Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.          

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Hihiling ng panibagong Travel Authority si Vice President Sara Duterte dahil hindi na raw natuloy ang mga plano niyang biyahe.
00:07Batay sa travel clearance mula sa Malacanang, kahapon inaprubahan ang Travel Authority na epektibo simula ngayong araw hanggang May 15.
00:15Pinayagang bumiyahe ang bise sa The Netherlands kung saan nakadetain ang ama niyang si dating Pangulong Rodrigo Duterte.
00:23Gayun din sa South Korea, Belgium, Germany at United Kingdom.
00:27Kapalit daw yan nang nauna niyang inaprubahang Travel Authority para sa mga personal trip ng bise mula April 23 hanggang
00:35May 14.
00:36Pero sabi ng bise, hindi na matutuloy ang kanyang biyahe dahil last minute ang niyang inaprubahan ang Travel Authority.
00:43Hiling ng bise sa Office of the President, agahan ang pag-issue ng mga kinakailangang dokumento para mapaghandaan ang kanyang
00:50mga biyahe abroad.
00:51Makatutulong din daw sa siguridad ng bise kung maayos ang pag-proseso ng Office of the President sa mga sensitibong
00:58dokumento.
01:01Kaugnay sa mga isinawalat niya sa impeachment hearing laban kay Vice President Sara Duterte.
01:06Kausapin natin si dating Senador Antonio Trillanes, the fourth.
01:09Magandang umaga at welcome po sa Balitang Hali.
01:13Magandang umaga po sa inyo kasamang Rafi.
01:16Opo. Ano pong reaksyon nyo na matapos yung ilang taon nang mahawakan nyo yung mga dokumentong nag-uugnay sa ilang
01:21manual ng transaksyon ng Pamilya Duterte
01:23ay kinumpirma ng IMLC na tugma ito sa kanilang datos?
01:29Sa isang banda, tayo po ay natutuwa at lumaan yung ating pakiramdam na finally,
01:36after 10 years ay napatotohanan yung aking mga aligasyon noong 2016 pa.
01:43Pero ang secondary lang yan eh.
01:47Ang nakakalungkot dito ay sana kung naniwala yung mga kababayan natin noong 2016,
01:54malaki sana ang peligro na iwasan natin noong nakaraang sampung taon.
02:00E baga matugma sa datos ng AMLC, hindi raw matutukoy ng AMLC kung sino?
02:06Yung nasa likod ng bank transactions.
02:08Ano pong nga masasabi nyo riyan?
02:10Yun po ang limitasyon noong subpina.
02:14Kasi very sensitive information pero alam nila yun.
02:18Parehas ang date, parehas ang figures, hindi lang nila masasabi.
02:23Yun lang naman po yun.
02:25Pero sa impeachment trial ay obligado na silang sabihin yun.
02:31Kasi pagka doon, pwede nang i-cross-examine o pwede na silang i-prove.
02:39Ngayon kasi itong Committee on Justice, limitado rin ang pwede nilang gawin.
02:44So inaasahan nyo po ang mga impormasyon na ito ay yung iba,
02:47redacted ay po pwede talagang lumabas pagkaumabot itong impeachment case sa Senado.
02:52Opo. At nakita nyo naman, doon sa hearing kahapon, 18 na random accounts doon sa mga iprinisenta kong mga dokumento
03:03ay kinumpirma.
03:0518 out of 18.
03:07So ibig sabihin ito, talagang totoo yung buong nilalaman ng dokumento.
03:12At alam ko rin naman po yun dahil hindi ko naman po inimbento yan.
03:15Yan po ay napagtutuhanan na natin noong pa. Yun lang ngayon formal na napatutuhanan.
03:22Meron pa po ba kayong mga hawak na dokumento na bago na hindi pa na ipresenta,
03:26na po pwede pang maipresenta pag nakaabot ang impeachment case sa Senado?
