00:00Dead on the spot ang isang delivery rider matapos tumilapon mula sa isang tulay sa Pandakan, Maynila.
00:06Ayon sa barangay, posibleng naisalba pa ang buhay ng rider kung may railings ang tulay.
00:11Balita ng atin ni Jomara Presto.
00:16Sa pool sa CCTV ang pagtilapon ng isang delivery rider mula sa isang tulay sa Pandakan, Maynila,
00:21mag-aalas 7 ng umaga kahapon.
00:23Ang biktima, agad na matay, ayon sa polisya.
00:26Base sa investigasyon, sa hindi pa malamang dahilan, nawalan ng kontrol ang rider at bumanga sa gutter bago siya tumilapon
00:33sa isang brewery o pagawaan ng alak.
00:35Isang kapwa motorista raw ang nakakita sa nakatumbang motor at nang silipin ang ibaba ng tulay, doon nakita ang rider
00:41na nakahandusay.
00:42Agad siyang humingi ng tulong sa mga otoridad.
00:45Ayon sa barangay, posibleng may kinalaman ng pakurbang likuan sa tulay kaya nag-alangan ang rider.
00:50Alanganin kasi yung kurba na yun.
00:52Yan tulay na na marami na aksidente talaga.
00:54Misa ng lasing, nakainom, isang nagmamadali.
00:58Mula rito sa bahagi ng tulay na walang mga railings, tumalsik ang rider papunta sa isang brewery na nasa ibaba
01:04nitong tulay.
01:06Sabi ng barangay, may railings dati ang tulay pero may mga nagnakaw.
01:09Posible raw naisalba pa ang rider kung may harang ang tulay.
01:13Mare, dahil may babaan lang siya kung may railings.
01:16Nagroranda kami kasi ang magnanakaw, mas mabilis sa amin eh.
01:20Roranda kami ng one, wala pa yan.
01:22Yung mga halangani o rush, diyan sila tumitira.
01:24Ayon din sa barangay, may isang linggo nang walang ilaw sa nasabing tulay na delikado para sa mga motorista tuwing
01:30gabi.
01:31Nananawagan sila sa Manila LGU na aksyonan ng problema sa railings at ilaw sa tulay.
01:35Nagpaalala rin sila sa mga motorista na magdahan-dahan habang bumabaybay sa tulay para maiwasan ang aksidente.
01:41Jomer Apresto nagbabalita para sa GMA News.
01:46May panibagong rollback o bawas presyo sa liquefied petroleum gas o LPG simula po bukas.
01:52Ayon sa LPG Markers Association, nasa 3 piso kada kilo ang rollback bukas.
01:58Katumbas po yan ng 33 piso sa kada 11 kilogram na tangke ng LPG.
02:04Bukod pa yan sa parehong halaga ng rollback noong Gernes.
02:08Ayon sa LPGMA, bunsod po ito ng bumabang presyo ng shipping at transport.
02:16May panibago namang mega oil price rollback ngayong linggo ayon kay Pangulong Bongbong Marcos.
02:2224 pesos and 94 centavos ang bawas presyo sa kada litro ng diesel.
02:273 pesos and 41 centavos sa kada litro ng gasolina at 2 pesos sa kada litro ng kerosene.
02:33Panawagan ng Pangulo sa mga oil company na ipatupad ito ng buo, tama at walang pagkaantala.
02:39Wala pang opisyal na anunsyo ang oil companies.
02:42Kananiwang Martes ipinatutupad ang mga pagbabago sa presyo.
02:48Tiniyak ng Department of Social Welfare and Development na may aayusin nila ang sistema ng pamahagin ng 5,000 pisong
02:55ayuda sa drivers na apektado ng mahal na presyo ng langis.
03:00We recognize that we could have done better and we should have done better and we will do better sa
03:07mga payout distribution po natin.
03:10Sana mas may maayos na pamamaraan o sistema tayo na sinagawa like having a queuing system para ma-control din
03:19natin yung bilang ng mga drivers na pumunta sa payout site natin.
03:24Sinabi yan ni DSWD Assistant Secretary Irene Dumlao sa panayam ng unang balita sa unang hirit matapos masawi ang isang
03:31motorcycle taxi rider na pumila sa Cason Memorial Circle nitong Sabado.
03:35Sabi ni Dumlao, hinihintay pa nilang ilabas ang death certificate ng rider para malaman kung ano ang kanyang ikinamatay.
