00:00Mayigbit talaga ang batas sa pagsasapubliko ng income tax returns
00:05ayon mismo sa dating Commissioner ng Bureau of Internal Revenue ng Aquino Administration.
00:11Pati ang pag-iwan kahapon sa Kamara ng kahong naglalaman ng ITR ni Vice President Sara Duterte
00:18hindi pinapayagan ng batas.
00:22Nakatutok si Maki Pulido.
00:26The law expressly says it can only be examined if the two requisites concur
00:31in aid of legislation and in an executive section.
00:35Thank you Madam Chair.
00:36But this is not an inquiry in aid of legislation.
00:39This is an impeachment proceeding.
00:40Yan ang dahilan ayon kay BIR Commissioner Charlito Mendoza
00:44kung bakit hindi raw pwede buksan at suriin ng House Justice Committee
00:47ang kahong ito ng income tax returns
00:50ng mag-asawang Vice President Sara Duterte at Atty. Mance Carpio.
00:55Parang you are so near yet you're so far.
00:59Ang katwiran na yan ng BIR nakasaad sa Section 20-A
01:03ng National Internal Revenue Code
01:05kung saan nakasaad na maaari lamang magsumite ng tax returns
01:08at iba pang datos ang BIR Commissioner sa Congress
01:11kung ito ay in aid of legislation at kung naka-executive session.
01:16Dahil dyan, gusto dapat bawiin ang BIR ang kahon ng tax returns
01:20pero umalma dito ang kumite.
01:22Therefore, what we will do Madam Chair is to withdraw our submission.
01:27We will not be returning this to BIR.
01:31Kaya ang selyadong kahon, pinirmahan ng BIR Commissioner at iniwan sa Kamara.
01:36Sabi ni dating BIR Commissioner Kim Henares,
01:38maigpit talagang batas sa pagsasapubliko ng income tax returns
01:42dahil maaaring may maibunyag na trade secret kung mabusisi ito ng kalaban sa negosyo.
01:47Kasi yung tax returns, pag makikita mo kung saan siya kumikita,
01:53paano siya kumikita, and usually these are trade secrets.
01:57May mga confidential provision dyan.
02:01Pag makikita mo, kung ikaw ay competitor, makikita mo saan siya gumagastos, mga ganyan.
02:07So confidential yung mga information na yan.
02:09Sabi pa ni Henares, hindi raw pinapayagan ng batas ang ginawa ni Mendoza
02:13nang iwanan niya sa kongreso ang selyadong kahon na mga income tax returns.
02:29Paliwanag ni Henares, may ilang exemptions lamang sa National Internal Revenue Code
02:34na pinapayagang isa publiko ang income tax returns.
02:37Bukod nga sa paghingi rito ng kongreso in aid of legislation,
02:41kasama riyan kung iutos ng Pangulo na bigyan ng Secretary ng Department of Finance
02:45at kung hingi nito ng korte.
02:48Kaya ibang usapan raw kung ang Senate impeachment court na ang hihingi ng tax records.
02:53Ganito raw ang ginawa noon ni Henares
02:55nang ipatawag siya sa impeachment trial ni dating Chief Justice Renato Corona noong 2012
03:00para iprisinta sa pagdinig ang tax records ni Corona at nang may bahay nito.
03:06The Senate is already a court because it's an impeachment court.
03:10So this Section E will now be the exception.
03:13Although in my case, I added that I asked the President's authority to release the return.
03:21Mackie Pulido Nakatuto, 24 Horas.
Comments