00:08Transcription by CastingWords
00:31The Appeal Chamber by Majority, as a conclusion, has rejected all four grounds of appeal.
00:39Ibinasura ng International Criminal Court o ICC Appeals Chamber ang apat na grounds na nakasaad sa apela na inihain ng
00:46kampo ni dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:49Kinukwestiyon na kanyang apela ang horisdiksyon ng ICC sa kasong Crimes Against Humanity ng dating Pangulo,
00:55lalo na nag-withdraw ang Pilipinas sa ICC noong March 17, 2019.
01:00The defense submitted its appeal brief and requesting the Appeals Chamber to reverse the impugn decision,
01:08to find that there exists no legal basis for the continuation of the International Criminal Court's proceedings against Mr. Duterte,
01:17and order his immediate and unconditional release.
01:22Pero pinanigan ng Appeals Chamber ang naunang desisyon ng Pre-Trial Chamber 1 na may horisdiksyon ang ICC sa kaso.
01:30Accordingly, the Appeals Chamber finds no error in the Pre-Trial Chamber's interpretation.
01:38Sinabi dati ng Pre-Trial Chamber 1 na sakop pa rin ng ICC ang mga monoy krimen na nangyari bago
01:44ang March 16, 2019
01:45o ang panahong kasapi pa ang Pilipinas sa Rome Statute.
01:50Dahil sa pagbabasura sa apela ng depensa,
01:52tinawag na moot ng Appeals Chamber ang hiling ng depensa na agarang pagpapalaya kay Duterte.
01:58Having rejected the entire appeal, the Appeals Chamber considers that the defense request for the immediate and unconditional release of
02:07Mr. Duterte is moot.
02:10Dagdag ng Appeals Chamber, kailangang respetuhin ang karapatan ng isang estado na mag-withdraw sa Rome Statute.
02:16Pero hindi raw nito hahayaan na takasan ng isang estado ang responsibilidad nito sa pamamagitan ng pag-withdraw,
02:23lalo na't hindi raw ito naaayon sa intensyon ng Rome Statute.
02:28It could be incompatible with this object and purpose to enable a state party to evade its responsibilities under the
02:38statute
02:39by depositing a written notice of withdrawal once it discovers that alleged crimes committed on its territory or by its
02:50nationals are being examined by the prosecution.
02:53Wala sa pagdinig ang dating Pangulo na nag-wave ng kanyang karapatang dumalo.
02:58Sabay-sabay na nagbunyi ang mga pamilya ng mga biktima ng umano'y war on drugs ng Administrasyong Duterte.
03:07Ang susunod na challenge sa atin, pagpapatala, pagpapaadmit ng mga biktima para marinig sa trial.
03:17Na mga natanggap na 539 victims. Pero ang dinig ko eh, libo-libo daw ang biktima.
03:24Bago ang pagdinig, nakausap ng media ang anak ng dating Pangulo na si Kitty Duterte.
03:29Binisita niya ang ama sa detention facility sa The Hague, Netherlands.
03:33Ang mensahe raw ng ama sa mga nangangamusta sa kanya.
03:36They ask how I'm doing, tell them Invictus.
03:39Ang salitang Invictus ay lati na ang ibig sabihin ay hindi matitinag o hindi magpapatalo.
03:45Matapos ang pagbabasura ng Appeals Chamber sa apila ni Duterte,
03:49wala nang balakid sa hinihintay na desisyon ng pre-trial Chamber 1 kung itutuloy sa paglilitis ang mga akusasyon.
03:56May hanggang April 28 sila para magpasya ukol sa confirmation of charges laban sa dating Pangulo.
04:02There is the confirmation decision and that has to be delivered by the 28th of this month.
04:10If the confirmation decision goes against the defense, then we're in for a trial.
04:16And that trial will probably start maybe at the beginning of 2027.
04:21Ito ang unang balita, JP Soriano, GMA News.
04:28Sabi ng abogado niya dating Pangulong Rodrigo Duterte na si Atty. Nicholas Kaufman,
04:33hindi na siya nagulat sa pagbasura ng ICC Appeals Chamber sa apila ng kanilang kampo,
04:38kag-unay sa pag-questionan sa jurisdiction.
04:41Para kay Kaufman, hindi nabigyang linaw ng ICC Appeals Chamber kung kailan nagiging usapin sa korte.
04:46Ang anya ay hindi malinaw na preliminary examination.
04:50Lumalabas anya na pwede pa rin magbukas ng investigasyon kahit nag-withdraw ng isang bansa
04:55bilang state party sa ICC.
Comments