03:32Wala na po akong bagong hawak, pero itong mga detay yung iprinisenta ko ay mas masusuri.
03:40At doon nga, so dalawa po yun eh.
03:44Yung aking prenesenta, doon sa isang account na joint ni Sara Duterte at ni Bigong,
03:50ang pumasok po doon ay 2.4 billion pesos.
03:54Tapos dito naman po, yung mga checking nakuha ng mga miyembro ng pamilya Duterte galing sa drug lord.
04:03So ang total naman doon ay 180 million.
04:06So 40 to 50 million pesos every 6 months, kumatanggap sila ng dibidendo mula sa drug lord.
04:13Yan po ang bago doon.
04:15Itong binabanggit nyo pong drug lord, binanggit nyo nga po na ang pangalan ay Sami Uy.
04:19Gaano po makalalimang ugnay nito sa mga Duterte?
04:22Ito po ay talagang kapartner nila, no?
04:26Si Michael Yang, Sami Uy, Charlie Tan.
04:29Ito yung drug cartel sa Davao City.
04:32Tapos ang kapartner nila doon at protector ay si Bigong.
04:36Tapos yung double death squad, sila yung pumapatay ng mga karibal netong drug cartel ni Duterte.
04:45Tapos para ngayon, masolo nila yung illegal drug trade.
04:50Tapos nung naging presidente na si Duterte, si Sami Uy ang number one contributor niya.
04:59Tapos si Michael Yang, ginawang economic advisor, kaya talagang nasolo nila yung illegal drug trade.
05:07Kasi protektado sila ng presidente ng Pilipinas.
05:11Tapos eventually, nag-diversify sila.
05:15Kumaga pumasok sila sa mga mas malaking kitang mga negosyo bukod pa sa illegal na droga.
05:21Ayan na yung farmally, tapos pati Pogo.
05:25So, yan po yung grupo na yan.
05:28Pero meron po bang ebidensya nasangkot sa droga itong si Sami Uy?
05:33Meron po.
05:34Yan po ay may testimonial evidence si Arturo Lascañas.
05:41At ano din, nakuha din dun sa investigasyon ni Kernel Acierto.
05:49So, itong grupo nila, Michael Yang, Charlie Tan, then si Sami Uy.
05:56So, patlo sila.
05:58Tapos dito naman, eventually, nung presidente na si Duterte, dito naman sa customs, itong si Charlie Tan.
06:04So, may mga roles po sila e.
06:07Kaya, yan po ang nakakalungkot na pangyayari na nabudol talaga yung mga kababayan natin.
06:17Kasi, biling-biling nila na talagang galit sa illegal na droga si Digong,
06:23eh yun pala, may sarili siyang drug cartel na pinoproteksyonan.
06:28Kaya, abangan po natin kung may mga impormasyon pang bago na lumabas.
06:31Maraming salamat po sa oras na binahagi nyo sa Balitang Hali.
06:34Maraming salamat po sa inyo.
06:36Yan po si dating Sen. Antonio Trillanes IV.
06:39Susubukan pa namin kunan ng pahayag ang kampo ni Vice President Sara Duterte
06:43at mga personalidad na nabanggit ni dating Sen. Trillanes.
06:49Nasa Palayan, Nueva Ecija ngayong umaga si Pangulong Bongbong Marcos
06:53para sa ilang proyekto at programa roon ng gobyerno.
06:56Pero hindi siya nagbigay ng pahayag sa mga isyo.
06:59May ulat on the spot si Ian Cruz.
07:01Ian?
07:02Yes, Connie, pinagunahan ni Pangulong Bongbong Marcos
07:05ang distribusyon ng bigas sa nasa isang daang ambulance vendors
07:09ng Palayan City, Nueva Ecija.
07:11Ginawa ito sa Farmers Plaza ng siyudad,
07:13sabi ni Mayor Viandre Nicole Cuevas ng Palayan City.
