Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Narito ang mga nangungunang balita ngayong April 20, 2026


- PAGASA: Water level sa ilang dam, bumaba | Manila Water at Maynilad, gumagawa raw ng paraan para tiyaking sapat ang supply ng tubig ngayong tag-init
- Mga umano'y hindi maipaliwanag na yaman ni VP Sara Duterte, tatalakayin sa impeachment hearing sa Kamara sa April 22 | Ombudsman Remulla at Dating Sen. Trillanes, kinumpirmang dadalo sila sa impeachment hearing sa April 22 | AMLC, SEC, at BIR, ipinatatawag ng House Justice Committee para magsalita tungkol sa hindi umano maipaliwanag na yaman ni VP Duterte | Schedule ng impeachment trial sakaling umabot ito sa Senado, pinaplano na |
Sen. Lacson, pumalag sa mga pahayag ni Atty. Salvador Panelo
- Iran, tinanggihan ang alok na bagong peace talks ng Amerika; tinawag na paglabag sa ceasefire agreement ang pagharang ng Amerika sa kanilang pantalan | Amerika, tinawag na "total violation" sa ceasefire agreement ang pagpapaputok ng Iran sa ilang barko sa Strait of Hormuz


Unang Balita is the news segment of GMA Network's daily morning program, Unang Hirit. It's anchored by Arnold Clavio, Susan Enriquez, Ivan Mayrina, and Mariz Umali, and airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 5:30 AM (PHL Time).


For more videos from Unang Balita, visit http://www.gmanetwork.com/unangbalita. For Kapuso abroad, subscribe to GMA Pinoy TV (http://www.gmapinoytv.com/) for GMA programs.

