Skip to playerSkip to main content
  • 2 days ago
Special payout, isinagawa sa mga PUV driver na hindi pa nakakatanggap ng cash relief assistance mula sa pamahalaan | ulat ni Floyd Brenz

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Kapansin-pansin ang napakarami motorcyclo na nakaparada sa palibot ng Quezon Memorial Circle
00:05at harapan ng tanggapan ng ilang ahensya ng pamahalaan simula noong Sabado.
00:10Pila pala ito sa special payout para sa mga rider na hindi pa nakatatanggap ng kanilang ayuda.
00:15Ang detalye sa report ni Floyd Brands.
00:21Maaga pa, nakapila na si Philip para makakuha ng ayuda mula sa Department of Social Welfare and Development o DSWD.
00:28Ayon kay Philip, malaking tulong ito sa kanya sa pang-araw-araw niya at para sa maintenance ng kanyang motor.
00:34At para na rin sa bunso niyang anak na nag-aaral pa.
00:38Kaya naman, laking pasasalamat ito ni Tatay Philip.
00:41Malaki din naman pong tulong kahit pa paano po.
00:44Siyempre, lalo nga kung bumabiyahin kami, ang mahal ng gasolina po.
00:47Kabilang sa mga nakatanggap ang mga motorcycle taxi drivers,
00:50habang tuloy-tuloy rin ang payout para sa mga motorcycle taxi at delivery riders.
00:55Ang hakbang ay bahagi ng mas pinalawak na schedule para ma-accommodate ang mga hindi nakaabot sa naunang distribisyon.
01:02Ayon pa sa mga otoridad, aabot sa 5,000 piso ang matatanggap ng bawat kwalipikadong drivers.
01:09Kinakailangan namang personal na magtungo ang mga beneficaryo sa mga itinakdang payout venues
01:14para maiwasan ng anomalya tulad ng ghost beneficiaries at masiguro ang maayos na distribisyon ng ayuda.
01:21Kabilang sa mga lugar na pinaglalagakan ng payout ang Kaloocan Sports Complex,
01:26Makati Coliseum, Quezon City Memorial Circle at TLC Park Concert Ground sa Taguig City,
01:32kung saan magsisimula ang payout para sa motorcycle taxi at delivery riders,
01:37pinapayuhan din ang mga driver na i-check ang opisyal na Facebook page ng DSWD at LTFRB
01:43para sa listahan ng mga kwalipikadong beneficaryo at iba pang detalye ng payout activities.
01:49Ayon kay Assistant Secretary Dumlao, patuloy ang koordinasyon ng DSWD at LTFRB
01:56para masiguro ang maayos na pamamahagi ng tulong.
01:59Matapos ang payout sa mga unclaimed at unserved drivers sa NCR,
02:03isa sa ilalim pa sa assessment ng DSWD kung kinakailangan pang magdagdag
02:08ng susunod na schedule ng pamamahagi ng ayuda.
02:12Para sa mga hahabol pa bukas, pinapayuhan ang mga beneficaryo na sumunod sa schedule
02:17at dalhin ang mga kinakailangang dokumento para mapabilis ang proseso ng pagkuhan ng ayuda.
02:23Floyd Brents para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended