Skip to playerSkip to main content
Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Magsisimula na po sa June 8 ang bagong 3-term school calendar na ipatutupad ng DepEd
00:05at magsisimula ang unang termino sa mga paonang aktibidad mula po June 8 hanggang 11.
00:11At sa June 15 ang simula ng regular na klase na tatagal hanggang ikalabing lima ng Setiembre.
00:17Mula ikalabing anin ng Setiembre hanggang Desyembre ang ikalawang termino.
00:21At sa Enero naman ang simula ng ikatlong termino.
00:24Magtatapos ang school year sa April 8, 2027.
00:27Ang mga pribadong paaralan, pwede raw tularan ang 3-term school year
00:31basta't sundin ang wastong bilang ng school days na itinakda ng kagawaran.
00:38Pinatawag po ng Civil Aviation Authority of the Philippines o CAAP
00:41ang mga piloto ng aeroplano ng Philippine Airlines na nag-emergency landing sa Iloilo.
00:46Ay po sa PAL, kailangan nilang i-divert ang flight sa Iloilo bilang bahagi ng safety protocol
00:50mga tapos makaranas ng tinatawag na pressurization indication.
00:55Saksi, si Katrina Song.
01:04Panay ang paypay at nakatayo na ang ilang pasahero sa loob ng flight TR2544 ng Philippine Airlines kahapon.
01:12Maya-maya, biglang may inanunsyo ang piloto.
01:36May mga pasaherong nahirapan ang huminga at gumamit na ng oxygen mask.
01:46Nag-emergency landing sa Iloilo International Airport ang aeroplano mula Dumaguete City at papuntasan ng Maynila.
01:54Kwento ng isang pasahero, wala nang sumakay sila sa aeroplano.
01:58Hindi na gumagana ang aircon.
02:00Hindi pa rin daw ito gumana hanggang sa makalipat kaya naging sobrang inip sa loob ng aeroplano.
02:05Ang experience namin, parang nakasakay sa loob ng kotse na walang aircon and then summer.
02:12Yung feeling na yun, parang almost an hour yung gano'ng eksena sa loob ng aircraft.
02:21Nakailang tanong na rin daw sila sa mga flight attendant.
02:24Wala talagang mabigay na exact information, even the flight attendants or the cabin crews.
02:31So ang sinasabi ng samin is they just apologize kung ano yung mga experience namin.
02:38Tapos they're making sure lang na parang they're trying their best.
02:44Nabahala rin daw ang mga pasahero nang makita na ilang matatanda na ang nahihirap ang huminga maging mga bata.
02:52Medyo crucial doon, may isang baby doon na sobrang affected ng situation na nag-turn na siya ng violet.
03:00Nakamontik na talaga siyang mawala.
03:04Puti na lang meron kami ng ibang mga passengers na merong knowledge sa first aid.
03:14Nakadagdag takot naman ang paglapag ng eroplano para sa isa pang pasahero na pitong buwang buntis.
03:20Ayon kay Alain, mabilis at puno ng turbulence ang emergency landing mela.
03:25Dahil mainit sa loob ng eroplano, marami sa mga nakatatandang pasahero ang kinailangan ng tulong paglapag.
03:32Sa inilabas na statement ng Philippine Airlines,
03:35Sinabi nitong nakaranas ang PR2544 ng pressurization indication.
03:39Kaya kinailangang i-divert ang flight sa Iloilo bilang bahagi ng safety protocol.
03:45Ligtas naman daw na nakalapag ang eroplano.
03:47Batid daw ng pal na naging mahirap ang sitwasyon sa mga pasahero.
03:51At nagbigay daw sila ng assistance sa mga pasahero at crew.
03:55Kinumpirma rin ang Civil Aviation Authority of the Philippines, OCA, pag-insidente.
04:00Ligtas din daw ang mahigit sanda ang pasahero kabilang ang tatlong sambol.
04:04Agad din daw na nabigyan ng tulong medikal ng airport medical personnel ang mga pasahero.
04:09Iniimbestigahan na rao ng kaapang insidente at pakikipag-ugnayan na rin sila sa airline.
04:14Ipinatawag na rin ang mga piloto sa naturang flight para mag-report sa kanilang flight standards and inspectorate service.
04:21Ako si Katrina Son, ang inyong saksi.
04:27Ipinuturin po ng Czech Police na specific case o particular na kaso ang sitwasyon ni dating Congressman Zaldico.
04:33At kinumpirma rin ng Czech Police isang nagkaroon ng intervention ang kaugnay kay Ko.
04:38Pero hindi po sila nagbigay ng detalye.
04:40Ayon sa Czech Police, ang kanilang Ministry of Justice ang otorizadong magsalita tungkol kay Ko.
