Skip to playerSkip to main content
Balitanghali is the daily noontime newscast of GTV anchored by Raffy Tima and Connie Sison. It airs Mondays to Fridays at 11:00 AM (PHL Time). For more videos from Balitanghali, visit http://www.gmanews.tv/balitanghali.


#GMANews #SerbisyongTotoo #BreakingNews
Watch the latest news stories from GMA Network's trusted news programs on the GMA Play app.
Download now on Google Play and App Store.
Also available on GMANetwork.com/GMAPlay and Android TVs!
GMA Network promotes healthy debate and conversation online. Any abusive language that does not facilitate productive discourse will be blocked from this post.
For more updates, visit this link: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AjcPwb7dvUt3oCLasY96Dta
For live updates and highlights, click here: https://www.youtube.com/playlist?list=PLCpdvYcv59AiKdYH_GDSU7sBgfc7Cd1de
Breaking news and stories from the Philippines and abroad:
GMA News Portal: http://www.gmanews.tv
YouTube: https://www.youtube.com/@gmanews2026
Facebook: http://www.facebook.com/gmanews
TikTok: https://www.tiktok.com/@gmanews
Twitter: http://www.twitter.com/gmanews
Instagram: http://www.instagram.com/gmanews
GMA Network Kapuso programs on GMA Pinoy TV: https://gmapinoytv.com/subscribe

Category

🗞
News
Transcript
00:00Bago ang hearing ngayon, lumabas ang isang liham na pirmado ng nagpakilalang dating aide at bagman ni Vice President Sara
00:07Duterte na si Ramil Madriaga.
00:10Idiletali roon ang magiging hakbang daw para mapatalsik ang Pangulo maging ang plano kung hindi raw yon maisa sa katuparan.
00:17Balitang hatid ni Tina Panganiban Perez.
00:23Nakuha ng GMA News ang liham na ito mula sa isang reliable source sa kampo ni Ramil Madriaga.
00:30Sulat kamay, pirmado at may pechang April 11, 2026.
00:36Si Madriaga ang nagpakilalang dating aide at bagman umano ni Vice President Sara Duterte at isa sa mga pinahaharap na
00:44testigo sa impeachment proceedings na isinasagawa ng House Committee on Justice.
00:49Sa dokumento, tinukoy ni Madriaga, si FPRRD, ang initials ni former President Rodrigo Roa Duterte.
00:58Noong November 2021, binanggit daw sa kanya ng dating Pangulo na hahayaan daw tumakbo si Bongbong Marcos bilang Pangulo kasama
01:08si Sara Duterte.
01:09Pero kukuni nila ang pagkapangulo pagsapit ng taong 2025.
01:13Ito raw ay para mapalawig ang kontrol ni Duterte sa gobyerno at gagamitin lamang si Marcos bilang political tool.
01:22Pagkatapos daw manumpa sa tungkulin ni VP Sara noong taong 2022, sinabi ng dating Pangulo sa isa namang pulong kasama
01:31si Madriaga at ilang retiradong general,
01:34ang plano niyang alisin sa pwesto si Pangulong Marcos sa anumang paraan.
01:39Uupo bilang Pangulo ang anak niyang si Sara Duterte at maaari pa rin itong tumakbo sa 2028 Presidential Elections.
01:48Dagdag pa raw ng nakatatandang Duterte.
01:51Alam daw ni Pangulong Marcos na bababa siya sa pwesto sa 2025 at ibibigay ito kay VP Sara.
01:59Kwento ni Madriaga.
02:00Bago mapatalsik si Marcos, magkakaroon ng mass resignations ng government officials, mga rally, pagpaslang ng mga opisyal ng gobyerno, civil
02:11disobedience at pagsalakay sa malakanyang palas na mga kinuha nilang mga grupo at individual.
02:18Ito raw ang assignment ni Madriaga, ang mag-recruit ng mga makikibahagi kabilang ang mga kriminal at kahit mga sindikato.
02:27At kapag nagkakagulo na, ito raw ang magiging daan para magsagawa ang militar ng coup d'etat.
02:34Kung hindi raw kusang bababa sa pwesto si Marcos o mag-excel sa Amerika, papatayin daw ito.
02:42Hinihinga namin ang reaksyon dito si Vice President Duterte pero dati na niyang itinanggi na nagtrabaho sa kanya si Madriaga.
02:50May natanggap naman ang House Committee on Justice na kopya ng petisyon ng asawa ng Vice na si Atty. Manz
02:57Carpio na humihiling sa Quezon City Regional Trial Court na pigilan ang paglalabas ng income tax returns nila ng Vice
03:05sa impeachment hearing.
03:07Maliban daw kasi sa walang horisdiksyon ng House Committee on Justice, labag din daw ito sa right to privacy ni
03:13Carpio na walang kinalaman sa impeachment.
03:16Pero kinontra ito ni Ridon.
03:19Hindi po yung totoo kasi ITRs are public documents. Kailangan pong makita kung meron po bang unexplained wealth ang atin
03:27pong pangalawang Pangulo.
03:29Tina Panginiban Perez, nagbabalita para sa GMA News.
Comments

Recommended