Skip to playerSkip to main content
Qualified jeepney and UV express drivers can now avail of P10/L fuel discount in selected gas stations in Metro Manila.


Saksi is GMA Network's late-night newscast hosted by Arnold Clavio and Pia Arcangel. It airs Mondays to Fridays at 10:20 PM (PHL Time) on GMA-7. For more videos from Saksi, visit http://www.gmanews.tv/saksi.


#GMAIntegratedNews #KapusoStream


Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA Integrated News Portal: http://www.gmanews.tv
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews


GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Simula na po ang 10 piso kada litrong diskwento para sa mga jeep at UV express sa mga piling gasolinahan
00:07sa Metro Manila.
00:08Pero tuloy pa rin ang tigilpasada ng ilang transport groups simula po bukas.
00:13Saksi, si Maki Pulido.
00:18Nang magpakarga si Rodolfo sa isang gasolinahan sa Laloma, Quezon City,
00:23hindi niya alam na simula na ngayong araw ng 10 piso kada litrong diskwento para sa mga PUV.
00:29Kasi talagang yung kita namin alos napupunta lang sa gas.
00:33Kaya nagulat siya nang suklian siya ng gas atendan na siya na mismo nag-input sa Land Bank phone app
00:39ng plate number ng jeep.
00:41At dahil kasama sa listahan, 10 piso kada litro ang ibinawa sa pinakarga ni Rodolfo.
00:46Nagugulat din yung ibang jeep kasi hindi nila expect na meron po talaga silang discount.
00:50Mga may prankisa lamang na jeep, modern o traditional at mga UV express ang bibigyan muna ng subsidy.
00:57150 liters kada linggo ang subsidy hanggang Kulyo ayon sa LTFRB.
01:02Inaayos pa raw ang sistema para may patupad ito sa buong bansa kasabay ng pag-aaral na mabigyan ang subsidiya
01:07maging ang ibang public transportation.
01:09For example, magpapagka siya ng 10 liters.
01:15So instead of paying kung ang presyo ng crude oil, let's say 150 pesos, instead of paying 1,500 pesos,
01:23ang babayaran na lang niyang 1,400 pesos. Automatic deduction.
01:27Ayon sa Department of Energy, 52 gas stations sa Metro Manila ang accredited para sa programa.
01:34Para sa jeep ni driver na si Roderick, malaking tulong ang diskwento pero kulang pa rin.
01:39At least papasok yung kahit bariya-bariya lang. Hindi sapat po pero okay na rin yan po kaysa wala.
01:45Gusto naman namin kung may limit sa budget.
01:48Someday if we get more money or may ibang source ang gobyerno, then I think this is a good system
01:55also to help out.
01:56Bukas naman ang simula ng service contracting program ng Department of Transportation.
02:01Humingi ang DOTR ng dagdag 5 billion pesos para mapalawig ang implementasyon nito.
02:06Patuloy rin ang payout ng 5,000 pisong ayuda ng DSWD.
02:10Kanina, may special payout para sa mga tricycle at jeepney driver sa Metro Manila na hindi pa nabigyan.
02:16Tatagal ang mga special payout sa NCR hanggang April 19.
02:20Target ng DSWD na sa April 30, matapos na ang pamamahagi ng cash relief assistance para sa lahat ng PUV
02:27drivers sa buong bansa.
02:29Pero kung magmamahal pa ang petrolyo at kakailanganin pa ng ayuda,
02:33posibleng idaan ang DSWD sa e-wallet ang payout para sa mga driver na meron nito.
02:38Kasabay nito ang pagpapatupad ng mahigit 20 pesos na rollback kada litro ng mga oil companies simula ngayong araw.
02:44Siyempre, masaya kami na bumaba. Sana nga tuloy-tuloy na yung pagbaba na yan.
02:50Sana bawalik na ulit dun sa dati para mas maganda-ganda ang kita.
02:55Pero kulang ang rollback para sa ilang transport group.
02:58Kaya tuloy ang tigilpasada ng manibela mula bukas hanggang biyernes.
03:02Noong nabili nila ng mura, pero po yung presyo na ipinenta sa atin simula ng nagkaroon ng tension,
03:09ay umabot po hanggang 200% ang increase nito.
03:12Ibig sabihin po ay taong bayan ang pumili, ang nag-finance, ang namuhunan dito sa dumating na mga panibagong impact.
03:23Kasama rin sa protesta ang Piston.
03:25Tuloy-tuloy ang ating protesta hanggang sa lampas ng ngayon uno.
03:29Hanggat na hindi tinatanggal itong older regulation law, hanggat na hindi tinatanggal yung size tax at yung sabat sa langit.
03:36Kulang din daw ang diskwento at dapat tanggalin ang excise tax sa diesel at gasolina.
03:41Pero nanindigan ang gobyerno, mas okay ng diskwento ang ibigay nila kaya sa tanggalin ang excise tax.
03:47Kung tatanggalin yung excise tax, ang pakinabang po ng transport na diesel, adding na piso.
03:54Pero in this process, 10 piso po ang kanilang pakinabang.
03:57For diesel, 85% of the consumption is actually the top 3 desiles.
04:04So kapag tinanggal po natin yung diesel, ang pinakamahikinabang po nito, yung pinakamaraming kumukonsumo, which is yung pinakamayaman.
04:11Ayon sa Department of Finance, may buwan ng review ang Development Budget Coordination Committee sa mga pulisiya,
04:17kaugnay sa presyo ng langis.
04:19Pusibleng maglabas pa ng dagdag na hakbang ang pahulo sa mga susunod na araw.
04:22Sa ngayon, tiis pa rin ang mga tsopera at mahihirap na pinaka-apektado ng krisis.
04:27For pesos, hindi ramdam. Kung pwede lang hindi na bumiyahe sa bahay na lang, kaso hindi rin po pwede.
04:34Baka sakali na lang, mapakain ko man lang yung sarili ko sa pamamasada.
04:39Ako si Mackie Pulido, ang inyong saksi.
Comments

Recommended