00:00Tataas ang singil sa kuryente ngayong Abril?
00:03Kung kailan pa naman mainit, kaya madalas bukas ang ating mga electric fan at aircon.
00:09Paliwanag ng National Grid Corporation of the Philippines o NGCP.
00:13Tumaas ng mahigit 7 centavos per kilowatt hour ang overall transmission rate nitong Marso.
00:20Isa sa mga dahilan ay ang mas mataas na bayad sa ancillary services na sinisingil ng mga power plants.
00:28Pag lilinaw ng NGCP, ang dagdag singil ay hindi direct ang epekto ng gera sa Middle East.
00:35Hindi naman daw kasi nakadepende sa langis ang servisyong kanilang ibinibigay.
00:40Wala rin nakikitang problema ang NGCP sa supply ng kuryente ngayong tag-init.
Comments