07:17Pauna pa lang daw ang pagbibigyan ng tulong na bigas
07:19sa isang daang ambulance vendors.
07:21Ang target daw, nasa 11,000 na pamilya
07:24ang matutulungan sa pamagitan ng pondo mula sa national government
07:27sa programang Local Government Support Fund.
07:31Kumikot din ang Pangulo sa kadiwa ng Pangulo
07:33na nagtitinda ng murang gulay at iba pang produkto.
07:36Tapat naman daw ang supply nila.
07:38Bago sa Farmers Plaza,
07:39nagtungo ang Pangulo sa pabahay din sa Palayan City
07:42na Township Project
07:43sa ilalim ng expanded pambansang pabahay
07:45para sa Pamilyang Pilipino Program o 4PH.
07:49Kinumusta ng Pangulo ang mga nakitirana sa nasabing pabahay.
07:52Game pang nakipaglitrato ang Pangulo sa mga naroon.
07:55May ginagawa pang ibang gusali roon
07:57na bahagi pa rin ang high-rise na pabahay.
08:00Sa mga pinuntahang lugar dito ng Pangulo, Connie,
08:03hindi nagbigay ng anumang pahayag ang punong ehekutibo.
08:06Balik sa'yo, Connie.
08:07Maraming salamat, Ian Cruz.
08:13Pinakukumento ng Korte Suprema si Pangulong Bongbong Marcos
08:15kaugnay sa Petition for a Writ of Mandamus
08:17sa kalagayan ng kanyang kalusugan.
08:20Sampung araw ang ibinigay ng Korte Suprema
08:22para magkomento ang Pangulo sa petisyong humihiling
08:25na sumailalim siya sa physical at mental examination
08:28pati sa hair follicle drug test.
08:31Hiniling din sa petisyon na ilabas at ilathalan ng Pangulo
08:34ang resulta ng pagsusuri,
08:36maging ang medical at clinical confirmation
08:38ng kanyang physical and medical fitness
08:40para gampanan ng tungkulin bilang presidente.
08:43Respondent din sa naturang petisyon
08:45si Acting Executive Secretary Ralph Recto.
08:47Wala pang tugon ng Malacanang
08:49nanghinga namin ng pahayag.
08:51Nito mga nagdaang araw,
08:52nagjumping jacks at jogging si Pangulong Marcos
08:55para ipakita na malakas siya
08:57at walang malubhang sakit.
08:58Sinabi niyang gumaling na rin siya
09:00mula sa sakit na diverticulitis
09:02o pamamaga ng large intestine.
09:05Nagbuhat pa siya ng 10 kilong biga
09:07sa isang event sa Maynila
09:08para pasinungalingan ang mga impormasyong
09:10kumakalat sa internet
09:12na may malubha siyang karamdaman.
09:18Pasok sa round of 64
09:20ng Madrid Open
09:21si Pinay tennis star Alex Ayala.
09:24Nakalaban ni Alex
09:25si Anastasia Pavluchenkova
09:27ng Russia
09:28sa round of 128
09:31sa first set
09:32nakuha po ng Russian player
09:33ang 2-1 lead
09:34hanggang makabawi si Alex
09:37at tapusin ang set
09:38sa score na 6-3.
09:40Ganyan din po ang score
09:41sa second set
09:42na nagbigay ng panalo
09:43kay Alex.
09:44Sunod na mga kalaban ni Alex
09:46si Ellis Martens
09:47ng Belgium.
09:51Samot sa aring produkto
09:53galing China
09:53na hinihinalang peke
09:54o kaya hindi tama
09:56ang naibayad na buis
09:57ang nabisto
09:58sa isang bodega
09:58sa Valenzuela.
10:00Mayulat on the spot
10:01si Bernadette Reyes.
10:03Bernadette?
10:07Rafi, iba't ibang produkto
10:08ang nadiskubre
10:09ng Bureau of Customs
10:10sa isang warehouse
10:11dito sa Valenzuela
10:12na maaaring mapanganib
10:14sa kalusugan.