03:43Nauna nang nagpaabot ng pakikiramay si Secretary Rex Gatchalian sa pamilya ng nasawing rider.
03:49Tutulong daw ang DSWD sa mga gastusis sa ospital, pagpapalibing, transportasyon, gayon din sa pag-aaral ng anak ng rider.
03:59Ito ang GMA Regional TV News.
04:04Nasawi ang isang buntis at kanyang babaeng anak matapos mabangga ng closed van ang kanilang bahay sa Mariveles, Bataan.
04:13Ayon sa pang otoridad, umiiglip ang mag-ina sa kanilang bahay sa Banangay Alasas Asin na nga mangyari ang disgrasya.
04:23Sa tindi po ng impact na sira at tumagilid ang van.
04:27Natapon din ang mga karganitong tile adhesives.
04:30Ayon sa naiwang padre de familia, sinabi ng nadesgrasya ang driver na nawalan siya ng preno habang pababa sa kalsada.
04:38Nakatalun palabas ng closed van ang driver at pahinante nito.
04:42Iniimbisigahan na ang insidente.
04:46Halos 7 milyong pisong halaga ng hinihinalang iligal na droga ang nasabat sa Bacoorca, Vite.
04:52Dalawang high-value drug personalities ang naaresto sa ikinasang buy-bust operasyon sa kanilang inuupahang apartment.
05:00Tumanggi silang magbigay ng pahayag.
05:02Bukod po sa hinihinalang syabuh, nakuha rin sa kanila ang marked money, cell phone, ilan pang drug paraphernalya at coaching
05:10kanilang ginamit.
05:11Mahaharap sila sa reklamong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
05:18Magiging mainit at malinsangan muli sa maraming bahagi ng bansa kasama na ang Metro Manila.
05:23Ayon sa pag-asa, posibleng pumalo sa danger level na 42 degrees Celsius ang heat index sa Cavite City.
05:29Extreme caution level naman na 41 degrees Celsius sa San El Deponso, Bulacan.
05:3440 degrees Celsius sa Tugigaraw, Cagayan, Coron at Kuyo sa Palawan, Davao City at sa Cotabato City.
05:41Dito po sa Metro Manila, posibleng umakyat sa 39 degrees Celsius ang heat index o damang init particular na sa
05:47Pasay.
05:48Base sa rainfall forecast ng Metro Weather, may chance na pa rin ang ulan sa mga susunod na oras sa
05:54ilang bahagi ng Northern at Central Luzon,
05:56Mimaropa Region, Bicol, Visayas at Mindanao.
06:00Posibleng heavy to intense rain sa ilang lugar kaya maging alerto sa banta ng Baha o landslide.
06:06Ayon sa pag-asa, walang binabantay ang bagyo o sama ng panahon sa loob o labas ng Philippine Area of
06:11Responsibility.
06:12Ridge of High Pressure Area ang nananatiling pangunahing weather system sa bansa, particular na sa Extreme Northern Luzon.
06:22Huli kam sa Quezon City, nagliyab ang kotse niyan sa Quezon Avenue na sakop ng barangay Doña Josefa kaninang madaling
06:29araw.
06:29Ayon sa Quezon City Police District, sumadsad muna sa banketa ang kotse bago nagliyab.
06:35Napula naman ang apoy ng mga rumisponding bumbero.
06:38Ligtas ang dalawang sakay ng kotse na nagtamu lamang ng minor injuries.
06:43Iniimbestigahan pa ang sanhinang pagliyab ng kotse.
06:47Huli kam sa Quezon City ang pagsalpok sa poste ng isang modern jeep.
06:53Mahigit dalawangpung pasahero po ang sugatan.
06:55Ang paliwanag ng driver sa Balitang Hatid ni Bea Pinlak.
07:02Nabulabog ang bahagi na ito ng Pituazon Corner 15th Avenue sa barangay San Roque, Quezon City kahapon.
07:08Nang sumalpok sa poste ang modern jeep ni Nayan na puno ng pasahero.
07:13Sa lakas ng pagbangga, umalog ang poste at tumalsik sa kalsada ang mga nasirang parte ng traffic light.
07:21Wasak ang harapang bahagi ng modern jeep.
07:25Sa isa pang anggolo ng CCTV, makikitang nag-overtake ang modern jeep sa isang traditional jeep.
07:31Kapit na kapit po ako, tapos pagdating po dito, sumingit po siya dito sa gilid.
07:36Tapos bigla po kaming sumalpok.
