00:00Mahigit isang buwan na mula na magsimula ang gyera sa Middle East at ramdam ang malaking epekto nito sa maraming
00:06bansa,
00:07kabilang na po ang Pilipinas, gaya sa pagtaas ng presyo ng mga produktong petrolyo,
00:13pati sa presyo at supply ng ilang pangunahing bilihin kabilang ang bigas, gulay at karne.
00:19Kinangangambahan na rin ngayon ang pangmatagalang epekto ng gyera sa trabaho ng mga Pilipino
00:24sa pag-aaral po ng Department of Economy, Planning and Development o DEP-DEV,
00:29nasa 200,000 hanggang 340,000 na po ang mga Pilipino ang posibleng mawalan ng trabaho ngayong taon
00:38kung uuwi ang 5% ng overseas Filipino workers mula sa Middle East.
00:43Maari naman niyang pumalo sa mahigit kalahating milyon kung 25% ng OFWs ang uuwi.
00:51Kung madaragdagan ang mawawalan ng trabaho, madaragdagan din po ang bilang ng mga may hirap.
00:57Ayon sa DEP-DEV, posibleng nasa 150,000 hanggang 600,000 na mga Pilipino
01:02ang madaragdag sa kategorya ng mga may hirap.
01:06At kung mas tataas pa ang presyo ng petrolyo, pwedeng umabot ang bilang na yan sa 650,000.
01:13Matapos sa deklara ang State National Energy Emergency,
01:17binuo ng Pangulo ang Uplift Committee o Unified Package for Livelihood Industry,
01:23Food and Transport bilang tugon sa epekto ng krisis sa langis.
01:27Ang Department of Budget and Management naglaan na rin po ng mahigit 200 billion pesos
01:32para sa iba't ibang programa na makatutulong sa mga apektado ng krisis.
01:44Ang Department of Budget and Management
Comments