00:00Samantala, sa kabila ng pansamantalang tigil putukan sa Middle East at pagsuspindi ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa excise
00:07tax ng LPG at kerosene,
00:10pinigyang lino ng Department of Energy at ng Department of Finance ang hindi pagsuspindi sa excise tax sa gasolina at
00:16diesel.
00:17Inangulat ni Sheila Natividad.
00:21Matapos ang naging suspension ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. sa excise tax sa LPG at kerosene,
00:27may paliwanag ang Department of Finance at Department of Energy sa hindi pagsuspindi ng excise tax sa gasolina at diesel.
00:34Ayon kay DOE Secretary Sharon Garin, bagamat may pansamantalang tigil putukan sa gitnang silangan,
00:40inaasahan pa rin ang epekto nito sa presyo ng langis.
00:43Pagtingin kasi ng Department of Energy, our current problem is not only problema today or next week or next month.
00:54It will be a prolonged problem, not because of any kung anumang kasalanan ng mga kababayan natin or mga politiko.
01:03It is because of the war in the Middle East.
01:05Dahil dito, mga kabahayan at maliliit na negosyo ang binigyang prioridad sa suspension ng excise tax.
01:11Ang pagsuspindi po sa excise ng LPG at kerosene.
01:16Ngayon po, ang pagsuspindi po sa LPG at kerosene ng excise tax,
01:20ito po ay direktang tulong sa ating mga Pilipino at sa ating mga maliliit na negosyo tulad po ng Karindiria.
01:28At sa estimate nga po, ang savings po for LPG will be around 36.96 pesos per 11 kilogram cylinder
01:36at for kerosene is around 5.6 pesos per liter.
01:42Samantala, tinutugunan din ang pamahalaan ng epekto sa transport sector.
01:46Kaya ipinatupad na simula nitong Martes ang 10 pisong diskwento sa kada litro ng langis
01:52para sa mga public utility vehicles.
01:54Kasabay nito maging ang rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo,
01:58katulad ng diesel, gasoline at kerosene.
02:01With regards to diesel and gasoline, ang DBCC po will continue to monitor the situation
02:06and actually there's a monthly review of the policy.
02:11But for now, nonetheless, with coordination from DOE and the Department of Transportation,
02:17nirekomanda rin po ng DBCC ang pagbigay po ng targeted subsidies through the 10 peso fuel discount.
02:24Sa hiwalay naman na Prescon, tiniyak ng DOE na nananatiling sapat ang supply ng langis sa bansa
02:29habang ipinapatupad ang mga hakbang ng pamahalaan.
02:32Ito naman ang ilan sa mga rutang saklaw ng unang yugto ng implementasyon ng fuel subsidy.
02:38Maaari namang umabot sa 150 liters kada linggo ang maa-avail na may diskwento
02:43at inaasahang tatagal ang programa ng hanggang tatlong buwan.
02:46The plan is to have this program for three months and as of now,
02:53ang system is they go to the gas stations, dala nila yung jeep nila, jeep nila yung kailangan pargahan
03:00and ang gagawin lang ng gas station is i-check nila kung ang license,
03:06yung plate number niya is registered with LTFRB as a PUJ
03:14and then pwede sila mag-avail ng discount.
03:16Samantala, patuloy namang minomonitor ng gobyerno ang galaw ng presyo ng langis sa world market
03:22habang tinitiyak ang sapat na supply at agarang tulong sa mga apektadong sektor.
03:27Shilan Natividad para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments