00:00Naaharap po sa kasong graft at malversation kaugnay sa halos 290 million pesos na flood control project sa Nauhan, Oriental,
00:06Mindoro,
00:07si dating akobical partilist representative Zaldi Ko na naaresto na sa Prague, Czech Republic.
00:12September 4, 2025, nang kumpirmahin ng House of Representatives na nagtungo si Ko sa Amerika para sa medical treatment.
00:21Batay po sa records na U.S. Customs and Border Protection, dumating si Ko sa New York noong August 26.
00:27Umalis siya noong September 13 at walang impormasyon kung saan siya nagtungo.
00:32September 29, nang magbitew si Ko bilang kongresista.
00:36Noong November 14, nang mag-upload online ng videos si Ko kung saan tahasan niya isinangkot si Pangulong Bombo Marcos
00:44at dating House Speaker Martin Romualdez sa kontrobersya sa budget insertions.
00:48Itinanggi ng Pangulo at ni Romualdez ang mga aligasyon sa kanila.
00:52November 21, nang sabihin ng DILG na namataan sa Japan si Ko.
00:58Napabalita naman nasa Stockholm, Sweden si Ko batay sa kanyang apostil o notaryo noong January 15.
01:05January 22 naman, nang makakuha na impormasyon ng DILG na nasa isang gated community sa Lisbon, Portugal, si Ko.
01:12February nang mag-request ang International Criminal Police Organization o Interpol sa NBI ng dagdag na impormasyon ukol sa hiling
01:20nitong Red Notice para kay Ko.
01:23Ngayon pong Abril nang sabihin ng DILG na inaasahang lalabas na ang Red Notice ng Interpol laban kay Ko.
01:30Ang Red Notice po ay hiling sa law enforcement worldwide para hanapin at pansamantalang arestuhin ang isang tao na sasailalim
01:38sa extradition pag suko o anumang legal na aksyon.
01:41Ayon sa abogado ni Ko na si Atty. Rui Rondain, hindi muna sila magbibigay ng pahayag dahil wala pa raw
01:47silang informasyon kaugnay ng pagkakaaresto kay Ko sa Prague, Czech Republic.
Comments