00:00Imbis na posas at tsapa, pala, walis at grasscutter
00:05ang hawak po ng isang pulis sa kanyang mga content online.
00:09Tabas to the rescue siya para malinis at ligtas
00:12ang mga kalsada na natabunan na ng mga damo at tanim.
00:16Ang kanyang clean fluence, na hindi lang daw basta for the content,
00:20patok at hinangaan ng mga netizen.
00:22At yan po ang tinutuka ni Oscar Oida.
00:27Tabas here, tabas there.
00:30Magko-content ka nga lang din naman,
00:32e i-maxed up mo na ang pakinabang.
00:35Yan ang hinangaang paandar ng pulis
00:38at clean fluencer na si Police Master Sergeant Eugenio Sarabello
00:43sa kanyang FB posts.
00:45Di lang kasi basta kung anong beat o patawa ang trip niya,
00:50kundi ang makapagbigay ng maayos at ligtas na daanan
00:54para sa mga tao at motorista.
00:57Sa ganitong sitwasyon, kailangan ng agarang solusyon.
01:00Ang kanyang target,
01:02linisin ang maliliit na kalsada sa kanilang lugar sa Cebu
01:06na natabunan na ng mga damo at tanim.
01:09Ah, kasi po sir, nasa puso ko talaga na gusto kong makatulong ng tao, sir.
01:14At saka, yun lang ang nakikita ko kasi ako wala akong pera.
01:19Sa aking palagay, malaki na rin tulong yan para iwas disgrasya po ang ating mga kababayang motorista po, sir.
01:25Mantakin nyo, mag-isa niyang tinatabas ang mga ligaw na damo.
01:29Kaya kung minsan, kung di nauulanan, e inaabot na siya ng gabi.
01:35Extra challenge pa ang mga gumagalang ahas sa lugar.
01:40Pero ano, sir, patay na yung ahas, pero malaki, sir.
01:45Patay na doon sa gilid ng kalsada.
01:49Natatakot naman po, sir, pero tinitingnan ko nila po ng maigay.
01:53Baka mayroon talaga.
01:54Kwento pa ni Eugene, minsan na rin pala siyang naaksidente sa motorsiklo dahil sa mga ligaw na damo sa daan.
02:02Dati nabangga na po ako kasi hindi ako nakita ng ibang motorista kaya ako ginagawa yan, sir.
02:08Kasi, sir, pauwi ako sa amin, nagbusinan naman po ako.
02:13Nakita niya na taranta siya. Pagtaranta niya, doon pumunta sa akin.
02:18So, minor injury lang po yung nakuha ko, sir.
02:22Pag titiyak ni Eugene, hindi naman daw nakakasagabal ang kanyang pagtatabas sa kanyang trabaho bilang alagad ng batas.
02:30Ginagawa niya lang kasi ito tuwing day off niya.
02:33And so far, marami nang nakakakilala sa kanya.
02:37May mga humihinto pangaraw para batiin siya.
02:42Kung hanggang kailan niya ito balak gawin, ang sagot niya.
02:45Hanggat kaya pa sa ano ko, sir, hanggat kaya pa sa katawan ko, sir, kapag wala pang sakit-sakit sa
02:51baywang, hanggat kaya.
02:53Oscar Oida, Nakatutok, 24 oras.
Comments