00:00Namahagi ng doxycycline sa mga residente ang mga otoridad sa Navotas bilang pangontra sa leptospirosis.
00:07Paalala naman po ng DOH, dapat mayroong reseta ng doktor bago uminom nito.
00:12Nakatutok si Jamie Santos.
00:17Bukod sa food packs at gamot, kasama rin ipinamahagi ng mga tauhan ng barangay NBBS
00:23Dagat-dagatan sa Navotas sa mga residente ang apat na tableta ng doxycycline.
00:27Utos daw ito ng Navotas City Health Office para sa mga lumusong sa baha.
00:32May kalakip na leaflet na may gabay sa tamang pag-inom.
00:36Ipinaliliwanag din ang barangay health worker at nurse na preventive measure daw ito laban sa leptospirosis.
00:42Yung dalawang gamot sa ano lang yung paglusong, pero pag may sugat po, good for five days ang bigayo po.
00:49So yung bawat po magkiklaim ng ating may mga staff, netanungin po natin kung lumusong or hindi po.
00:55Iyan po kailangan inumin lang kapag lumusong sa baha.
00:58At lalo at may sugat.
01:00Isa sa mga nakatanggap ng food boxes at gamot si Elsie.
01:03Hindi raw niya naiwasang lumusong sa baha kamakailan.
01:06Hindi ka kikita, hindi ka kakain, hindi ka lumusong sa baha.
01:10Mahirap din kapag tinamaan ng leptospirosis.
01:13Sakit na karaniwang nakukuha sa ihi ng daga, lalo na kung nahahalo ito sa baha.
01:18Ayon kay infectious disease expert Dr. Ron Jean Solante, kapag may sintomas gaya ng kaunti lang ang ihi,
01:25pananakit ng katawan at binti at pamumula ng mata, agad magtungo sa ospital dahil wala itong mabisang lunas sa bahay.
01:32Pag mayroon ka ng gano'ng sintomas, that's for all if moderate to severe na yan eh.
01:37So kailangan mo ng antibiotic niya na ipadaan sa swero.
01:40Kung malayo kayo sa ospital or especially sa mga area na very low ang access,
01:47siguro by the time na mag-unang may mga sintomas na kayo, mga nag-lepto, alam niyo mga sumugod,
01:53kayong pumupunta sa ospital, it will really take time pero mas maigi na magpunta na lang kaysa yung severe na.
01:59Bagamat doxycycline ang antibiotic na palaging ginagamit laban sa leptospirosis para sa mga lumusong sa baha,
02:06may sugat man o wala, paulit-ulit na babala ng Department of Health, dapat may reseta muna ng doktor bago uminom nito.
02:14Hindi kasi OTC o over-the-counter ang doxycycline.
02:17At kapag mali ang pag-inom, pwedeng mawalan ito ng visa at magdulot ng mas matagal o mas malubhang sakit.
02:24Nakadepende ang tamang pag-inom sa exposure o antas ng panganib ng taong lumusong sa baha.
02:30Sa ngayon, nasa 130 cases ng leptospirosis ang naitala sa San Lazaro Hospital.
02:36Nitong mga nakaraang linggo, labing lima ang nasawi.
02:40Pero ang tingin ko dito, hindi ito wabot sa health emergency.
02:45If we are going to extend yung incubation yan na three weeks,
02:49mukhang meron pa rin tayong mga kaso next week, beginning next week,
02:54pero hindi na ganun kadami ito pag konti-konti nilang.
02:57Para sa GMA Integrated News, Jamie Santos, nakatutok 24 oras.
Comments