Skip to playerSkip to main content
President Bongbong Marcos will send a "high-level coordination team" to bring former Ako Bicol party-list Rep. Zaldy Co back to the Philippines.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Itinuturing po ng Czech Police na specific case o particular na kaso ang sitwasyon ni dating Congressman Zaldico.
00:07At kinumpema rin ng Czech Police na nagkaroon ng intervention ang kaugnay kay Ko.
00:11Pero hindi po sila nagbigay ng detalye.
00:13Ayon sa Czech Police, ang kanilang Ministry of Justice ang otorizadong magsalita tungkol kay Ko.
00:19At magpapadala naman ang Pilipinas ng high-level coordination team para tutukan ang kaso ng dating kongresista.
00:25Saksi, si Marie Zumali.
00:30We will bring Zaldico home and we will do so in accordance with the law.
00:35He will answer to the Filipino people.
00:37Binigyang diin ni Pangulong Bombo Marcos na gagawin ng gobyerno ang lahat ng kailangang hakbang
00:42para maibalik sa Pilipinas si dating Congressman Zaldico.
00:46Nahaharap sa patong-patong na kaso si Ko, tawag na'y ng flood control stand-up.
00:51Inutusan ko ang Department of Justice kasama ang Department of Foreign Affairs
00:55na pangunahan ang pakikipag-ugnayan sa mga otoridad ng Czech Republic
01:01upang matiyak na maayos at naayon sa proseso ang lahat ng kinakailangan.
01:07Magpapadala rin ng high-level coordination team upang tutukan nito.
01:11Nasa kustudiya ng mga otoridad sa Czech Siko, matapos daw niyang magtangkang lumabas sa Czech Republic.
01:17Pero kulang ang kanyang travel papers kaya di pinatawid sa German border at pinabalik.
01:22Hanggang ngayon matipid ang impormasyon kaugnay sa kanyang pagkakahuli maliban sa nabanggit ng Pangulo.
01:28Tikom din ang bibig ng karamihan sa mga opisyal ng Foreign Affairs Department
01:32at maging na mga kawaninang embahada ng Pilipinas sa Czech Republic.
01:36Sa ngayon, hindi pa malinaw kung kailang target maibalik sa bansa si Ko.
01:40Ang ganitong mga proseso ay may sinusunod ng mga legal na hakbang sa pagitan ng mga bansa.
01:46Kaya't nangangailangan na sapat na panahon upang maisagawa ng tama.
01:51Gaano nga ba kahirap itong gawin gayong wala namang extradition treaty ang Pilipinas sa Czech Republic?
01:56Ayos sa international law expert na si Atty. Mike Q,
02:00isang diretsyo at pinakamabilis na paraan daw ay deportation.
02:04This is a sovereignty question.
02:07It's a non-national of the country who is entering the country
02:11and is not documented and has no right to be there.
02:14Especially if there is no passport which is the most critical requirement apart from the visa.
02:20Nagiging mas komplikado lamang daw ang sitwasyon kung talagang may hawak na Portuguese passport si Ko.
02:26It will be complicated if Portugal will intervene because it has a right to protect its national.
02:31May dalawa siyang pwedeng i-argue na malaki.
02:33Yung una is violation of his private life, Article 8 ng European Convention.
02:38Bukod pa ito sa kung ano man ang nasa Portuguese constitution.
02:41The other thing is pwede niyang i-argue yung hindi siya pwedeng i-deport
02:45kung ang pupuntahan niya na bansa ay ipapersecute siya or may torture na mangyayari.
02:51Sabi ni Attorney Tew, mahirap daw gamitin ang political asylum bilang depensa.
02:56Mahirap din yun kasi kailangan yung political persecution.
03:00Eh, hindi naman ito persecution kasi may mga kaso siya.
03:03So, pinoprosecute siya but hindi siya pinapersecute for his political opinion.
03:07He has to be persecuted for his political opinion.
03:10Wala naman siyang political opinion.
03:11Ang isa pang paraan para mapauwi sa bansa si Coe ay sa pamamagitan ng mutual legal assistance at diplomasya sa
03:18paglutas ng issue.
03:19Ayon kay Tew, karaniwang nagkakaisa ang mga bansa dahil sa prinsipyo ng pagkakapantay-pantay ng mga estado sa international law.
03:26Hindi rin daw itinuturing na malaking hadlang ang medical reason kung may kakayahan namang tugunan nito sa Pilipinas.
03:33Pinalutang din ang National Bureau of Investigation o NBI ang posibleng paggamit ng UN Conference Against Corruption o UNCAC para
03:40mapabalik sa bansa si Coe.
03:42Kapwa signatory sa UNCAC ang Pilipinas at Czech Republic.
03:46Czech Republic and the Philippines is both signatory to the United Nations Conference Against Corruption.
03:52So we have mutual responsibility on this matter.
03:55Posible rin daw ito ayon kay Tew.
03:57Nakasaad dito na magtutulungan ang mga estado sa mga emestigasyon at proceedings na may kinalaman sa korupsyon.
04:03Ako si Mariz, umali ang inyong saksi.
Comments

Recommended