00:00Sumuko sa polisya si Cavite 4th District Representative Kiko Barzaga matapos siyang ipa-aresto ng korte para sa reklamong cyber
00:08libel.
00:09Mag-alas 7 kagabi, nagpunta si Barzaga sa Das Marinas Police Station sa Cavite matapos isyuhan ng arrest warrant ng
00:17Makati Regional Trial Court.
00:20Nakapagpiansa rin siya ng halagang mahigit 384,000 pesos.
00:24Matatanda ang sinapahan si Barzaga ng reklamong cyber libel ng negosyanteng si Enrique Razon,
00:31pati ni na Antipolo Rep. Ronaldo Puno at Manila Rep. Rolando Valeriano,
00:37kaugnay po yan sa post ni Barzaga na nakasuhulan umano kapalit ng pagsuporta noon ng National Unity Party
00:45kay dating House Speaker Martin Romualdez, bagay na itinanggi na ng mga complainant.
00:51Sa isang post, sinisi naman ni Barzaga si Pangulong Marcos sa pagpapa-aresto sa kanya.
00:58Sinusubukan po ng GMA News na makuha ang panig ng palasyo ukol dito.
Comments