04:46At magpapadala naman ang Pilipinas ng high-level coordination team para tutukan ang kaso ng dating kongresista.
04:52Saksi, si Marie Zumali.
04:57We will bring Zaldico home and we will do so in accordance with the law.
05:02He will answer to the Filipino people.
05:04Binigyang diin ni Pangulong Bombo Marcos na gagawin ng gobyerno ang lahat ng kailangang hakbang
05:09para maibalik sa Pilipinas si dating Congressman Zaldico.
05:13Naharap sa patong-patong na kaso si Ko, kaugnay ng flood control stand-up.
05:17Inutusan ko ang Department of Justice kasama ang Department of Foreign Affairs na pangunahan ang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad
05:26ng Czech Republic
05:27upang matiyak na maayos at naayon sa proseso ang lahat ng kinakailangan.
05:34Magpapadala rin ng high-level coordination team upang tutukan nito.
05:38Nasa kustudiya ng mga otoridad sa Czech si Ko, matapos daw niyang magtangkang lumabas sa Czech Republic.
05:44Pero kulang ang kanyang travel papers kaya di pinatawid sa German border at pinabalik.
05:49Hanggang ngayon matipid ang impormasyon kaugnay sa kanyang pagkakahuli maliban sa nabanggit ng Pangulo.
05:55Tikom din ang bibig ng karamihan sa mga opisyal ng Foreign Affairs Department at maging ng mga kawaninang embahada ng
06:01Pilipinas sa Czech Republic.
06:02Sa ngayon, hindi pa malinaw kung kailan target maibalik sa bansa si Ko.
06:07Ang ganitong mga proseso ay may sinusunod ng mga legal na hakbang sa pagitan ng mga bansa.
06:13Kaya't nangangailangan na sapat na panahon upang maisagawa ng tama.
06:18Gaano nga ba kahirap itong gawin gayong wala namang extradition treaty ang Pilipinas sa Czech Republic?
06:23Ayon sa international law expert na si Attorney Mike Few, isang diretsyo at pinakamabilis na paraan daw ay deportation.
06:31This is a sovereignty question. It's a non-national of the country who is entering the country and is not
06:39documented and has no right to be there.
06:41Especially if there is no passport which is the most critical requirement apart from the visa.
06:47Nagiging mas komplikado lamang daw ang sitwasyon kung talagang may hawak na Portuguese passport si Ko.
06:52It will be complicated if Portugal will intervene because it has a right to protect its national.
06:58May dalawa siyang pwedeng i-argue na malaki.
07:00Yung una is violation of his private life, Article 8 ng European Convention.
07:04Bukod pa ito sa kung ano man ang nasa Portuguese constitution.
07:08The other thing is pwede niyang i-argue yung hindi siya pwedeng i-deport kung ang pupuntahan niya na bansa
07:15ay ipapersecute siya or may torture na mangyayari.
07:18Sabi ni Atty. Tew, mahirap daw gamitin ang political asylum bilang depensa.
07:23Mahirap din yun kasi kailangan yung political persecution.
07:26Eh, hindi naman ito persecution kasi may mga kaso siya.
07:30So, pinaprosecute siya but hindi siya pinapersecute for his political opinion.
07:33He has to be persecuted for his political opinion.
07:36Wala naman siyang political opinion.
07:38Ang isa pang paraan para mapauwi sa bansa si Poe ay sa pamamagitan ng mutual legal assistance at diplomasya sa
07:44paglutas ng issue.
07:45Ayon kay Tew, karaniwang nagkakaisa ang mga bansa dahil sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay ng mga estado sa international law.
07:53Hindi rin daw itinuturing na malaking hadlang ang medical reason kung may kakayahan namang tugunan nito sa Pilipinas.
08:00Pinalutang din ng National Bureau of Investigation o NBI ang posibleng paggamit ng UN Conference Against Corruption o UNCAC para
08:07mapabalik sa bansa si Poe.
08:09Kapwa signatory sa UNCAC ang Pilipinas at Czech Republic.
08:12Czech Republic and the Philippines is both signatory to the United Nations Conference Against Corruption.
08:19So we have mutual responsibility on this matter.
08:22Pusibleng rin daw ito ayon kay Tew.
08:23Nakasaad dito na magtutulungan ang mga estado sa mga emestigasyon at proceedings na may kinalaman sa korupsyon.
08:30Ako si Mariz Umaliang Inyo, Saksi.
08:34Walang planong Iran na lumahog sa ikalawang round ng peace talks na alok ng Amerika.
08:39Kasunod po yan ang anilay armadong pamimirata ng Amerika sa isang cargo vessel ng Iran.
08:44Ating saksihan!
08:49Motor vessel Tosca, motor vessel Tosca, vacate your engine room, vacate your engine room.
