Skip to playerSkip to main content
  • 6 weeks ago
Pagsuspinde ni PBBM sa excise tax sa LPG at kerosene, aprubado sa mga Senador; ilang mambabatas, umaasang sususpendihin din ang buwis sa diesel at gasolina | ulat ni Louisa Erispe

For more news, visit:
►https://www.ptvnews.ph/

Subscribe to our DailyMotion Channel:
►http://www.dailymotion.com/peoples-television-incorporated

Subscribe to our YouTube channel:
►http://www.youtube.com/ptvphilippines

Like our Facebook pages:
►PTV: http://facebook.com/PTVph
►Rise and Shine Pilipinas: https://www.facebook.com/riseandshinepilipinas

Follow us on Twitter:
►http://twitter.com/PTVph

Follow us on Instagram:
►https://www.instagram.com/ptvph

Watch our livestream on:
►http://ptvnews.ph/livestream/
►https://www.dailymotion.com/PTVPhilippines

Watch our News Programs, every Mondays to Fridays

Rise and Shine Pilipinas - 6:00 - 8:00 am
PTV Sports - 8:00 - 9:00 am
Bagong Pilipinas Ngayon - 12:00 - 1:00 pm
Sentro Balita - 1:00 pm - 2:00 pm
Ulat Bayan - 6:00 pm - 7:00 pm
PTV News Tonight - 9:00 pm - 10:00 pm

Saturday & Sunday:
Sentro Balita Weekend - 1:00 - 1:30 pm
Ulat Bayan Weekend - 6:00 pm - 7:00 pm

Category

🗞
News
Transcript
00:00Malaking tulong sa bansa, ayon sa mga senador, ang ginawang hakbang ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suspendingin ang
00:07excise tax sa LPG at kerosene.
00:09Pero panawagan din ang ilang mababatas, masuspendingin sana ang buwi sa diesel at gasolina.
00:15Ang detalyo sa report ni Louisa Erispe.
00:20Positibo ang pananaw ng ilang senador sa naging desisyon ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. na suspendingin ang excise tax
00:28sa LPG at kerosene.
00:30Ayon mismo kay Senate President Vicente Soto III, naniniwala siyang malaki ang may tutulong nito at mahalaga ito para sa
00:38mga Pilipino.
00:39Kung dapat naman anya suspendingin din ang excise ng gasolina at diesel,
00:44Ang sagot ni Soto, kung makakatulong na mapababa ang presyo nito sa merkado, pabor siya dito.
00:50Si Senate President Pro Tempore Panfilo Laxon naman, may sugestyon pa nga na kung pwede, paikliin ang monitoring period bago
00:59maisuspende ang excise tax.
01:01Guit ni Laxon, sa ganitong panahon na may krisis dahil sa Middle East, mabilis ang pagtaas ng petrolyo, kaya dapat
01:08mabilis din ang pamahalaan.
01:10Kahit si Sen. Erwin Tulfo, pabor din sa desisyon ng Pangulo.
01:15Anya, pagamat hindi ito ang inaasahan nila sa Senado, nang ipinasa ang batas sa pagsuspende ng excise tax,
01:22baka sunod na rin isuspende ang buwis sa gasolina at pati na rin sa diesel.
01:26I agree actually, pero parang kulang. Pero depende pa rin sa executive yun. Dahil alam ko naman may mga economic
01:35managers na nag-advise sa kay Pangulo.
01:37So, we'll wait and see. Siguro, naririnig naman na nila. Tayo, naririnig natin dito sa baba.
01:43I'm sure naririnig na nila yun na kulang pa, di ba? Na talaga naghihikahus na.
01:48So, yun ang magiging. I believe they will really act on it. Tinag-aaralan according to my source, the President
01:55is listening and then ina-advise sa siya ng economic managers natin.
02:00Why don't we just wait? Siguro, during the next few days, baka isunod na rin yung diesel at saka gas.
02:07Nauunawaan din daw ni Tulfo na nag-iingat lang ang Malacanang dahil malaki ang mawawalang buwis kung isang bagsak na
02:15sususpendihin ang excise tax.
02:17Pero tiwala siya na pinag-aaralan na ito ng Malacanang.
02:20I can understand why he did that because I was already informed na the reason why the President did that
02:28is because yung revenue collection natin will be greatly affected kung sabay-sabay lahat ipapatupad, aalisan o isususpend ang excise
02:38tax.
02:39Si Senator Wynne Gatchalian naman, umaasa din na susunod ng masususpende ang excise tax sa diesel.
02:45Sa isang panayam, Ani Gatchalian, marami ang nasa sektor ng transportasyon na gumagamit ng diesel.
02:52Kaya sana, sumunod na ito sa kerosin at LPG.
02:56Pero pabor siya na dapat pag-aaralan muna kung dapat din bang isama ang gasolina.
03:01Luisa Erispe, para sa Pumbansang TV, sa Bagong Pilipinas.
Comments

Recommended