10:17Kahon-kahon
10:18ng mga gatas,
10:19kidney gummies
10:20o supplement
10:21para sa kidney,
10:22eye drops
10:22at toothpaste
10:23na maaaring walang
10:25certification
10:25mula sa Food and Drug
10:26Administration
10:27ang nadiskubre
10:28sa warehouse
10:29sa Canumay,
10:30Valenzuela City.
10:31Bukod dito,
10:32may samot-saring
10:33electronic devices
10:34gaya ng tablet,
10:35baterya ng cellphone,
10:36solar panel
10:37at iba pa
10:38ang makikita
10:39na maaaring hindi
10:40raw nagbayad
10:41ng tamang buis.
10:42Nagkakahalaga
10:43ang mga ito
10:44ng P174M.
10:46Ayon kay Deputy Commissioner
10:48Vincent Villep Maronilla,
10:50maaaring mapanganib
10:51sa kalusugan
10:52ng mga pharmaceutical products
10:53o di kaya
10:54ay hindi akma
10:55ang formulation
10:55na naayon
10:57sa ating pangangailangan.
10:58Galing China
10:59ang naturang mga produkto
11:00habang ang mga may-ari
11:01ng warehouse
11:02sa isang Taiwanese
11:03na nakalis
11:04sa isang Pilipino negosyante.
11:06Pakinggan natin
11:07ang bahagi ng pahayag
11:08ni Deputy Commissioner
11:09Vincent Phillip Maronilla.
11:14Sa ngayon ho,
11:15itong mga gamit na to,
11:17hintayin namin
11:17yung submission
11:18ng mga may-ari.
11:19Pag hindi ho sila
11:21nakapagsubmit,
11:21yung mga kinakailangan
11:23po ng permits
11:24talaga from FDA
11:25at ibang regulatory agencies
11:27ay hindi makapagproduce,
11:29e sisirain ho natin yan.
11:35Raffi,
11:36sinisikap
11:36ng GMA News
11:38na makuha
11:38ang panig
11:39ng Taiwanese
11:39at Pilipinong negosyante.
11:41Samantala,
11:42ayon sa Bureau of Customs,
11:44yun daw mga
11:44mapapatunayang counterfeit
11:46ay kanilang sisirain
11:47habang yung mga
11:48mapapakinabangan pa
11:49ay maaari raw
11:50i-auction.
11:51Raffi?
11:51Maraming salamat,
11:53Bernadette Reyes.
12:01Bukod sa kanyang
12:02upcoming infotainment show
12:04na Planet XP,
12:05may bagong role
12:06na aabangan ng fans
12:07ni Kapuso Ultimate
12:08Heartthrob Miguel Tan Felix.
12:10Ipinakilala si Miguel
12:11bilang bagong ambassador
12:13niyang advocacy campaign
12:14na Be One Tama
12:15na goal
12:16ma-promote
12:17ang mental,
12:17emotional,
12:18at social growth.
12:19Dagdag si Miguel
12:20sa One Tama Ambassadors
12:21ng GMA Network
12:23kasama si Naboy Abunda,
12:24Chris Chew,
12:26at Ding Dong Dantes.
12:27Sabi ni Miguel,
12:28sakto ang advocacy
12:29sa kanyang bagong show.
12:30Sobrang excited na rin
12:32ako mapanood nila
12:32yung ginawa namin
12:34Planet XP
12:35dahil hindi lang siya
12:36entertaining,
12:37educational pa.
12:38Present sa event
12:39si GMA Entertainment Group
12:41Officer in Charge
12:41Cheryl Ching Si,
12:43Vice President for
12:44Business Development Department
12:46Janine Piad Nacar,
12:47at ilang opisyal
12:49ng National Council
12:50for Children's Television
12:51at ilang bilang
12:52broadcast journalism students.
