Skip to playerSkip to main content
  • 18 minutes ago
Malacañang, tiniyak na wala pa sa state of national emergency ang bansa | ulat ni Jessee Atienza

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Tiniyak ng Malacanang na kontrolado pa ang sitwasyon sa bansa at hindi pa kailangang magdeklara ng state of national emergency.
00:08Yan ang ulat ni Jesse Atienza ng PTV Sabi.
00:12Pinawi ng palasyo ang pangamba ng publiko in control of the situation.
00:17Umano ang Pangulo.
00:19Sa gitna yan ang panawagan ng iilan kay Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
00:23na magdeklara ng state of national emergency at itake over ang oil industry sa bansa.
00:30Para tugunan ang kinakaharap na problema sa patuloy na pagtaas ng presyo ng petrolyo,
00:35bunsod ng sigalot sa Middle East.
00:37Sa ngayon po ay wala pa po tayo sa ganun sitwasyon.
00:40Dahil ang pamahalaan po sa pamamagitan ng Department of Energy sa pamumuno po ni Secretary Sharon Garin
00:47ay nakakausap pa po ang mga oil companies, ang namumuno sa mga oil companies
00:53at wala pa po tayo sa ganun sitwasyon.
00:55At ngayon po ay binabalangkas at gawin pong batas ang pagbibigay ng kapangirin sa Pangulo
01:02para mabawasan ang karagdagang buwis sa mga produktong crudo or fuel.
01:09Ang pakiusap lamang po natin sa ngayon dahil nasa sitwasyon tayong ganito.
01:13So, let us refrain from doing activities like fear-mongering.
01:21Mas nakakadagdag po ito ng takot sa ating mga kababayan,
01:25samantalang ang Pangulo po at ang gobyerno ay still under control.
01:31In control of the situation.
01:33So, wala pa po tayo sa ganun sitwasyon.
01:34Inihayag ng palasyo na nakatakdang magbigay ng cash relief assistance
01:38ang pamalaan sa 261,000 na mga driver ng bus, jeep at maging sa motorcycle taxi sa Metro Manila.
01:46At magkatapos ng Semana Santa,
01:48ay sisimula naman ang pagbibigay ng fuel subsidy sa labas ng Metro Manila.
01:53Ayon sa palasyo, inaayos na lang ang mga dokumento at records
01:57ng mga beneficiaries na fina-finalize ng DSWD,
02:01kaagapay ang DOTR at LTFRP.
02:03Sa huling linggo ng Marso, ilalabas din ang Department of Transportation
02:08sa pangunguna ni Sekretary Giovanni Lopez ang fuel subsidy.
02:14Ipagpapatuloy naman ang Department of Agriculture
02:17sa pamumuno ni Sekretary Francisco Tulaurel
02:20ang pamamahagi ng 3,000 pisong fuel subsidy para sa mga magsasaka.
02:26Sa Huwebes, mamamahagi rin ang Bureau of Fisheries and Aquatic Resources
02:31ng 3,000 pisong fuel subsidy sa mga mangingisda.
02:36Ang layunin ng Pangulo, tiyakin na may sapat na supply
02:40ng pagkain ang sambayan ng Pilipino.
02:43Batay sa estima, mahigit 26,000 ng mga magsasaka at mangingisda
02:48ang makikinabang sa fuel subsidy.
02:51May karagdagang 2,000 piso naman para sa mga magsasaka at mangingisda
02:56mula sa Presidential Assistance for Farmers and Fisher Folks program.
03:01Hinimok ng Pangulo ang mga LGU na tigilan muna ang paniningil
03:05ng pass-through fees sa mga produktong pangagrikultura
03:08upang maiwasan ang pagtaas ng mga presyo na mga bilihin.
03:12Ayon sa palasyo, nananawagan si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr.
03:16ng pakikipagtulungan ng taong bayan upang sabay na malampasan
03:21ang krisis na kinakaharap ng bansa sa ngayon.
03:24Nanawagan si Pangulong Marcos Jr. sa taong bayan na magkapit-bisig
03:29at makipagtulungan sa pamahalaan para malampasan
03:33ang epekto ng kaguluhan sa Middle East.
03:36Hindi ito ang panahon para maghilahan pababa.
03:41Hindi ito panahon ng paninira
03:44at lalong hindi ito panahon ng pamumulitika.
03:50Sama-sama nating isusulong ang kapakanan ng bansa at ng taong bayan
03:55bago ang sarili.
Comments

Recommended