00:00Bagamat nananatiling stable ang sektor ng agrikultura ng bansa,
00:05tiniyak ng Department of Agriculture na may mga nakalatag na hakbang ang kagawaran
00:10para mabawasan ang epekto sa publiko ng mataas na presyo ng petroyo pagdating sa pagkain.
00:17Ang mga yan, alamin sa sentro ng balita ni Elijah Canlas.
00:24Sa gitna ng tensyon sa Middle East, binigyang diinang pamahalaan ang mga hakbang upang mapanatiling matatag ang ekonomiya at may
00:32seguridad sa pagkain.
00:34Iniutos ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang pagpapababa ng tarif sa imported na pagkain at pagpapabilis ng import permits
00:42upang masiguro ang supply at mapigil ang pagtaas ng presyo.
00:46Ayon kay Department of Agriculture Assistant Secretary Arnel De Mesa, nananatiling stable ang agrikultura dahil nasa anihan ng palay, mais
00:54at gulay.
00:55Stable po yung ating sektor ng agrikultura bagamat maraming shocks na nararamdaman tayo at pwede tayong maramdaman.
01:05Sa palay, nasa peak pa tayo ng harvest, March, April, ganun din sa mais.
01:11Sa mga gulay, nakita natin sa Benguet, sa Cordillera, marami tayong harvest.
01:16Upang matugunan ang transportasyon ng mga gulay, nagdeploy ang DA ng kadiwa trucks para direktang maihatid ang mga produkto sa
01:23pamilihan.
01:24Naglaan din ng 150 milyon pesos para sa fuel assistance ng mga magsasaka at mangingisda,
01:30kasabay ng moratorium sa pagbabayad ng utang ng mga benepisyaryo ng agricultural loans.
01:36Sa ilalim ng Executive Order 110, pinakikilos din ang emergency fund para sa biofertilizers upang mabawasan ng pagdepende sa imported
01:45na abono.
01:46Inaantay naman ang pag-aproba ng Pangulo sa price cap para sa premium imported rice.
01:52We are still awaiting doon sa pag-issue ng order.
01:55Para lang ito sa premium imported rice.
01:58The local is not going to be affected kasi gusto natin na yung ating mga magsasaka patuloy na makinabang dito
02:05sa magandang presyo ng farm gate.
02:07Samantala, nanawagan ng Employers' Confederation of the Philippines ng suporta para sa MSMEs na bumubuo sa 99% ng negosyo
02:17sa bansa.
02:18Ayon kay Sergio Ortiz Lewis Jr., madaling maapektuhan ang maliliit na negosyo dahil sa taas ng gastos.
02:24Pabor ka meron sa taggalin muna yung excise tax, taggalin muna yung withholding tax at itong bandayang mabuti, itong fuel
02:38sector.
02:39Magpapatuloy din ang benteng bigas program at pag-aalis ng toll fees sa fishports upang mapababa ang logistics costs.
02:46Sa kabila ng mga pagsubok, itinutulak ang mga pangmatagalang solusyon tulad ng solar irrigation at alternatibong enerhiya.
02:54Isa sa mga pangunahing programa ngayon ng Department of Agriculture ang Sagip Saka,
02:59na kung saan ang mga LGU na mismo ang bibili ng mga sobrang ani mula sa mga magsasaka para hindi
03:04masayang ang mga sobrang ani
03:06at upang mapanatili na matatag ang presyo ng mga bilihin sa kabila ng nangyayaring krisis sa gitnang silangan.
03:14Elijah Canlas para sa Pambansang TV sa Bagong Pilipinas.
Comments