Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Mas mataas na pamasahe ang posibleng sumulubong sa mga pasahero ng aeroplano.
00:05Kasunod po ito ng pag-akyat ng fuel surcharge sa level 19 na pinakamataas sa kasaysayan.
00:12Saksi si Jamie Sang.
00:17Dalawang beses sa isang taon magbiyahe pa sa Marcirusel.
00:21Tinitiyak kasi niya na madalas makauwi sa kanilang probinsya.
00:24Mas pinipili raw nilang mag-aeroplano para mas mabilis ang biyahe at mas sulit ang leave.
00:29Pero ngayong taon daw, hindi siya naka-uwi.
00:32Dapat kasi ngayong March, uwi ako ng summer kasi kukunin ko yung mga anak ko.
00:37Hindi natuloy because nga dun sa increase ng pamasahe.
00:40Hindi naman ganun kalaki yung kita natin.
00:43Hindi rin nakabiyahe pa ilo-ilo ang pamilya ni Pasita.
00:46Pagsakay din sa aeroplano ang mas pinipili nila tuwing babiyahe.
00:50Kaya naman damang-dama raw niya ang bigat ng epekto ng pagtataas ng presyo ng produktong petrolyo.
00:56Parang ilang, isang taon pa lang na-enjoy yung promo rates.
01:00Promo rates, right? Yung mga bagsak presyo tas biglang aangat.
01:03Ang hirap naman daw kung uuwi sila sa probinsya sakay ng barko.
01:07Kung magtataas sa airlines, magbabarko, eh yung time naman, syempre makakalive kami, 3 days, 4 days lang.
01:14So yung travel mo pa lang, 2 days na. Wala nang naano.
01:18Ngayong buwan, posibleng sumalubong sa mga biyahero ang mas mataas na pamasay sa aeroplano.
01:24Ito'y matapos itaas ng Civil Aeronautics Board ang fuel surcharge sa Level 19,
01:30na siyang pinakamataas na antas sa kasaysayan.
01:33Bunsod ng pagtaas ng presyo ng langis dahil sa tension sa Middle East.
01:37Mula April 16 hanggang 30, aabot na sa P627 hanggang P1,824 ang fuel surcharge sa domestic flights.
01:47Sa international flights mula Pilipinas, maari itong umabot sa higit P2,000 hanggang mahigit P15,000 depende sa layo ng
01:56biyahe.
01:57Mas mataas ito kumpara sa unang kalahati ng April kung saan nasa Level 8 lamang ang fuel surcharge.
02:04Ayon sa CAB, pinaiksina nila sa 15 days ang adjustment period mula dating isang buwan
02:09para mas mabilis na makasabay sa pabago-bagong presyo ng jet fuel.
02:13Hindi raw maiiwasan ang taasingil dahil higit doble na ang presyo ng jet fuel.
02:18Mula sa US$800 hanggang US$90 kada bariles bago ang gulo, hanggang sa halos US$200 na ngayon.
02:27Ang fuel surcharge ay hiwalay pa sa base fare at maaring ipasa ng airline sa mga pasahero upang mabawi ang
02:34dagdag gastos sa krudo.
02:36Bago matapos ang dalawang linggong tigil putukan ng Amerika at Iran, inanunsyo ni President Trump na extended ang ceasefire.
02:44Hindi muna raw aatakihin ang Amerika ang Iran hanggat hindi nakapagbibigay ang mga lider at kinatawan nito ng isang unified
02:52proposal
02:52at hanggat di pa tapos ang mga diskusyon.
02:55Kasunod ito ng hiling anya ng Pakistan na tagapamagitan sa peace talks.
03:00Pero tuloy raw ang naval blockade ng Amerika sa mga pantalan ng Iran.
03:04Wala pang tugon ang mga opisyal ng Iran sa inanunsyong extended ceasefire ni Trump.
03:09Pero bago ang anunsyo, tinawag ni Iranian Foreign Minister Abbas Aragchi ang blockade na act of war at paglabag sa
03:16ceasefire.
03:17Mas malaki paan niyang paglabag ang pag-atake sa commercial vessel at pangho-hostage sa crew nito.
03:23Kamakailan, kinubgob ng Amerika ang isang cargo vessel ng Iran dahil sa tangka umanong paglusod sa blockade.
03:30Nagbabala noon ang Iran na gaganti sila.
03:32Sa kabila rin ang anunsyo ni Trump, tatlong container ship ang naiulat na tinamaan sa Strait of Hormuz.
03:38Ayon sa British Maritime Security Agency na UKMTO.
03:43Ayon naman sa Iranian media, dalawang barko ang hinuli nila dahil sa maritime violations.
03:48Partikular ang paglalayag ng walang otorisasyon.
03:51Ako si Jamie Santos, ang inyong saksi.
Comments

Recommended