08:55We're prepared to subject you to disabling fire.
08:58Anim na oras umano naka-standoff ng mga tropa ng Amerika.
09:02Ang barkong ito na patungo sa isang pantalan sa Iran.
09:05Ayon sa U.S. Central Commander, lumabag umano ang Iranian flag cargo vessel sa naval blockade ng Amerika.
09:12Ilang sandali pa, pinunter yan ang destroyer ng Amerika ang engine room ng barko.
09:25Pinasok ng U.S. Marines ang barko na ngayon nananatili sa kustudiya ng Amerika.
09:29Ayon sa militar ng Iran, galing China ang naturang barko.
09:33Nangako silang gaganti sa anilay armadong pamimirata na ginawa ng Amerika.
09:39Ayon naman sa Foreign Ministry ng Iran, tila hindi seryoso ang Amerika sa diplomatikong proseso para matapos ang gera.
09:45Inakusahan din nila ang Amerika ng paglabag sa tinggil putukan.
09:49Si Trump, inakusahan din ang Iran ng paglabag sa ceasefire.
09:53Kasabay nito, sinabi ni Trump na magpapadala siya ng mga kinatawan sa Pakistan para sa negosasyon.
09:59Inulit din ni Trump ang kanyang banta na wawasaki ng lahat ng power plant at tulay sa Iran kung di
10:04tatanggapin ang Iran ng kanilang mga kondisyon.
10:07Pero ayon sa Iran, sa ngayon wala silang planong lumahok sa ikalawang round ng negosasyon.
10:11Nitong biyernes, binuksan ang Iran ng Strait of Hormuz para sa mga commercial vessel.
10:16Pero muli ring isinara nitong Sabado dahil sa blockade ng Amerika sa mga barko at pantalan ng Iran.
10:21Ako si Jonathan Andal, ang inyong saksi.
10:24Iginiit ng celebrity engineer na si Slater Young na hindi ang proyekto nilang na Monterasas de Cebu
10:30ang dahilan ng matinding baha noong bagyong tino noong Nobyembre ng 2025.
10:35Ayon kay Young, may pag-aaral ang University of the Philippines, Diliman College of Science,
10:39Institute of Environmental Science and Meteorology,
10:42na ang napakaraming ibinuhus na ulan ng bagyo ang dahilan ng matinding pagbaha.
10:47Nakatulong din daw ang water management design ng proyekto
10:50para hindi maging agaran ang pagbaha sa lugar.
10:53Pinili raw ng kanilang kampo na hindi muna magsalita kaugnay nito
10:56at sa halip ay hinintay muna nilang matapos ang pag-aaral.
11:02These were done by scientists with no connection to the project.
11:06They found that Monterasas did not cause or worsen the flooding.
11:12Tayfontino dumped over a month's worth of rainfall on Cebu in one single day.
11:17And that amount of water would have flooded those areas regardless of what was or was not built.
11:27Ipagpapatuloy ng House Committee on Justice sa miyerkules
11:30ang pagdinig sa mga impeachment complaint laban kay Vice President Sara Duterte.
11:34At ipinababalik naman ang Commission on Audit
11:36ang 375 million pesos ng confidential funds na ginamit umano ng Office of the Vice President.
11:47Ito ang kopya ng Notice of Disallowance ng Commission on Audit
11:51na nag-uutos kay Vice President Sara Duterte at tatlong iba pa
11:56na isauli ang 375 million pesos na confidential funds
12:00na ginamit ng OVP noong unang tatlong quarters ng taong 2023.
12:05Base sa dokumentong ibinigay sa media ni House Justice Committee Member Representative Terry Ridon
12:12ginamit ang pondo sa tatlong cash advances na tig 125 million pesos
12:17mula February 6, 2023 hanggang September 30, 2023.
12:23Ilang bagay ang ipinunto ng COA Intelligence and Confidential Funds Audit Office
12:28sa Notice of Disallowance.
12:30Una rito, labag daw sa Joint Circular ng Komisyon
12:34ang utos daw ni Vice President Duterte
12:36na ibigay ang mga cash advance para sa confidential expenses
12:40kay dating Vice President Security and Protection Group Head
12:44Colonel Raymond Dante Lachica.
12:46Sa naturang Joint Circular,
12:48nakasaad na hindi pwedeng ilipat ang accountability ng cash advance sa ibang tao.
12:54Pino na rin na sa pagbabayad ng 62 million pesos na reward,
12:58hindi raw nagsumite ng supporting documents
13:01para patunayan ang tagumpay ng information gathering at surveillance activities.
13:06Pinunto rin sa pagbili ng 199 million pesos na supplies
13:10at ayudang gamot at pagkain,
13:13acknowledgement receipts lang ang isinumite ng OVP.