Category

📺
TV
Transcript
00:27Dano Tingcunco
00:32Dahil ilang buwan ng walang ulan, natutuyo na ang mga tanim na mais at manis sa Dila Sag Aurora.
00:37Sa ilaga ni Sabela, napansin ang pamunuan ng Eco Park ng lokal na pamahalaan na bumaba ang level ng tubig
00:43sa ilog doon.
00:45Maging ang anggat dam na pangunahing pinagkukunan ng tubig sa Metro Manila, bumaba ang level ng tubig.
00:50Sa tala ng pag-asa Hydro Meteorology Division, ang lahat ng dam maliban sa anggat, ipo at lamesa, mas mababa
00:58sa level na sapat para makapagsupply sa mga bahay at sakahan.
01:02Ayon sa Manila Water, bago pa ang tag-init, marami na silang inilatag na hakbang para mapanatili ang supply ng
01:08tubig at mataas na water pressure sa kanila mga customer.
01:11Para mabawasan ang pagdepende lang sa anggat dam para sa supply ng tubig, nagdagdag sila ng iba pang water source.
01:18Yung mga water sources natin ngayon are much more kesa yung mga dati.
01:26When you look at water resource management, this is a spectrum at hindi ito a matter of supply management alone.
01:35Isang supply side at isang demand side.
01:39We're trying all our best to be able to find additional water sources.
01:43Payo ng Manila Water sa publiko, isa sa mga mahalagang hakbang ng pagtitipid sa tubig ang pagtiyak na maayos at
01:50walang tagas o sira ang plumbing system sa bahay.
01:53Sabi ng Maynilad na sumasakop sa West Concessionaire Zone sa Metro Manila,
01:57nagpapatupad din ito ng mga hakbang para masigurong tuloy-tuloy ang servisyon ng tubig sa kanilang nasasakupan.
02:04Ito ang unang balita, Dano Tingkungko para sa GMA News.
02:14May plano na ang liderato ng Senado kung paano pagsasabay-sabayin ang kanilang mga tungkulin,
02:19pati ang impeachment ni Vice President Saro Duterte sakaling umabot na ito sa paglilitis.
02:24Sa pagpapatuloy naman ng impeachment hearing sa Kamara sa Merkulis,
02:28kabilang sa mga harap si na Ombudsman Jesus Crispin Remulia at dating Senador Antonio Trillanes IV.
02:35May unang balita si Jonathan Andal.
02:41Ang mga umanoy unexplained wealth o di may paliwanag na yaman ni Vice President Saro Duterte
02:46ang tatalakayin sa ikalawang pagdinig ng House Justice Committee sa impeachment complaint laban sa kanya sa Merkulis, April 22.
02:53Sabi ni Ombudsman Jesus Crispin Remulia, dadalo siya sa pagdinig,
02:56dala ang mga SAL-N o Statement of Assets, Liabilities and Net Worth ng BSE.
03:01I will show up for a while. Kailangan magsasagot na ng mga tanong yung person in charge of the documents
03:07of the Ombudsman.
03:07Kasi wala ka namang kwan doon eh.
03:09Wala akong kilalaman. Institutional yun.
03:12Just to show respect to the House.
03:13Si dating Senador Antonio Trillanes IV na ipinasampina ng Komite ng nakaraang hearing kinumpirma sa text message sa GMA News
03:20na
03:20tetestigo siya tungkol sa mga umanoy nakaw na yaman ng BSE.
03:24Ipinatatawag din ang Anti-Money Laundering Council, Securities and Exchange Commission at Bureau of Internal Revenue.
03:30Pag na-establish sa mga bank accounts, sa financial documents, yung pong kaso on unexplained wealth, yung pong kaso on
03:40salin violations,
03:41rising to a level of betrayal of public trust, mabupuo po namin sa darating pong pagdinig.
03:48Kapag lumusot ito sa Kamara, tumakyat sa Senado, paano kaya ito'y sasabay ng mga Senador sa kanilang trabahong gumawa
03:54ng batas?
03:55Panukala ni Senate President Pro Tempore Ping Lakson gawin ang impeachment trial tuwing lunes, miyerkules at biyernes, simula alas 3
04:02ng hapon.
04:02Tuwing martes at webes naman ang Senate session at tuwing umaga naman nila gagawin ang mga Komitee hearing.
04:08Halos kapareho ito ng naunang panukala ni Senate President Tito Soto.
04:11Pero para kay Soto, araw-araw ang impeachment trial, lunes hanggang biyernes, alas 3 ng hapon.
04:16Ang lahat ng legislative duties, sabi ni Soto, lunes hanggang miyerkules, alas 9 ng umaga hanggang alauna ng hapon.
04:23Samantala, kinwestiyon at kinontra ni Senador Lakson ang sinabi ni Atty. Salvador Panelo,
04:27dating Presidential Legal Counsel ng Duterte Administration,
04:30na pag umabot aniya sa Senate impeachment trial, tiyak ng bobotong guilty sina Senador Lakson at Soto,
04:36pati na sina Sen. Teresa Ontiveros at Kiko Pangilinan.
04:38Tinawag ni Lakson na nonsensical o walang katuturan ng pahayag ni Panelo.
04:42Tinawana naman yan ni Panelo.
04:44Ha ha ha, nasaktan yung mama sa katotohanan. Masyado naman siyang balat si Buyas.
04:49I wasn't making a premature statement on his impeachment mode.
04:54It was an opinion based on his demeanor as a senator.
04:58Itong unang balita, Jonathan Andal, GMA News.
05:02Muling tinanggihan ang Iranang alok na peace talks ng Amerika sa gitna ng gulo sa pagitan ng dalawang bansa.
05:07Ayon sa news agency ng Iran, kamilang sa mga dahilan ng pagtanggi nila,
05:11ay ang pagharang ng Amerika sa mga pantala ng Iran.
05:14Itinuturing nila yung paglabag sa kasalukuyang ceasefire.
05:17Kahapon, inanunsyo ni US President Donald Trump na magpapadala siya ng mga kinatawan sa Pakistan
05:22para makipagkasundo o at aatake kung tatanggihan ng Iran ang kanilang kondisyon.
05:28Tinawag din ni Trump na total violation sa ceasefire agreement
05:31ang pagpaputok ng Iran sa ilang barko sa Strait of Hormuz.
05:35Itong viernes, binuksan ang Iran ng Strait of Hormuz para sa mga commercial vessels.
05:39Pero, isinara rin muli nitong Sabado dahil sa ginawang paghaharang ng Amerika sa mga barko ng Iran.
Comments

Recommended