00:00Unconstitutional
00:30Umalma ang ilang House prosecutors sa naging desisyon ng Senado bilang impeachment court
00:36sa paglilitis kay Vice President Sara Duterte na ibalik ang impeachment complaint sa Kamara.
00:41Sa isang pahayag sa GMA Integrated News, sinabi ni Manila 3rd District Representative Joel Chua,
00:47isa sa mga House prosecutor na mandato ng Senado na magproceed sa trial.
00:52Ang pagrimand sa Kamara ng Articles of Impeachment ay hakbang daw na paatras imbis na pasulong
00:57at ito raw ay unconstitutional.
01:00Kung nais daw ng Senado ng certification, pwede naman daw itong hingin sa Kongreso.
01:05Maituturing din daw bilang certification ng Articles of Impeachment.
01:09Nananawagan naman ng indignation rally ang makabayan block sa Senado,
01:13kasunod ng desisyon ng impeachment court.
01:15Binatikos naman ang ilang grupong nagvigil sa labas ng Senado
01:19ang desisyon nitong ibalik sa Kamara ang impeachment complaint.
01:23Napakaduwag ng mga Senador na nagremand ng impeachment complaint
01:27pabalik sa House of Representatives.
01:31Pagkatapos ng ilang buwan na denable nila yung impeachment complaint.
01:35Pagkatapos nilang manumpa, magrobe,
01:39tapos i-re-remand lang nila pabalik sa House of Representatives ang impeachment.
01:43Nakakapikon po, nakakainis, nakakaasar dahil i-binalik na naman po ng Senado
01:50ang impeachment trial complaint sa House of Representatives.
01:55Muli na naman po tayong pinaasa ng ating mga binotong Senador.
02:00Sabi naman ang isa pang House impeachment prosecutor
02:02at ilo-ilo 3rd District representative na si Lawrence Defensor,
02:05ang ginawang pag-remand ng Senado sa impeachment case ay mapanganib na president.
02:10Hindi raw opsyon ang pag-remand, tanging-acquit o convict lang daw ang opsyon sa trial.
02:15Ang ginawang hakbang, malinaw raw na pagsagasa sa konstitusyon at demokrasya ng bansa.
02:21Sinisika pa namin kunan na reaksyon ang Senado.
02:24Bago ang hakbang ng impeachment court,
02:26naghayag ng kahandaan ang House Prosecution Panel
02:29para sa presentasyon ng Articles of Impeachment sa Senado.
02:32Giit nila pwedeng tumawid ang impeachment proceedings sa 20th Congress.
02:36E.J. Gomez, nagbabalita para sa GMA Integrated News.
02:41Pinasasampahan ng mga reklamong kriminal si Vice President Sara Duterte
02:46kaugnay sa paglustay umano ng confidential funds ng OVP at DepEd.
02:51Bataya sa rekomendasyon ng House Committee on Good Government and Public Accountability.
02:56Bukod sa mga reklamong kriminal, inadapt din ang Kamara ang rekomendasyon ng Kumite
03:00na sampahan ng bisi at iba pang opisyal ng OVP at DepEd
03:03ng civil at administrative charges.
03:06Kabilang dito ang plunder, technical malversation, bribery, perjury,
03:12use of falsified documents, betrayal of public trust, at iba pa.
03:17Pino na ng Kumite ang hindi pagdalo ng bisi sa mga pagdinig,
03:20pagtangging sumagot ng kanyang mga opisyal sa OVP at DepEd,
03:23pati ang mga kadudadudang pangalan na nakapirma sa mga acknowledgement receipt
03:27ng confidential funds.
03:30Sinusubukan pa namin kunan ng pahiyag si Vice President Duterte,
03:33pero una na niyang tinanggi na may maling paggamit sa naturang pondo.
03:39Di sinailalim ni Pangulong Bongbong Marcos sa isang taong State of Calamity ang Eastern Visayas.
03:45Yan po ay para mas mapabilis ang pagkukumpuni sa San Juanico Bridge.
03:50Efektibo ang deklarasyon mula June 5.
03:52Iniutos na ng Pangulo sa Department of Public Works and Highways
03:55na makipagtulungan sa mga lokal na pamahalaan para mapabilis ang pagsasayos.
04:00Ang mahigit dalawang kilometrong haba na San Juanico Bridge
04:04ay nagdurugtong sa Leyte at Samar Provinces.
04:08Nitong Mayo, sinimulang ipagbawal ang mga sasakyang lampas tatlong tonelada
04:12ang bigat sa San Juanico Bridge
04:14nang matuklasang may seryosong pinsala ang ilang bahagi nito.
04:18May itinalaga namang alternatibong ruta para sa mga sasakyang hindi makakadaan sa tulay.
04:23Bawal ding dumaan o maglakad sa tulay ang mga pedestrian.
04:30Sub indo by broth3rmax
Comments