12:55Nagkaroon din ng talk
12:56kung saan tinalakay
12:57ang tips
12:57para labanan
12:58ng fake news,
12:59palakasin ang
13:00nation building,
13:01at iba pa.
13:03Para sa 4th anniversary
13:04ng pambansang game show
13:06na Family Feud Philippines,
13:07nakausap via video call
13:09ni Ding Dong Dantes
13:10ang American TV host
13:12na si Steve Harvey
13:13ng Family Feud
13:14sa US.
13:15Shinare ni Ding Dong
13:16ang feedback ni Steve
13:17tungkol sa Family Feud Philippines
13:19na nakakatabaraw
13:21ng puso.
13:22Binanggit din niya
13:22na talagang napapansin niya,
13:24napapansin din nila
13:25yung Family Feud Philippines.
13:28That is definitely
13:29because of
13:30yung mga contestants natin,
13:33yung kung gaano kakwela,
13:34yung mga sumasalip,
13:36yung mga mismong katalong,
13:38di ba?
13:38Kung sino,
13:39yung formulation
13:40ng questions,
13:40talagang piroy na piroy.
13:42Abangan ng milestone
13:43video call ni Steve
13:44this Friday,
13:455.35pm
13:46bago mag 24 oras
13:48sa GMA.
13:49Athena Imperial
13:50nagbabalita
13:51para sa GMA News.
13:53International Criminal Court
13:55is now in session.
13:57Rodrigo
13:58Roan
13:59Lutero.
14:07Ibinasura
14:08ng International Criminal Court
14:09Appeals Chamber
14:10ang apelan ng Kampo
14:11ni dating Pangulong
14:12Rodrigo Duterte
14:13na kumwekwestyon
14:14sa jurisdiction
14:15ng ICC
14:16sa kanyang kasong crimes
14:17against humanity.
14:19Pinanggigan ng Appeals Chamber
14:21ang naunang desisyon
14:22ng Pre-Trial Chamber 1
14:24na may jurisdiction
14:25ng ICC
14:26sa kaso ni Duterte
14:27dahil
14:27ang mga umanay krimen
14:29nangyari noong panahong
14:30kasapi pa
14:31ang Pilipinas
14:31sa Rome Statute.
14:33Dahil sa pagbabasura
14:34sa apelan ng depensa,
14:35ayon sa presiding judge,
14:37moot na
14:38ang hiling
14:39ng depensa
14:39na agarang pagpapalaya
14:41kay Duterte.
14:42Wala sa pagdinig
14:43ang dating Pangulo
14:44na nag-wave
14:45ng kanyang karapatang dumalo.
14:47Bago ang pagdinig kahapon,
14:48nakausap ng
14:49medyang anak
14:50ng dating Pangulo
14:51na si Kitty Duterte.
14:53Ang mensahe raw
14:54ng ama
14:54sa mga
14:55nangungumusta sa kanya,
14:56siya'y invictus
14:58o salitang Latin
14:59na ang ibig sabihin
15:00ay hindi matitinag
15:02o hindi magpapatalo.
15:04Ayon sa abogado niyang,
15:05si Attorney
15:05Nicholas Kaufman,
15:06mula sa Anya
15:08political perspective,
15:09hindi na raw nila
15:10ikinagulat
15:11ang naging desisyon
15:12ng Appeals Chamber
15:13kaugnay
15:13sa jurisdiction
15:15ng ICC.
15:16Mula naman daw
15:17sa legal na pananaw,
15:18nabiguraw
15:19ang Appeals Chamber
15:20na linawin
15:21ang pamantayan
15:22kung kailan
15:22nagiging usapin
15:23sa korte
15:24ang Anya
15:25malabong
15:26preliminary examination.
15:27Anya,
15:28tila lumalabas na
15:30kahit nag-withdraw na
15:31ang isang estado,
15:32maaari pa rin
15:33magbukas
15:34ng investigasyon.
Comments

Recommended