00:05Nalimas ang mahigit 50,000 pisong laman ng e-wallet ng isang senior citizen sa Escalante Negros Occidental.
00:12Kwento ng anak ng biktima, may isang lalaking nagpa-cash-in sa e-wallet sa kanilang tindahan.
00:17Sinabi ron ng customer na wala siyang natanggap na OTP o one-time password kaya hiniram niya ang cellphone ng
00:23biktima para daw kunin ang reference number.
00:26Napagalamin nila kalaunan na nilink pala ng lalaki ang e-wallet ng senior citizen sa isang online shopping app.
00:33Sa loob lang daw ng dalawang araw, nilimas ang laman ng e-wallet.
00:37In-report na sa pulis siya ang pagnanakaw.
00:40Payo ng PNP Anti-Cyber Crime Group sa e-wallet users,
00:43huwag ipagamit ang inyong e-wallet account sa ibang tao.
00:47Huwag ipamigay ang inyong one-time password.
00:49Iwasang pindutin ang mga kahinahinalang links at laging ilog out ang inyong e-wallet account pagkatapos gamitin.
Comments