13:16Para raw matiyak ang validity na mga ito,
13:19dapat daw magsumite ng official receipts o sales invoices.
13:23Bukod pa rin yan, may dalawang disbursement din daw ng pondo
13:27na TIG 150,000 pesos na na-discovering ginamit
13:31para raw i-reimburse ang pondong na gastos
13:34baga raw na grant ang cash advance noong July 2023
13:38bagay na bawal sa alituntunin ng COA.
13:41Ang nakikita ko natin dito talaga nga,
13:43ito po ay pattern ng confidential funds misuse.
13:48Halos pare-pareho lang po yung batayan eh.
13:51Kung bakit po nagkaroon ng ND under yung 2022 confidential funds
13:57at ito po nga pangalawa ng ND relating to 2023 confidential funds.
14:04If they weren't able to justify it the first time,
14:06I'm quite certain they weren't able to justify it the second time.
14:11Hindi ba?
14:12Kasi pareho lang naman yung batayan eh,
14:14noong binabanggit noon.
14:15It supports the allegation of misuse of confidential funds
14:21at least in as far as the Commission on Audit is concerned.
14:25Ang posisyon ng COA still is
14:28the rules under the Joint Circular No. 2015-01
14:33was violated as well
14:35and I believe that these are significant
14:37at least for the purpose of determination of probable costs.
14:42Pwede pang i-appela ng Office of the Vice President
14:44ang Notice of Disallowance ng COA
14:47sa P375M Confidential Funds.
14:50Pero ayon sa House Committee on Justice,
14:53pwede na itong maging pasehan sa pagdesisyon ng Komite
14:56kung may probable costs o wala laban sa BICE.
14:59Sa susunod na hearing sa Merkules,
15:02umano'y unexplained wealth ng BICE ang tatalakayin.
15:06Kasama sa mga sinagpina ay ang Office of the Ombudsman,
15:09Anti-Money Laundering Council,
15:12dating Sen. Antonio Trillanes IV,
15:14Securities and Exchange Commission,
15:16at Bureau of Internal Revenue.
15:19Pending pa sa Quezon City Regional Trial Court
15:22ang petisyon ng asawa ni VP Duterte
15:24na si Atty. Manasa Scarpio
15:26para pigilan ang pagsusumite ng BIR
15:29ng kanilang income tax returns sa Komite.
15:32Since it has been submitted already
15:35during the last hearing that was April 14,
15:40that is the reason why I said
15:42the issue of issuance of TRO
15:45is already moot and academic.
15:47Si Senate President Tito Soto,
15:49naghahanda na para sa posibleng pag-transmit
15:52ng Articles of Impeachment sa Senado
15:54na uupong impeachment court.
15:57Pinag-aaralan na raw niya ang rules of court
15:59at ikinukumpara ito sa rules ng Senado.
16:03Inimbitan niya ang ilang senador
16:04mula sa Majority Block sa isang hapunan
16:07kung saan na pag-usapan ito.
16:09Hindi naman nagustuhan ni Soto
16:11ang pahayag ni dating Presidential Spokesperson
16:14Salvador Panelo
16:15na desidido na raw si na Soto,
16:18Sen. Panfilo Lacson,
16:19Sen. Risa Ontiveros,
16:21at Sen. Kiko Pangilinan
16:23na i-convict si Sarah.
16:25Tanong ni Soto,
16:26may crystal ball daw ba si Panelo?
16:28Tiniyak niyang mananatili silang impartial
16:31at hihintayin nila kung anuman ang ipipresenta
16:34sa Senate Impeachment Court.
16:36Ako si Tina Panganiban Perez,
16:39ang inyong saksi.
16:41Sabi naman po ng Office of the Vice President
16:44natanggap na nila ang Notice of Disallowance
16:46para sa 2023 Confidential Funds
16:48at gagawa raw sila ng mga nararapat na hakbang
16:51para maramedyohan ng issue
16:52ng naaayon sa mga alituntunin
16:54ng Commission on Audit.
16:55Samantala,
16:56wala pa raw silang natatanggap
16:58na kopya ng desisyon ng COA
16:59ukos sa 2022 Confidential Funds
17:02na binanggit sa pagdinig
17:03noong isang linggo
17:04sa House Committee on Justice.
17:06Kaya hindi pa raw sila
17:07makakapagkomento ukol dito.
17:09Kagnay po ito ng 73 million pesos
17:11na confidential funds
17:13na dinis-allow din ng COA.
17:16kaya hindi kao.
17:19Kaya hindi pa raw sila ng
17:19ngaan sa maga.
17:19Kaya hindi pa raw sila ng
17:21mga ngay.
17:21Kaya hindi pa raw sila ng
Comments

Recommended