00:00Sinabi ni U.S. President Donald Trump na posibleng umanong magkaroon ng pag-uusap para sa tigil putukan sa pagitan
00:06ng Israel at Lebanon bukas.
00:08Ating saksiha!
00:16Nabalot ng makapal na usok ang bahaging ito ng Southern Lebanon dahil sa napaulat na airstrikes ng Israel.
00:23Ayon pa sa isang opisyal ng Lebanon, nawasak ng airstrike ng Israel ang huli umanong tulay na nag-uugnay sa
00:30Southern Lebanon sa iba pang bahagi ng bansa.
00:34Isa sa mga pinupuntiryan nitong mga nakaraang araw, ang bayan ng Bint Jibail na malapit sa border at balwarte umano
00:41ng grupong Hezbollah.
00:43Ayon kay Israeli Prime Minister Benjamin Netanyahu, doon nakasentro ang bakbakan sa ngayon.
00:49Nagpakawala rin ang Hezbollah ng bagong rockets laban sa Israel.
00:53Bagamat walang napaulat na sugatan.
00:55Si US President Donald Trump may pahaging tungkol sa posibleng pag-uusap ng Lebanon at Israel.
01:01Mangyayari raw yan bukas.
01:03Bagamat walang ibang detay, yan ay binigay si Trump.
01:07Nagpulong ang Gabinete ng Israel para pag-usapan ang posibleng tigil putukan sa Lebanon.
01:13Wala pang konfirmasyon ng Lebanon kung magkakaroon nga ng usapan.
01:17Kaugnay naman sa usapang pangkapayapaan sa pagkita ng Amerika at Iran,
01:21nagtungong Iran ang Army Chief ng Pakistan para maibsan ang mga pagkakaiba na naging hadlang para magkaroon ng kasunduan.
01:30Pero ayon sa isang senior Iranian official, hindi pa rin magkasundo sa isyo ng nuclear program ng Iran.
01:38Sinabi rin ang Pakistan na handang mag-usap ulit ang magkabilang panig, pero wala pang naitalang pet siya.
01:44I think it can be over very soon.
01:46If they're smart, it will end soon.
01:49This whole thing is really about no nuclear.
01:51They cannot have a nuclear weapon.
01:53We could take out every one of their power plants, electric power plants, in one hour.
02:00We don't want to do that.
02:01Patuloy naman ang blockade ng Amerika sa Strait of Hormuz.
02:05Sa ulat ng Reuters, sinabi ng isang source na posibleng pumayag ang Iran
02:10na hindi atakihin ang mga barko sa bahagi ng Strait of Hormuz na dadaan sa gawing Oman.
02:16Nasa 20,000 tripulante ang pinaniwalaang na ipit mula na magsimula ang gera kabilang ang maraming Pilipino.
02:24Ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
02:31Ako, si Mark Salazar, ang inyong saksi.
Comments