00:00Samatala, mas pinalawak ng Transportation Department ang Saklao Naruta para sa Service Contracting Agreement.
00:06Kaya naman bukas, sinaasana mas maraming pampublikong sasakyan ang lalahok sa programa.
00:12Yan ang report ni Elijah Canlas.
00:17Pinalawig pa ng Department of Transportation o DOTR ang Service Contracting Agreement
00:22sa pamamagitan ng pagpapalawak ng Saklao Naruta at pagsasayos ng onboarding ng mga kwalipikadong driver sa Kamainilaan.
00:30Nagsimula na noong nakaraang miyerkoles ang net service contracting program,
00:34ngunit naitala ang matumal na pagsulong nito sa unang linggo.
00:37Dahil sa antala sa proseso, ang Transport Department na mismo ang nagpunta sa mga terminal
00:43para pabilisi ng pag-onboard sa mga driver at operator.
00:46Inaasahang pagdating ng lunes ay nasa higit labing siyam na libong jeepney at UV Express na
00:51ang babiyahe sa ilalim ng nasabing programa.
00:54Tugo nito ng pamahalaan sa pangangailangan ng mga drivers
00:57at para na rin mabawasan ang hirap na dinaranas ng mga komuter.
01:01Kaugnay nito ay nailabas na rin ang fuel subsidy program na may pondong 2 kalahating bilyong piso
01:07para sa mga kwalipikadong benepisyaryo.
01:09Ayon kay Transportation Secretary Giovanni Banoy Lopez,
01:13nasa isa't kalahating bilyo na ang naipapamahagi sa pamamagitan ng mga banko at e-wallets.
01:18Binigyang diin ang kagawaran na may database ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board
01:24o LTFRB para sa listahan ng mga tatanggap ng ayuda.
01:28Meron pong database ang ating LTFRB.
01:34As to whether it is complete that will cover the entire sector po, hindi po.
01:40And there are some reasons for that po.
01:42Under the LTFRB kasi, what they register are supposed to be the legitimate operators and drivers.
01:52Alam naman po natin ngayon na nanangyari sa TNVS and motorcycle taxi,
01:57meron tayong sinasabing tempo.
02:00Sa kabila nito, tiniyak ng pamahalaan na walang maiiwan sa mga driver at operator.
02:05Ang utos ng Pangulo, walang maiiwan na driver, na chupel.
02:11So sabi po namin ni Secretary Rex, for those who are not given o sabi natin tempo, hindi po legitimo,
02:19bibigyan pa rin po ng DSWD ng cash relief assistance.
02:24Bahagi rin ang programa ng DOTR ang Fuel Subsidy Program mula sa mga piling gasolinahan.
02:29Sa ilalim ng programa ay makakakuha ang mga driver ng 10 pisong discount sa bawat litro ng krudo na may
02:36limitasyong hanggang 50 litro kada linggo.
02:38Sa kabila ng kasalukuyang hamon ay nilinaw ng kagawaran na batay sa kanilang datos ay hindi pa matatawag na ganap
02:45na krisis ang sitwasyon sa bansa.
02:48Ako po, ano, kategorically hindi ko pong, hindi ko masasabi, and I'm quite sure based on the data naman,
02:56no, na may transportation crisis.
02:59Ah, there was a time, I think two weeks ago, at least ngayon po ah, ngayong araw, two weeks ago,
03:06may mga transport modes, may mga buses na talagang medyo hindi nila pinabiyahe yung entire fleet nila.
03:15But that alone cannot constitute a transportation crisis.
03:19Patuloy rin na hinihimok ng gobyerno ang publiko na gamitin ang mga pampublikong sasakyan
03:24para sa diskwento sa pamasahe at bilang paraan ng pagtitipid sa konsumo ng enerhiya.
03:30Ipinaliwanag din ang DOTR na may ginagawa na silang paraan para sa pag-upgrade ng mga driver
03:35mula sa traditional tungo sa modernong sasakyan.
03:38Maganda yung EV, walang problema po dyan.
03:41But to require it as a, kung maka to mandate it as the sole transportation system,
03:48hindi hong magandang pulisiya yan sa pananaw mo.
03:52Magsisilbing gabay ang patuloy na diyalogo sa mga transport groups
03:55para matugunan ng mga suliranin at mas mapaayos ang serbisyo sa Pilipino.
04:00Sa susunod na linggo ay magkakaroon ng pagpupulong kasama ang mga transportation network companies o TNC
04:06para matugunan ng sitwasyon para sa mga unregistered TNVS at MC taxi drivers.
04:11Ito ay para makakuha rin sila ng tamang prangkisa at masiyasat din kung ano ang mga paglabag ng mga TNC
04:17patungkol sa mga tinaguriang tempo drivers.
04:20Elijah Canlas para sa Pambansang TV
04:23Sa Bagong, Pilipinas
Comments