00:00The ultimate fire dancer in Puerto Galera is inundah ang taas presyo ng diesel
00:05pero todo pa rin ang kanilang mga pagtatanghal kagabi bago ang pagbabawal sa mga party roon ngayong Viernes Santo.
00:13At nakatutok si Bam Alegre.
00:19Naglalagablab ng mga bolang apoy, paikot-ikot at iniitsa-itsa pa.
00:23Habang hawak ang mga ito, may tumatumbling pa ha.
00:28Ang mga fire dancer na ito ang bumungad sa nightlife ng Puerto Galera kagabi, Viernes Santo.
00:34Pero maging mga fire dancer, umaaray sa presyo ng diesel na gamit nila sa kanilang eksibisyon.
00:41Aplintado talaga po kami kasi ang gamit po namin is diesel kasi mas matagal siyang mamatay.
00:46Bagaman relax ang vibe ng mga turista, nananatiling naka-alerto ang mga otoridad sa seguridad.
00:51May police visibility sa White Beach.
00:53Nadoble po ang deployment po ng aming LGU personnel.
00:57Katulong din po namin ang tourist police.
00:59Actually po lahat ng halos lahat ng tourist attractions.
01:02May palibreng concert din kagabi.
01:06Kinaumagahan ng Viernes Santo tahimik na sa beach.
01:09May direktiba kasi ang lokal na pamahalaan na bawal ang malalangkas na sounds ngayong araw.
01:14Pwede mag-relax, pwede mag-unwind, pwede pakinggan ang tunog ng mga alon.
01:18Pero bawal mag-ingay dito ngayon sa Puerto Galera ngayong Viernes Santo bilang paggunita sa mahal na araw.
01:25Sa tala ng lokal na pamahalaan, nasa mahigit 12,000 na ang mga turista na bumisita rito mula noong Holy
01:32Monday.
01:327,000 ang dumating kahapon, Monday, Thursday.
01:35At ngayon inaasahan na 3,000 turista pa ang hahabol.
01:39Ang matahimik na aura ng Puerto Galera ngayon ang nakaakit sa barkada nila Angelica para magbakasyon dito.
01:45Yun yung maganda po dito kasi syempre iba-ibang religion tayo.
01:49Pero may paggalang pa din tayo sa mga kung ano yung dapat tahimik, dapat solemn pa din yung place.
01:56Sa tala ng lokal na pamahalaan, mas kaunti ang mga turista ngayon kumpara noong nakaraang taon.
02:01Dahil na rin daw sa oil price hike at sa mas mataas na pamasahe.
02:04Syempre naman po, alam naman po natin na we are experiencing crisis po talaga.
02:08So meron po tayong medyo maliit na pagbaba po ng number ng turist po natin.
02:14Around 1,500 turist po yung dinecline ng Puerto Galera from Monday hanggang kahapon po.
02:20Mula rito sa Puerto Galera, Bam Alegre. Nakatutok 24 oras.
Comments