Skip to playerSkip to main content
Sakto isang linggo nang nasusunog ang landfill sa Navotas ngayong gabi.


Very unhealthy na ang kalidad ng hangin sa Valenzuela habang may diskarte na rin sa ibang lugar para iwas-usok.


24 Oras is GMA Network’s flagship newscast, anchored by Mel Tiangco, Vicky Morales and Emil Sumangil. It airs on GMA-7 Mondays to Fridays at 6:30 PM (PHL Time) and on weekends at 5:30 PM. For more videos from 24 Oras, visit http://www.gmanews.tv/24oras.

#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Sakto isang linggo nang nasusunog ang landfill sa Navotas ngayong gabi.
00:05Very unhealthy na ang kalidad ng hangin sa Valenzuela,
00:08habang may discarten na rin sa ibang lugar para iwas usok.
00:11Nakatutok si Rafi Thima.
00:16Isang linggo mula na magsimula ang sunog,
00:19ganito pa rin ang sitwasyon sa barangay Salambaw sa bayan ng Ubando Balacan
00:22na halos katabi lang ng old Navotas landfill.
00:25Hindi nakita sa kapal ng usok ang katabing barangay Binwangan.
00:28Sa kabila ng ganito kakapal na usok,
00:31hindi lahat ng mga nakatira dito piniling lumikas.
00:34Si Mang Victor, mabilis daw isinasakay ang kanyang pamilya,
00:37kasama ang mga apo kapag pumihit ang direksyon ng hangin patungo sa kanilang lugar.
00:42Umaano kami kung saan walang usok. Doon na lang kami umaano.
00:46Kahit sa gitna ng palaisdaan?
00:48Oo, doon lang talaga kami sa gitna ng palaisdaan kung saan walang usok.
00:54Tulos yung bangka namin, nakapirmis.
00:56Ngayon, naghihintay. Pagko wala lang usok sa tapat ng bahay namin,
01:02paligna ko kami.
01:04Dahil halos lahat ng residente ng dalawang magkatabing barangay ay may bangka,
01:08ganito rin daw ang gawain ng iba.
01:10Ayaw doon nila sa evacuation center.
01:13Kamukha ko ng gano'ng siksikan, parang wala kang...
01:17Eh you know, kahit pa paano, pag nakaiwasan mo na yung hangin,
01:22mga dalawang oras, tatlong oras kang nasa ano, makakabali ka na sa bahay mo.
01:27Malapit nang matapos ang kalsadang ginagawa para maidugtong ang nasusunog na landfill sa mainlandang na botas,
01:32para mas madaling maipasok ang mga gamit at mga panambak na lupa para tuluyan ng maapulang apoy.
01:38Hanggang ngayong hapon, tuloy ang paglagablab ng ilang bahagi ng landfill,
01:42kaya 24 oras na raw ang operasyon para matapos ang kalsada.
01:46Dahil dito, patuloy ang pagbuga nito ng makapal na usok bagamat paibaiba ito ng direksyon.
01:51Kahapon, kita sa aking drone video ang mahabang tila-ulap na ito mula sa landfill padaan sa bayan ng Ubando
01:57hanggang sa direksyon ng Maykawayan at North Tucson Expressway.
02:01Sa Air Quality Monitoring ng Environmental Management Bureau NCR,
02:05kita ang very unhealthy na kalidad ng hangin sa Valenzuela.
02:08Unhealthy naman ang hangin sa ilang bahagi ng kalookan at malabon.
02:11Bagamat hindi tiyakong ang usok mula sa sunog ang sanhinito,
02:15may posibilidad na bahagi ito ng epekto mula sa landfill.
02:18Kaya ang kalihin ng DOH, dumalaw kanina sa Ubando Bulakan para mamigay ng hygiene kit at N95 mask.
02:24Kukuha rin daw sila ng blood sample ng ilang residenteng apektado para maasuri
02:28kung apektado ang mga ito ng mga kemikal na galing sa nasusunog na landfill.
02:33Rafi Tima Nakatutok, 24 oras.
Comments

Recommended