07:38Tapos napapikit na lang po pagtingin ko yung mga pasahero, nasa harap niya.
07:44Dalawampot dalawang pasahero ang sugatan, tabi lang ang anim na minor de edad.
07:49Ang pinakabata, apat na taong gulang na lalaki.
07:53Ang pasahero naman ang nakaupo sa tabi ng driver, critical ang kondisyon.
07:58Ang naipit kasi yung paan niya eh. At saka siya yung napuruhan because ang pwesto niya ay nandun sa side
08:05ng driver.
08:06Yun yung mismong tumumbok or sumalpok doon sa poste.
08:11For sure po yung paanon may bali and yung ibang part ng katawan more or less may fracture doon.
08:18As of now, wala pa naman pong sinabi na inamputate or pinutol.
08:23Ang driver ng modern jeep, nakaidlip habang nagmamaneho.
08:27Pitong oras na raw siyang nagmamaneho ayon sa pulisya.
08:31Nakatulog po ako ma'am, mga oras na po yun.
08:34Hindi ko rin po akala na mapipikit po ako ng ganong katagat pagkising ko po.
08:38Ayun na po yung nangyari sa akin.
08:39Hindi naman po akong antok, hindi rin po po yan.
08:41Ano lang po, parang nahipan lang po yung mata ko.
08:45Napikit po ako.
08:46Mayingi po ako ng pasensya niya. Hindi naman po ang gusto niya nangyari.
08:48Nag-negatibo sa alcohol test ang driver habang hinihintay pa ang resulta ng drug test niya.
08:54Posible siyang maharap sa reklamong reckless imprudence resulting in multiple physical injuries and damage to property.
09:01Nakikipag-ugnayan na ang QCPD Traffic Enforcement Unit sa Land Transportation Office
09:06para maisyuhan ng show cost order ang driver at operator ng sumalpok na modern jeep.
09:13Bea Pinlak, nagbabalita para sa GMA News.
09:18Ayun po kay QCPD Traffic Enforcement Unit Chief Police Lieutenant Colonel Joseph Joffrey Lim,
09:26pumanaw na ang isa sa mga pasehero ng modern jeep na sumalpok sa poste.
09:31Dalawang put-isa naman ang bagong nga bilang ng mga sugatan at lahat po ay nakalabas na sa ospital.
09:45More than a competition, tinitingnan daw ni Jeremy ng P-Pop Boy Group Horizon
09:49ang pagsali niya sa Stars on the Floor na training ground to improve his dancing skills.
09:54Napakita namin na Tishanti na kakaiba, kaya namin kahit maging femme.
10:00Ako, especially ako lalaki, naging babae talaga ako doon.
10:03Nag-commit talaga ako into that character.
10:06Lagi ko lang po na yung look forward na comment is yung kay Coach Shebe.
10:09Isa ang horizon sa representatives ng Pilipinas sa ginanap na ASEAN Korea Music Festival o Round 2026,
10:17na layong pala kasi ng musical bond among ASEAN nations and Korea.
10:21Bukod kay Jeremy ng Horizon, nagpasiklap din si na Sofia ng Kaya at Joker ng First One.
10:29Ito ang unang pagkakataong ginanap sa Pilipinas sa international musical event.
10:33At isa sa hosts ang kapusong artist na si Gabby Garcia.
10:38And I am Gabby Garcia from the Philippines!
10:43It's such an honor kasi it's such a big and prestigious festival here in the Philippines.
10:47And ang ganda din yung initiative ng ASEAN to form this festival kasi you get to also listen to the
10:53music of other countries.
10:55And it's a nice opportunity to collaborate Filipino talent with different talents across Southeast Asia.
11:01Co-host ni Gabby ang Korean singer-songwriter na si 10CM,
11:06na nasa likod ng ilang K-drama soundtrack.
11:08Jam-packed ang Smart Araneta Coliseum dahil sa two-day event.
11:12Standout ang performance ng Korean group Mellow Man's na kinanta ang Love Maybe,
11:18nakabilang sa soundtrack ng K-drama Business Proposal and animated film K-pop Demon Hunters.
11:25Pumatok din ang sariling rendition ng Brunean singer na si Shafik Abdila ng OPM song na Pasilyo.
11:31Hindi rin nagpahuli ang Filipino singers, sina T.J. Monterde, grupong Cup of Joe at Ben & Ben na sinabayang
11:41kumanta ng crowd.
11:42Athena Imperial Nagbabalita para sa Jemmy News!
Comments