Skip to playerSkip to main content
  • 4 months ago
Mga gulay na binili ng Office of the President sa mga magsasaka, sinimulan nang ipamahagi ng DSWD sa mga PUV driver | ulat ni Gab Villegas

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00May handog na living servisyo, walang gutom kitchen ng DSWD para sa ating mga choper.
00:05Kasabay nito ang pamahagi rin ng isang non-government organization ng isang toneladang gulay.
00:11Alamin natin ang detalye mula kay Gav Villegas.
00:16Mismong si Department of Social Welfare and Development Secretary Rex Gatchalian
00:21ang namahagi sa mga public utility vehicle drivers
00:24ng mga gulay na binili ng Office of the President sa mga magsasaka.
00:29Inanyayahan ng kalihim at transport groups na maging sila ay maaaring makakain ng libre sa walang gutom kitchen ng kagawaran.
00:36Kasunod ng pagdeklara ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng State of National Energy Emergency sa bansa.
00:42Alam naman natin na maski pa paano yung isa o dalawang pagkain sa isang araw,
00:49maititipid nila yun kung dito sila kumain.
00:51So kaya ngayong umaga, ininvitahan natin yung mga opisyalis ng mga ibat-ibang mga public utility jeepney associations
00:58para ma-inform sila na nakabukas ang pintuan nitong walang gutom kitchen para sa kanilang mga chupere.
01:05All they have to do is pumunta dito anytime of the day.
01:08Na mahagi ng isang toneladang gulay ang non-government organization na Rural Rising Philippines.
01:14Nakatuwang ng DSWD na masigurong makakarating sa mga benepisyaryo ang binibiling gulay mula sa mga magsasaka.
01:21Ayon sa co-founder ng Rural Rising Philippines na si Andy Estrada,
01:26malaking tulong ang kanilang partnership sa DSWD na makahanap ang mga magsasaka ng mapagbebentahan ng kanilang inaning gulay.
01:34Maganda po doon, may pupuntahan na. Kasi po yung pagbili, honestly, yun ang pinakamadali.
01:40Yung pinakamahirap yung pag-move, pag-galaw at pag-distribute, yun po yung pinaka-biggest challenge po namin.
01:47Kasi yung pagbili, marami pong gustong bumili, tumulong eh. Pero yung saan dadali, napakarami.
01:55And this partnership means we have another channel to give the produce to and the info.
02:04Kung hindi sana magtatapos sa DSWD, sana sa BJMP, sa hospitals, public hospitals, sa DOH.
02:12Kung I think the goal is to connect yung mga produkto na yun,
02:19kung saan pwede na ang gobyerno hindi mahirap ang bumili dahil mura.
02:23Lubos naman ang pasasalamat ng jeepney driver na si Walter na makakain siya ng libre araw-araw.
02:30Hindi sa natanggap niyang libre gulay.
02:32Masaya kami dahil unang-una, masyadong mahal ang bilihin ngayon.
02:37At yung hindi namin nabibili ay naibigay sa amin ang DSWD.
02:42Yung bibilin namin ngayong araw hanggang bukas, hindi na namin bibilin at naandito nagmaibigay na.
02:48At nararamdaman din namin ang pagsuporta ng gobyerno sa amin bilang isang driver dito sa Makati Pasal.
02:56Ganito rin ang saluubi ng kapwa niya jeepney driver na si Carlos sa natanggap na biyaya.
03:02Nabigyan kami ng biyaya na ganito.
03:04Malaking bagay po saan na hindi makabili ngayong araw na ito.
03:08Mayroong dumating na biyaya.
03:11Nakatakda naman magbukas ang walang gutom kitchen sa Cebu pagsapit ng Hunyo
03:15at target rin na makapagbukas ang kagawaran ng isa pang walang gutom kitchen sa Sambuanga.
03:20Gab Humilde Villegas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended