidential elections,
00:05nangunguna pa rin si Vice President Sara Duterte.
00:08Pero lumiit ang lamang niya sa pumangalawang si dating Vice President Lenny Robredo
00:14na umakyat naman ng mahigit sampung puntos.
00:18Ang paghimay ng eksperto sa mga posibleng dahilan niyan, tinutuka ni Ian Cruz.
00:25Sa pinakahuling survey ng Okta Research tungkol sa pre-election preferences sa 2028 elections,
00:33nangunguna pa rin si Vice President Sara Duterte sa 26 na posibleng tumakbong presidente na ibinigay ng Okta.
00:41Pinili siya ng 33% ng mga respondents.
00:45Double digit ang lamang niya sa pumangalawang si dating Vice President
00:49at ngayon Naga City Mayor Lenny Robredo na may 21%.
00:53Pero kung ikukumpara sa resulta noong fourth quarter ng 2025,
00:58makikita ang pagbaba ng resulta ng Vice ng 5%
01:02at pag-akyat naman ang numero ng alkalde ng 13%.
01:07Lumiit ang lamang ni Duterte kay Robredo mula sa 30 points dati,
01:12nasa 12 points na lang ngayon.
01:14Kaya kumento ng Okta, tila mas competitive ngayon ang preference landscape
01:20dalawang taon bago ang 2028 elections.
01:23Hindi pa nakapag-isip yung ating mga kababayan about this issue.
01:28Nagbabago pa yung kanilang pananaw.
01:30So walang pwede magsabi, inevitable na.
01:32Hindi na pwede matalo.
01:33So kasi nag-naro yung gap,
01:37nagiging mas competitive yung at least sa survey.
01:41Pero idiniin ang Okta na dahil ang pagbaba ng 5 points si Duterte
01:45ay malapis sa margin of error na plus-minus 3%,
01:49dapat daw maingat itong ma-interpret.
01:53Ako si Sarah Duterte.
01:56Tatakbo bilang Pangulo ng Pilipinas.
02:01Pebrero pa lang,
02:02nagdeklara na si Duterte na tatakbong presidente sa 2028.
02:07Tanong sa Okta, bakit kaya bumaba ang numero niya sa survey?
02:11Merong pagbabago doon sa base niya.
02:14Maaari nandun pa rin yung base niya na Mindanao, Central Visayas.
02:17Pero doon sa mga lugar na meron siyang preference,
02:21kaysa NCR, balance to zone,
02:23talagang bumaba.
02:24And kaya namin alam niya,
02:25kasi doon rin bumaba yung sa trust and performance ratings niya.
02:29Sa panig naman ni Robredo,
02:31simula daw umakyat ang numero niya
02:33sa pagbisita ni Pangulong Bongbong Marcos sa Naga.
02:36It's one of the turning points.
02:38Definitely hindi pwedeng hindi.
02:39Kasi wala akong masyadong ginagawa si VP Lenny
02:41para ikampanya yung sarili niya eh.
02:44Yung kukunting ingin na nangyari sa kanya,
02:46eh nangyari dahil nung bumisita yung presidente doon.
02:48Medyo nagkakaroon ng preference yung mga pro-Marcos
02:53para kay VP Lenny.
02:55Nagkaroon din daw ng epekto sa resulta
02:57ang impeachment complaint
02:58laban kay Duterte
03:00at ang anunsyo ng ibang frontrunners
03:02na hindi na sila tatakbo.
03:04Ang survey, ginawa noong March 19 hanggang 25
03:08pa noong hindi pa sinasabi ni Robredo
03:10na hindi siya tatakbo
03:12sa anumang national position.
03:14Ever since man, pag ganito na ito kong naga,
03:18klaro sa kuya,
03:19rinayin ako mabalik ng national.
03:21Ano kaya ang epekto nito
03:22at ng gumugulong na impeachment case
03:25sa mga susunod na buwan?
03:26So all that negative talk
03:28coming out of the impeachment,
03:30her numbers might take a hit.
03:33But on the flip side,
03:35nagsabi rin si VP Lenny hindi siya tatakbo.
03:37So hindi natin lang kung saan pupunta yung preference
03:39ng mga kababayan natin
03:40na naghahap ng alternatibo
03:45versus VP Sara Duterte.
03:46Sa survey, pumangatlo si Manila Mayor Isco Moreno,
03:51pang-apat si Sen. Rafi Tulfo,
03:53at pumanglima si Sen. Bamaquino.
03:552% sa mga na-survey
03:57ang undecided.
03:591% naman ang hindi nagbigay ng tugon.
04:01Habang ang nalalabing 20%
04:03nakakalat sa 21
04:05iba pang potential
04:07presidential contenders.
04:09Hindi raw kinumisyon ng survey
04:11at meron itong 1,200 respondents.
04:14Ian Cruz, Nakatutok 24 Horas.
Comments

Recommended