00:00Natanggap na ng mga nangangailangan nating kababayang residentes sa Metro Manila
00:04ang libring gulay na binili ng Office of the President sa mga magsasaka ng Benguet.
00:10Si Carlo Luis Candelaria sa Sentro ng Balita.
00:15Matapos bilhin ng pamahalaan ang toneto nila ng gulay mula sa mga magsasakang hirap ibiyahe ang kanila mga ani
00:22dahil sa taas ng presyo ng petrolyo, agad namang naipamahagi sa iba't ibang lungsod sa Metro Manila ang mga sariwang
00:28gulay.
00:28Sa Malabon, nasa isandaang pamilya sa Barangay Catmon ang nakatanggap ng libreng gulay.
00:34Sa Navotas, nakapagpamahagi rin sa ilang mga residente ng NBBS Proper, Tangos South, Tangos North, Tanzados at NBBN.
00:42Sinalubong naman ng mga opisyal ng Quezon City LGU ang pagdating ng mga gulay na ipamahagi sa mga residente ng
00:48lungsod.
00:49Sa Maynila naman, nasa mahigit walundaang vegetable bags ang naipamahagi sa mga residente sa Baseco at Tondo.
00:55Habang sa Pasay ay kasamang namahagi ng mga gulay si Mayor Emi Calixto Rubiano.
01:01Nagpapasalamat sa pamahalaan at sa Office of the President ang pamunuan ng mga local government units
01:06sa inisyatibong ito na nakatulong sa ating mga magsasaka at sa ating mga kababayan na apektado ng kinakaharap na krisis
01:12ng bansa.
01:13Carlo Luis Candelaria para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments